Chapter 57

293 19 5
                                    

Binantayan ko ang konstruksiyon ng akin negosyo. Pagkatapos ay nakipagmeeting ako sa suppliers ng iba't ibang piyesa ng sasakyan. Masaya ako sa negosyong itinatayo ko, noon pa lang ito na ang gusto ko.

Gaya ng dati, pagkatapos ng maghapon ay tutungo ako sa hospital para dalawin si Aiden. Bumuti na ang kalagayan niya at ang sabi, maisasalba pa siya sa pagiging gulay sa pamamagitan ng mga therapy. Hindi pa nga lamang siya gumigising pero stable na ang lagay niya.

Ang itinuring niyang pamilya ay naroon din, alam nilang malaking kawalan si Aiden sa pagpapatakbo ng negosyo nila. Hands-on si Aiden at matalino kaya alam kong hirap na hirap ang mga ito ngayong ganoon ang sitwasyon ni Aiden.

Nanatili ako roon hanggang hating gabi, gaya ng dating gawi pupunta muna sa isang bar para uminom bago umuwi.

"Dati ba, Sir?" tanong ng bartender sa akin na agad kong tinanguhan. Ngayon nga ay kaharap ko na ang baso ng alak na may lamang rum.

Ngunit ang dapat na iniinom ay tinititigan ko lamang. Ilang minuto na ako roon pero hindi ko la nakakalahati ang order ko.

"Mukhang wala ka sa mood uminom, Sir, ah," puna ng bartender na ininangiti ko.

Tinungga ko ang laman ng baso ko saka tumayo. Naglagay ako ng pera katabi ng basong wala ng laman at umalisa para umuwi. Maaga pa kaya lamang, boring na sa akin na mag-stay pa roon.

Hindi ko na pinag-aksayahang hanapin ang susi ko dahil kabisado ko na si Ely. Pagbubuksan niya ako panigurado ng pinto, lagi siyang nakaabang sa pagdating ko.

"Ali..."

Agad siyang lumapit sa akin at inalalayan ako. Napatda ako nang wala siyang inhibisiyong hawakan ako, na para bang walang nangyari sa pagitan namin.

"Lasing ka na nama!" palatak niya at kinuha ang dala kong bag para ilagay sa upuan.

Pasimple kong pinagala ang mata ko sa bahay, kung anong ginagawa niya habang hinihintay ako. Nakita ko ang ilang mga damit at make -up na nakalagay sa mesa.

Hindi ako nagsalita at nagkunwari akong lasing na lasing. Kunwaring tinabig ko pa ang kamay niya at pasuray-suray na nagtungo roon. Naupo sa upuang gamit niya kanina.

"Sandali, Ali, pasensiya na, nagkalat pa ang idi-deliver kong order bukas. Hindi ko kasi nagawa kanina kaya ngayon ko lang naharap," ika niyang nagdadaldal  habang nilalagay sa malaking box ang mga iyon.

Napaka-natural ng pakikipag-usap niya sa akin na para bang gaya pa rin kami ng dati. Na-miss ko iyon. Nami-miss ko siya.

Dahil nasa harapan ko siya, hinila ko siya para yakapin. Pumulupot ang aking kamay sa kanyang beywang at isinandig ang aking ulo sa kanyang tiyan.

Tumigil siya sa ginagawa at hinayaan niya ako sa ganoong posisyon. Hinagod pa niya ng kanyang kamay ang buhok ko.

"Alam mo bang na-mimiss na kitang ganito sa akin? Alam mo bang labis akong nangungulila sa Ali na minahal ko?" Napapikit ako ng mariin sa mga sinasabi niya. "Kailan mo ba ako mapapatawad, Ali? Kailan ba babalik ang taong minahal ko?" ika niyang may pagsinghot. Naramdaman ko pa ang patak ng luha sa aking kamay. 

"Uhmmm," naringgan ko siyang natawa nang bahagya at inalis ang kamay na humahagod sa aking buhok, siguro para pahirin ang luhang nasa pisngi. "Maghihintay akong mapatawad mo ako. Hindi kita susukuan, hindi ako aalis sa tabi mo hanggang hindi mo ako napapatawad," dagdag pa niya na lalong umusig sa aking konsensiya.

Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya nang bigla siyang mapaigik at gamit ang kanay ay itinulak ako ng bahagya.
Namumungay ang mga mata kong tiningala siya. Nakababa rin ang tingin niya at sinalubong ang titig ko.

"Magpahinga ka na, Ali. Alam kong abala at pagod ka sa negosyo mo."

