Alyjah
Hunghang ang aking pakiramdam nang bumangon akong wala na sa tabi ko ang babaeng nakamaskara. Mas naging tuliro ang isip ko nang makita ko ang pulang mantsa sa bedsheet. Pumikit ko at inalala ang pakiramdam noong nagniniig kami. Pakiramdam ko'y hindi naman ako ang nakauna pero, ang pulang mantsa na ang patunay na birhen pa siya.
Napasabunot ako sa aking ulo nang muli akong atakihin ng alalahanin. Hindi siya ang babaeng nakatalik ko noong kung ganoon. Ngunit bakit pakiramdam ko'y kilala ko ang babaeng nakamaskara. Bakit pakiramdam ko noong una ay iisa lamang sila.
Hindi ko pa rin naman maipagkakailang may atraksiyon pa ako sa babaeng nakamaskara. Ngayon ay litong-lito na ako.
Ilang araw na rin akong nakatira dito sa hotel. Hindi ko magawang umuwi sa apartment, ayon kasi kay Heron ay naroon pa si Ely, naghihintay sa aking pagbabalik.
Binaba ko ang aking paa sa sahig. Pumukit ako nang maramdaman ko ang pagpitik ng aking sentido at sumakit ang ulo. Napahilot ako roon habang kinukuwestiyon kung nararapat pa ba akong bumalik sa kanya, gayong nagawa ko na rin ang sumiping sa iba.
Tumayo ako at minabuting maligo baka sakaling mawala ang sakit ng aking ulo. Malamig na tubig ang pinaragasa ko sa aking katawan galing sa shower.
Sa aking pagkakapikit pilit kong inaalala ang itsura ng babaeng nakamaskara. Naalala kong tela lamang na manipis na para bang lambat ang suot niya sa mukha. Subalit hindi remehistro ang mukha niya sa aking alaala. Siguro dahil na rin sa aking kalasingan.
Pagkatapos maligo,minabuti kong dalawin si Aiden. Bumuti na ang lagay niya ng tuluyan. Inalis na ang tubong nasa katawan niya, kahit na hindi pa nga siya gumigising.
Saglit lang ako roon dahil kailangan kong pagtuunan ng pansin ang kasisimula kong negosyo. Hands-on ako dahil kauumpisa pa lamang namin. Medyo patok na rin siya dahil sa tulong ni Heron.
Kinagabihan, sinadya ko ang Heaven Club para kausapin si Mamang. Nais kong malaman ang tungkol sa babaeng nakamaskara.
"Matagal nang hindi sumasayaw ang babaeng nakamaskara dito. At hindi na siya babalik kailanman," ika ni Mamang na halos hindi makatingin sa akin nang diretso. Kaya sigurado akong nagsisinungaling siya.
"Mamang, gusto ko lang malaman kung sino siya at nasaan siya ngayon?" muli kong tanong kahit alam kong nakukulitan na siya sa akin.
Tumingin siya sa akin at napailing. Walang ka ngiti-ngiti ang mukha niya.
"May asawa kang tao, Ali. Bakit mo hahanapin ang babaeng ayaw magpakilala at magpahanap!" Nahimigan ko ng galit ang boses niya.
Nanuyo ang aking lalamunan, pakiramdam ko pati ang labi ko kaya dinilaan ko iyon.
"Kalimutan mo ang babaeng nakamaskara. Unahin mo ang gusot na meron ka." Kunot noong napatitig ako kay Mamang. "Biktima si Elyssa dito..."
Napatayo ako at natampal ang mesa. Umakyat ang dugo ko sa aking ulo at halos pumutok akong parang bulkan sa galit.
"Alam ninyo ang nangyayari noon?"
Tumalikod siya sa akin pagkatapos niya akong pasadahan ng tingin.
"Karapatan ni Elyssa ang lumigaya, kaya sana huwag mo na siyang pahirapan pa. Marami na siyang isinakripisyo."
"Ano'ng alam mo, Mamang?" Halos sigaw na tanong ko dahil hindi ko na talaga makuha ang ibig niyang sabihin. Basta ang pagkakaintindi ko, alam niya ang namagitan kay Ely sa ama ko. May kinalaman kaya siya sa nakaraan?
Muli siya g humarap sa akin.
"Ikaw lang ang puwedeng magtama ng lahat. Sana ay pairalin mo ang pagmamahal kesa galit sa puso mo. Tumayo siya at lumapit sa pinto. Binuksan niya iyon at muli akong nilingon. "Makakaalis ka na Mr. De Silva." Pagtataboy niya sa akin.
Tila isang puzzle sa akin ang sinabi ni Mamang. At kahit anong pilit kong resolbahin, sumasakit lang ang ulo ko.
