Chapter 68

381 28 9
                                    

Magkaharap kaming nakaupo ni Ely sa isang mesa. Dahil sa nangyari kanina ay minabuting isara nang maaga ang karinderya.

Malamlam ang mga mata kong nakatitig lamang kay Ely. Ayaw kong kumurap dahil baka bigla siyang mawala sa paningin ko. Gusto kong mangiti ngunit umuurong iyon sa tuwing mataman siyang tititig sa akin.

Pilit kong binabasa ang nasa isip niya ngunit blanko ang kanyang mukha na bumaling sa akin pagkatapos ko siyang maringgan nang malalalim na buntong hininga.

"Bakit ka narito?" tanong niya.

Hindi ko kinahihimigan ng galit ang kanyang boses ngunit halata kong hindi siya masaya na narito ako. Sino ba naman kasi ang magiging masaya na bigla na lang magpapakita ang taong nanakit sa kanya?

"Ely," ika kong nais hawakan ang kamay niyang nakapatong sa mesa. Agad niyang inalis doon para iiwas sa paggagap ko.

Muli ko siyang pinakatitigan. Bawat anggulo ng mukha niya ay sinaulo kong muli. Hindi ko siya nakalimutan ngunit pakiramdam ko, iba ang babaeng kaharap ko ngayon.

Simula noong nalaman kong siya ang babaeng nakamaskara. Nag-iba na ang tingin ko sa kanya. Mas lalo ko siyang minahal. Mas lalong umusbong ang pag-ibig sa puso ko. Mas lalo ko siyang gustong protektahan. This time, tutuparin ko iyon at hindi na muling tatalikuran.

"Sabihin mo na kung anong pakay mo, para makaalis ka na," mariin niyang pagtataboy sa akin.

Naipinid ko ang aking bibig habang sinasalubong ang mga titig niyang nang-aarok.

Nawala na ang Ely na handang magpakababa sa kapatawaran ko. Nawala ang Ely na nagpakita ng kahinaan sa akin. Kahit na nawala iyon, mahal na mahal ko pa rin siya.

"I'm here to take you back!" walang pag-alinlangang saad ko.

Doon na nagbago ang ekspresiyon niya. May galit ang mga mata niyang tumutig na muli sa akin.

"Ali, itigil mo ito dahil hindi nakakatuwa. Hindi ko ikinakatuwa na narito ka para guluhin ang buhay ko!" Puno ng pait at panginginig ang boses niya, ngunit pilit niyang pinapatatag ang kanyang sarili.

"Ely, gusto kong magsimula tayong muli..."

"Akala mo ba ganoon lang kadali, Ali?

Napatigil ako. Akala ko madali lang ang humingi ng tawad at mapatawad ni Ely. Hindi rin pala. Lalo na at nakikita ko sa mga mata niya na nasasaktan siya.

"Anong gusto mong gawin ko? Lumayo sa iyo. Layuan ka?" mahina kong tanong. Hinding-hindi ko gagawin iyon.

"Hindi ba't iyon naman ang gusto mo?Ali, dinurug mo ako. Dinurog mo at halos hindi ko na mabuo. Ngayon, sinusubukan kong pulutin ang sarili ko at muling buuin ito. Gusto kong bigyan mo ako ng panahon para makatayong muli na nakataas noo sa harapan mo!" sigaw niya sa akin.

Umiling ako. No! Kung kailangan niyang buuin ang sarili niya. Sasamahan ko siya. Ako amlng magiging pandikit niya para mabuo ang sarili niya.

"Kailangan kong mabuo na wala ka, Ali."

Tumayo ako at nilapitan siya. Lumuhod ako sa harap niya at pilit hinuli ang mga mata niyang iwas na iwas sa akin. Ang kamay ko ay pilit hinawakan ang mga kamay niya sa kanyang hita. Kung kailangan kong ipagpilitan ang sarili ko sa kanya, gagawin ko. Huwag lang siyang mawala. Huwag lang siyang lumayo.

"Puwede mo naman buuin ang sarili mo na kasama ako, hindi ba? Puwede naman habang nakasuporta ako?" pagsusumamo ko. I just really can't see myself without her by my side. "Pinagsisisohan kong ipinagtabuyan kita, Ely. Nagsisisi akong sinaktan kita," hagulgol ko habang nagmamakaawa sa kanya.

"Ali, nakikiusap ako. Hayaan mo muna ako. Hinahabol pa rin ako ng nakaraan. Kailangan..."

"If it's because of my father, naipaliwanag na niya ang lahat. I may not forgive him completely but I must say that, we have his blessing to be happy. Hindi na niya tayo guguluhin. Magiging masaya tayo, tayo ng magiging anak natin."

Bigla siyang namutla sa sinabi ko. Hindi maipagkakailang nagulat siya sa tinuran ko. Bigla niyang hinila ang kamay niya at napatayo. Hindi siya makapaniwalang  alam kong anak namin ang kanyang dinadala.

"Hindi mo anak ito..."

Tumayo rin ako at hinarap siya. Kahit anong pagsisinungaling niya hindi ko magawang magalit sa kanya. Kahit ipagtabuyan niya ako hindi ako kailanman aalis sa tabi niya. Kahit pa pahirapan niya ako. I deserve it.

Napangiti ako kahit pa nagbabadya ang luha sa mga mata ko. Alam kong mahirap na niya akong pagkatiwalaan sa ilang ulit kong pagpako sa mga pangako ko. Sa ilang ulit kong hindi siya pinagkatiwalaan. Sa ilang ulit na galit ang pinakita ko imbes na pakinggan siya. Sa ilang ulit na pasakit ang dinala ko sa buhay niya. Alam kong mahirap ng gawin ang paniwalaan ako. Pero hindi ako susuko.

"Alam kong anak ko ang dinadala mo, our second baby," saad kong gumaralgal ang boses ko. Gulantang siyang napatitig sa akin. "Alam ko na rin na ikaw at ang babaeng nakamaskara ay iisa. Ako ang lalaking nakasiping mo, six years ago. Noon pa lang, pinagtagpo na tayo ng tadhana, Ely. Alam kong plano na ng Diyos na pagtagpuin tayo to heal each other. Hindi pa huli ang lahat, hindi ba?"

Napailing siya at muling napaupo na para bang nanlambot ang mga tuhod. Hindi na siya makatingin sa akin ng diretso.

Sa oras na iyon ay humagulgol muli si Ely. Lalapitan ko sana siya nang itaas niya ang kanyang kamay  para pigilan ako.

"Nakikiusap ako, Ali. Umalis ka na. Hayaan mo na ako. Ano man ang nalaman mo, kalimutan mo na. Ayaw ko nang bumalik sa dati," humuhikbing ika niya. Namamaos na ang kanyang boses.

Naalarma ako dahil baka  makasama sa kanyang kalagayan ang tagpong ito. Natatakot akong hindi ikabubuti sa kanila ng anak namin ang bigla naming pagkikita. Kaya minabuti kong tumalikod. Bago siya iwanan ay muli akong nagsalita.

"Take a rest. Iiwanan kita ngayon. Pero babalikan at babalikan kita. Hindi na kita pakakawalan, Ely. Tama na ang ilang beses akong naging duwag at pakawalan ka. Tama na ang ang ilang beses na ipinagkait ko ang kaligayahan sa ating dalawa. Hindi ko na kailanman hahayaang galit ang mananaig sa ating dalawa. Babalik ako, babalikan  kita," saad ko bago tuluyang lumayo.

Pinahid ko ang luhang lumandas sa aking pisngi. Sinulyapan ko muna ang kasamahan niya sa trabaho. Tumango ito, alam kong naintindihan ni April ang ibig sabihin ng tingin ko.

Kuyom ang kamao kong mabagal na naglakad. Ang bigat sa dibdib na nasa harap ko na si Ely ngunit kailangan ko siyang muling iwanan. Ni hindi ko siya nayakap man lang. Sila ng anak ko sa kanyang sinapupunan.

Hindi pa man ako nakakalabas ng karinderya ay narinig ko na ang pagsigaw ng kasamahan ni Ely. Mabilis akong napalingon at napatakbo sa gawi nila nang makita kong nakahandusay si Ely sa semento.

"Ely!" sigaw ko at halos banggain ko ang mga sagabal sa daraanan kong mesa at upuan. Labis-labis ang kabang nararamdaman ko dahil sa nakikitang kalagayan niya. May pulang mantsa sa kanyang suot na palda.

Nanginginig ang kamay kong binuhat siya. Para lamang siyang papel na madali kong nabuhat patungong sasakyan.

"Where's the hospital?" tanong ko kay April na natataranta na ring agad na sumakay. Ngayon ay nasa backseat sila at nakaalalay sa asawa kong walang malay.

"Dalhen po nenyo siya sa Jemenez Clinic," sabi niya sabay turo ng direksiyong pupuntahan ko.

Hospital ang tinatanong ko ngunit baka nga mas malapit ang klinika kaya sinunod ko na lamang siya. Natataranta ako habang pasulyap-sulyap kay Ely na wala pa ring malay at namumutla.

"Please, Lord, huwag mong hayaang may mangyari sa mag-ina ko," taimtim kong dalangin. Takot na takot akong baka  may masamng mangyari sa mag-ina ko.

Ipinapangako  ko sa Diyos, bumalik lang sa akin si Ely. Tuluyan ko nang patatawarin ang mga taong nagkasala sa 'kin. Lalo na si Papa, basta pakinggan niya lamang ang dalangin ko. Huwag niya lamang kunin sa akin ang mag-ina ko.

Hilam ng luha ang mga mata kong binuhat siya at patakbong dinala sa emergency.

"Please, stay with me, Love. Hold on to me," bulong ko kay Ely. "I love you."

My Wife Is My Father's Mistress (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon