Alyjah (may nadagdag po sorry)
Pagod na pagod ako na naupo sa sofa. Sinandal ko ang aking likod at pumikit saglit. Wala ang mag-ina ko dahil may appointment sa doktor si Elyjah Gabriel.
Gusto kong magtampo, paanong sa mismong kaarawan ko pa at hapon ang appointment ng anak namin? Hindi pa ako binati ng asawa ko at nakalimutan yata na kaarawan ko.
Ang tahimik ng bahay at wala talagang nakaalala. Nakakatampo, di bale, hindi ko patutulugin asawa ko para sa birthday gift na gusto ko.
Nagmulat ako at napasulyap sa aking relo. Alas siyete na, madilim ba in sa labas pero wala pa sila. Saang lupalop sila nagsusuot.
Tatayo na sana ako nang biglang nag-brown out. Brown out nga ba? Dahil hindi pa ako nakaka-adjust sa dilim ay may pumaibabaw ng malamyos na saliw ng musika.
Bigla ang paglitaw ng nakatalikod na nakaitim at gumiling. Alam kong gumigiling kaht hindi ko masyadong maaninag dahil sa dilim dahil sa padyak ng takong na suot niya.
Natawa na lamang ako at umayos ng puwesto nang malanghap ko ang ang pabango ng aking asawa habang papalapit sa akin ang nagsasayaw.
Nasa harap ko na siya at gumiling na nakatalikod pa rin sa akin. Dahil sa liwanag na mula sa labas ay naaninag ko ang likod ng sumsayaw. Mukhang malaki ang sinuot ng asawa kong props dahil mukha siyang malaki. Pero hindi iyon nakatanggal sa excitement na nararamdaman ko.
Humarap siya sa akin pero hinaplos niya ang mukha ko at mga mata kaya napapikit ako. Siya namang bigla niyang pagkandong sa akin.
Napahaplos ako sa kanyang hita dahil sa naramdaman kong bigat. Naikiling ko ang aking ulo, kailan pa bumigat ng ganito ang asawa ko?
Muli akong napahaplos sa hita niya. Kailan pa naging mabuhok ang makinis na balat ng asawa ko? Parang may mali!
Napamulat ako. Saktong pagliwanag ng paligid at ang nakangising si Aiden ang nasa harap ko. Nakakalong pa rin at pinapapungay-pungay ang mata.
"Fafa, nagustuhan mo ba ang birthday gift ko?" saad niyang hinaplos muli ang mukha ko. Pagkatapos ay hinalikan ako sa pisngi.
"Walang hiya ka, Aiden!" singhal ko at itinulak siya. Libog na libog na ako tapos...
Tatawa-tawa siyang pumalakpak kaya naman nagsilabasan sina Heron at Bev, si Rochelle, si Kuya Juancho at Nanay Minda na buhat ang tatlong taon naming anak. Nakatawa silang lahat habang papalapit at kumakanta ng Happy Birthday.
Yumakap pa sa akin si Aiden at parang tukong pumulupot na kahit anong tulak ko ayaw akong bitiwan.
Langya talaga ang mokong na ito. Mas gusto yata ako kesa sa gurlfriend niyang si Rochelle!
"Happy Birthday to you..." sabay-sabay nilang pagtatapos sa awitin.
Naiiling na lang ako habang palapit si Heron dala ang cake.
"Blow, bro bago ikaw ang ma-blow mamaya!" bulong niyang natatawa.
Bwisit ang mga ito! Napalinga ako. Bakit wala pala ang asawa ko?
"Huwag mong hanapin ang wala, nandito naman ako, Fafa!" muli akong nilaputan ni aiden at hinaplos sa braso.
Nanindig ang balahibo ko, pero masaya ako na bumalik na ang dating Aiden. Pero nakakasuka ang itsura niya! Buti hindi siya iniiwan ni Rochelle sa tatlong taong nakalipas!
"May surpresa pa!" ika ni Heron sabay piring sa aking mata. "Enjoyin mo, bro!"
Iginiya nila ako papanhik sa kuwarto.
"Kami na muna bahala sa anak ninyo. Gawa pa kayo ng kasunod!" tatawa-tawang palatak ni Aiden. Narinig ko na lamang ang pagsara ng pinto at ang pag-click ng lock.
Tinanggal ko ang piring ko sa mata at sumambulat sa akin ang dim na ilaw sa kuwarto. Tamang-tama lamang sa senaryong naglalaro sa isip ko.
Nang muli ay pumaibabaw ang isang musika. Sa una ay hindi ako nakahuma, baka kasi isa na naman sa biro ni Aiden. Ngunit nang lumabas sa banyo ang babaeng nakamaskara at gumigiling papunta sa akin ay talagang napalawak ang ngisi ko sa labi.
Ang lambot ng katawan niyang sinayawan ako habang iginigiya sa kama. Itinulak niya pa ako paupo at muling nagsayaw sa harapan ko.
"Na-miss mo ba ito?" bulong niya habang hinahaplos ang mukha ko.
Napalunok ako at napatango. Pati ang kaibigan ko ay tumango, este tumayo. Unang beses gawin ng asawa kong ilabas ang babaeng nakamaskara sa Tatlong taong mahigit naming pagsasama.
Hinapit ko siya sa beywang. Intimate kami pagdating sa sex life namin. Pero kakaiba pa rin pala at exciting kapag ganito.
Napasinghap siya noong isubsob ko ang aking mukha sa pagitan ng kanyang dibdib.
"I love you!"
Gumapang ang kamay ko sa kanyang likuran at tinanggal ang hook ng kanyang bra. Napasinghap siya noong tanggalin ko iyon at tumambad sa akin ang malulusog niyang dibdib. Pinakalong ko siya sa akin.
"Let's take this!" bulong kong muli at hindi na siya hinintay na magsalita. Tinanggal ko ang kanyang maskara at tumambad sa akin ang pinakamamahal kong asawa.
"I love you!" muli kong saad bago siya siilin ng halik sa labi.
Agad siyang tumugon. Ang aking mga kamay ay humaplos sa kanyang katawan. Tanging halinghing niya at ungol ko ang maririnig sa kuwarto kasabay ng malamyos na musika.
Pinahiga ko siya at muling sinamba. Ang labi ko ay naglandas mula sa kanyang labi hanggang sa kanyang tiyan. Tumagal ang aking labi sa pilat na naroon. Hinalikan ko iyon ng may pagmamahal.
"Ali..." tawag niya sa pangalan ko. I know, Love. I know...
Tumayo ako upang tanggalin ng mabilisan ang aking saplot. Nang mapalaya ko ang aking sarili sa sagabal ay siya naman ang tinanggalan ko ng kapirasong suot.
Muli naming pinagsaluhan ang init nh magdamag. Muli naming ninamnam ang kaligayahan sa piling ng isa't isa. Muli kong ipinaramdam sa kanya ang pagmamahal ko. Siya man ang babaeng nakamaskara o si Ely.
"Paanong ikaw ang nakaniig ko noon? Sabi nila Aiden hindi naman ikaw ang kanilang pinili?" naalala kong itanong. Nakaunan siya sa braso ko habang nilalaro niya ang aking utong.
"Nakiusap ako kay Mamang. Kailangan ko ng malaking halaga para kay Papa," sagot niya. Nangiti ako dahil hindi na siya halatang malungkot kapag pinag-uusapan namin ang tungkol sa nangyari. "Dahil doon, naging magkarugtong ang buhay natin. Hindi man kita nakilala noon, masaya akong sa iyo ko naibigay ang bagay na iningatan ko. Ikaw pa rin pala ang lalaking mamahalin ko. Hindi pa rin pala ako pinabayaan ng Diyos," mahaba niyang pahayag.
"Is it difficult? Nagbuntis ka na walang umalalay sa iyo?"
Hanggang ngayon, habang naiiisip ko ang pinagdaanan niya, parang may tumutusok pa rin na kutsilyo sa puso ko.
"Mahirap, pero kinaya ko. Dahil.kung hindi mo ako naiwanan ng anghel.sa sinapupunan ko, baka sumuko na ako."
Muli kong hinaplos ang kanyang buhok.
"Kaya siguro napapanaginipan kita lagi. Parang may kulang sa pagkatao ko. Inaamin ko sa una, akala ko dahil sa libog. Dahil gusto kita ulit matikman. But, I realized now, tadhanan ang nag-ugnay sa atin. Sana, nasa tabi mo ako sa panahong iyon. Sana kasama pa natin si Alyssa Lois."
Hinaplos niya ang mukha ko at muling hinalikan siya sa noo. Hindi talaga kami pinabayaan ng Diyos. Kami pa rin ang pinagtagpo niya at itinadhana para sa isa't isa. Ngayon masaya na kami. Alam kong bibigyan pa kami ng mga pagsubok. Pero kakayanin na namin iyon. Pareho na kaming lalaban sa buhay na magkahawak kamay.
"I love you, Love."
"I love you more, Ali. My hero, my love! Happy birthday."
Napangiti ako. This is the best birthday I ever had. At alam kong ang mga susunod ay mas lalo pang mas magiging espesyal. Dahil kasama ko ang mga taong special sa buhay ko.
BINABASA MO ANG
My Wife Is My Father's Mistress (R-18)
Fiction généraleSi Elyssa, nagmahal at nasaktan sa maling tao. Sa muling pagbubukas ba ng kanyang puso, maling tao na naman kaya ang iibigin niya? Si Alyjah, nasaktan sa kinahinatnan ng kanyang ina. Poot at galit ang itinanim niya sa kanyang puso. Mababago kaya ito...