Isang buwan na ang nakalilipas, nawalang parang bula ang babaeng nakamaskara pagkatapos ng isang gabing alam kong hindi ko malilimutan.
Hindi ko mapigilang magalit, galit sa sarili ko. Alam kong hiwalay na kami ni Ely, pero ang pakiramdam na wala pala akong pinagkaiba sa aking ama ay nakakagalit. Kaya ko rin pa lang magtaksil.
Napasabunot ako sa aking buhok. Nabalitaan ko pang binabalak ni Papa na dalhin si Ashley sa America upang ipagamot. At ang kaalamang nasa poder niya ulit si Ely ay lalong nagpasakit hindi lang sa isip ko kundi maging ng puso ko.
"Hi, i-tsi-check ko lang ang pasyente..."
Nabitin sa ere ang pumasok na babeng naka-gown ng pang doktor noong lumingon ako. Pareho kaming nagulat nang makilala ang isa't isa.
"It's you!"
"Rochelle?"
Sabay pa naming bulalas at parehong may gulat sa mukha. Batay sa kasuotan niya, isa siyang doctor. Tumayo ako mula sa pagkakaupo habang siya ay palapit naman.
Lumapit siya kay Aiden at ineksamina ito. Tahimik ko lamang siyang pinanood. Pagkatapos noon ay muli siyang bumaling sa akin.
"Kamag-anak?" tanong niya na ang tinutukoy ay si Aiden. Umiling ako.
"Kaibigang matalik," sagot kong ininatango niya at muling pinasadahan ng tingin si Aiden.
"Ako ang magiging private doktor niya," ika niyang nahimigan ko ng lungkot ang mga mata niya. "Hindi mo kasama asawa mo?" Bigla niyang tanong out of nowhere.
Umiling lang akong muli.
"Okay na kayo? Be sure to make her happy. Hindi biro ang pinagdaanan niya," ika niyang nagpakunot sa noo ko.
Ayaw ko na sanang pahabain ang aming usapan pero nahiwagaan ako sa sinabi ni Rochelle.
"Ano'ng ibig mong sabihin?"
Muli siyang tumitig kay Aiden at nanatili ang mga mata sa kaibigan ko nang muli siyang magsalita.
"Hindi ako sigurado noong una ko siyang nakita sa kotse mo. Akala ko kamukha lang ng babaeng iniligtas ko six years ago." Humarap siya sa akin. "Six years ago, dalawang babae ang nasagasaan."
I know about that story.
"Ang masaklap, they are both pregnant."
Nanginig ang aking bibig sa kanyang sinabi. Hindi ko alam kung tama ba ang pagkarinig ko.
"Your wife lost the child, samantalang naipanganak pa ng babaeng kasama niya ang anak nito bago malagutan ng hininga."
Naikiling ko ang aking ulo sa kanya. Bigla na lang nanuyo ang aking lalamunan sa nalaman. Ibig bang sabihin, hindi talaga anak ni Ely si Ashley kundi anak ni Papa kay Anassa? Iyon ba ang sinasabi ni Aiden na kaya naman niyang tanggapin ng buo?
"Does my wife knew about the child?" Hindi ko mapigilang itanong. Biglang sumibol ang kaunting pag-asa sa aking puso.
"She knew she lost the child, pero sa pagkakatanda ko, ayaw ng ina nila na ideklarang anak ito nang namatay niyang anak. Hindi ko pa maintindihan noon,estudyante lamang ako at isa pa, it's their familly problem, labas na ako roon." Mahaba niyang pahayag at muling tumingin kay Aiden. "I saw him there too. Nagluksa siyang parang nawalan ng asawa at anak."
Napaupo ako sa katotohanang sinabi ni Rochelle. Nanginginig ang kamay kong muling naisabunot sa buhok ko.
Bakit hindi sinabi ni Ely na hindi siya ang ina. Bakit mas minabuti niyang kasuklaman ko siya kesa bawasan ang mga paratang ko sa kanya? Bakit?
"Did you even gave her a chance? Ni ayaw mo nga siyang pakinggan!" usig ng konsensiya ko.
Kinapa ko ang aking dibdib habang namumuo muli ang galit sa aking sistema. Kailangan kong makausap si Ely. Handa akong makinig sa kanya, makikinig ako basta wala nang kasinungalingan.
Mabilis akong nagpaalam para puntahan si Ely.
BINABASA MO ANG
My Wife Is My Father's Mistress (R-18)
Художественная прозаSi Elyssa, nagmahal at nasaktan sa maling tao. Sa muling pagbubukas ba ng kanyang puso, maling tao na naman kaya ang iibigin niya? Si Alyjah, nasaktan sa kinahinatnan ng kanyang ina. Poot at galit ang itinanim niya sa kanyang puso. Mababago kaya ito...