Muli niya akong inalalayan para makatayo at dinala sa nag-iisang kuwarto na naroon. Dahil naglalasing-lasingan ako, hindi ko natantiya ang pagpapabigat ko ng katawan, bumagsak kaming pareho sa kama na nakapatong ang tila papel niyang katawan sa akin.

Napasinghap ako nang pilitin niyang agad na makabangon at nasagi niya ang gitna ko. Kaya naman tila may sariling isip ang kamay kong pumulupot iyon  sa beywang niya para pigilan siyang manatili sa kanyang puwesto.

Ang puso ko ay walang tigil sa malakas na pagkabog. Alam ko kung bakit ngunit pilit kong iwinawaksi iyon sa aking isipan. Pinipigilan ng isip kong tunawin ang anumang galit na merin ako sa kanya. Iba nga lamang ang ginagawa ng aking katawan. Gusto ko siyang maramdaman.

"Ali," anas niyang may pagsusumamo sa boses. Alam ko rin ang ibig sabihin ng pagtawag niya sa aking pangalan.

Niluwagan ko ang  pagkakahapit ko sa kanyang beywang at nagkunwari namang nakatulog, kahit pa alam kong may nabuhay na parte sa akin dahil sa pagdaiti ng aming katawan.

Pinakiramdaman ko siya nang makatayo na. Naupo siya sa gilid ng kama at isa-isang tinanggal ang butones ng aking damit.

"Natulog ka na namang  hindi nagbihis."

Kinakausap niya ako habang tinatanggal ang isang manggas sa aking kamay. Itinulak pa niya ako pakaliwa para matanggal niya iyon, pagkatapos ay sa kabila naman. Nang matapos ay sinootan niya ako ng t-shirt. Pinagaa  ko ang sarili ko para hindi siya mahirapan.

Hindi ko mapigilang lihim na mainis sa sarili. Ganito niya ba ako alagaan kapag lasing na lasing ako. Hindi ko maalala, ni hindi ko nga kayang iuwi ang sarili ko, kung hindi lamang ako ipinahahatid ng may-ari ng bar na iniinuman ko.

Pagkatapos niya akong mabihisan ay nanatili siyang nakaupo sa tabi ko. Ramdam ko ang mataman niyang pagtitig sa akin, na para bang isinasaulo niya ang aking mukha.

Nahigit ko ang aking hininga nang maramdaman ko ang nanlalamig niyang kamay.

"Alam mo bang mas gugustuhin ko na lamang na lagi ka na lang sanang lasing, sa paraan kasing ito, nahahawakan kita. Nakaka-usap kita. Hindi ko nararamdaman ang pandidiri mo sa akin," usal niyang patuloy na hinahaplos ang aking pisngi. Pinaglalaruan ang aking kilay, ilong hanggang sa mapunta sa aking  labi ang daliri niya.

Kumibot ang aking labi nang maramdaman ko ang saglit na pagdampi niya ng labi sa akin.

"Hindi ko ginustong maging dahilan ng pagkawasak ng pamilya mo, Ali. Kung alam ko lamang ay umiwas ako sa ama mo," may garalgal ang boses na saad niya. 

Tumahimik ang paligid pero alam ko pang naroon siya sa tabi ko.  Nang ang katahimikan ng gabi ay nabalutan ng kanyang impit na iyak. Kumilos ako para talikuran siya, ngayon ay dilat na dilat ako na nakaharap na sa dingding habang pinapakiramdaman siya na nanatiling nakaupo sa aking tabi, umiiyak.

"Minahal ko ang iyong ama, oo. Nagkamali kami, Ali, pero itinama naman namin ang lahat."

Ang dilat kong mata ay nalautan ng tubig na umagos ng tuloy-tuloy habang naririnig siya nagsasalita.

"Tama na nga ang drama, wala naman magagawa ito!" saad niyang pilit pinasaya ang boses. Naramdaman ko ang pag-uga ng kama dahil sa kanyang pagtayo. Suminghot-singhot pa siya habang inaayos ang kumot sa katawan ko.

"Sleep well," bulong niya at dinampian ako ng halik sa pisngi.

Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto hudyat na umais na siya sa kuwarto. Agad akong bumangon at naupo. Titig na titig sa nilabasan niyang pinto na para bang naroon siya.

Napabuntong hininga ako ng malalim.  Pakiramdam ko mas lalong dumami ang nakatarak na kutsilyo sa aking dibdib.

Kaya ko na bang magpatawad? Kaya ko na bang bigyan siya ng isang pagkakataon? Kaya ba namong maging masaya kahit na masasabing hadlang si Papa at anak nila sa aming dalawa?

Gusto kong sumubok...

My Wife Is My Father's Mistress (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon