Chapter 59

293 17 10
                                    

Alyjah

Sinasabi ko na nga ba! Hindi nila kayang pigilan  ang sarili nila. Binalak ba nilang magkita ngayon?

"Ali?"

Matalim kong tinitigan si Ely na namutla na tila ba nakakita ng multo at Papa na nakatayo lamang at walang emosyong nakatingin sa akin. Halos patayin ko na silang dalawa sa tinging ipinupukol ko. Gusto kong sumabog. Ang makita silang hubad at mukhang kagagaling lang sa paliligo, gusto kong pumatay ng tao! Maging asawa ko man o ama ko.

"Ali, nagkakamali ka ng iniisip..."

Kuyom ang kamao kong tinabig si Ely na humarang para ipagtanggol ang ama ko. Malalaking hakbang ang ginawa ko para lapitan si Papa, sa isang iglap ay tumama sa kanya ang kamao ko. Kulang pa ang kamao ko sa pangga-gago nila sa akin. Noon ko pa ito gustong gawin sa kanya!

"Ali!" sigaw ni Ely sa pangalan ko. Sa gilid ng mata ko nakita ko siyang tumayo mula sa pagkakasalampak at lumapit para awatin ako. "Mali ka ng iniisip, Ali!"

Pinigilan niya ang kamay kong nakahawak sa damit ni papa habang nakahandusay siya sa sahig. Muli  kong tinabig si Ely.

"Damn you! Damn you  both!" sigaw ko. Nakita ko ang basuragan na gawa sa lata at ibinato iyon sa salamin. Lumikha iyon ng tunog at nabasag ang salamin kasabay ng sigaw ni Ely dahil sa takot. Nanlilisik ang mata kong pinalipat-lipat muli sa kanila ang tingin ko.

"Fuck you! Napaniwala mo na naman ako! Napaniwala mo na naman ako na isa ka lang biktima ng lahat ng ito! Napaniwala mo na naman ako na puwedeng tayo, may tayo, Ely!" sigaw kong pinahid ang luhang kumawala sa mata ko dahil sa galit. "I am ready! I am ready to take a chance. Ready na akong pakinggan ka, Ely! Pero anong ginawa mo? Anong ginawa ninyo?" Muli kong sigaw at hinawi ang laman ng lababo. Maging bubog man iyon!

"You can't be together. Just set her free, Son!"

Nagpanting ang teynga ko sa sinabi ni Papa. Muli ko siyang sinugod para sana ay bigyan muli ng suntok. Subalit napatigil ako nang iangat niya ang mukha niya at salubungin ang mata ko. Putok ang labi niyang muling nagsalita.

"Mali ang umpisa ninyo, Anak. Mas magandang pakawalan mo na lamang siya..."

Putang ina! At sino ang may maling simula? Hindi ba at sa kanila nag-umpisa ang lahat!

Sarkastiko akong humalakhak habang tinatalikuran siya. Nakuyom ko ang kamao kong ngayon ay may dumadaloy na dugo dahil sa sugat na natamo sa mga bubog ng salamin. Muli kong binalingan si Ely na puno ng takot sa mukha pagkatapos mapagod sa pagtawa. Tawang wala namang saya.

"Hindi kita pakakawalan!" asik kong mabilis na naglakad patungo sa kanya. Muntik pa siyang matumba nang umatras siya at nasagi ang basurahan kung hindi ko lamang siya nahawakan sa kamay at nahila.

Kinaladkad ko siya paalis kahit pa nga nakabalabal lamang siya ng tuwalya.

"Ali..." tawag niya sa pangalan ko ngunit hindi ko pinakinggan. Humabol rin si Papa pero hindi ko binigyan ng pagkakataong mahawakan niya si Ely.

Mabilis kong pinaharurut ang sasakyan paalis. Muntikan ko pang masagasahan si Papa dahil bigla na lamang siyang humarang sa daanan. Wala kong pakialam nang matumba siya.

"Fuck you! Fuck you!" sigaw ko habang mahigpit ang hawak sa manibela.

Punong-puno na ako. Sumabog na ang galit ko. Hindi na talaga mababago ang isang tao. Nagawa niyang maging kabit noon, magagawa niya pa ring magtaksil ngayon!

Lalo ko pang binilisan ang pagpapatakbo na para bang hinahabol na si kamatayan.

"Ali!" sigaw ni Ely at halatang takot na takot. Mahigpit ang kapit niya sa upuan. "Ali please, huminahon ka!" paki-usap niyang umiiyak na.

My Wife Is My Father's Mistress (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon