Pagkatapos kumain ay hinayaan kong magpahinga si Ely. Ako naman ay nanatili sa sala at inumpisahan ang proseso ng negosyong ipapatayo ko. Halos lahat ay maayos na, paper works na lang ang kulang para masimulan na ang construction ng building.
Abala ako, ngunit nakikiramdam sa pagbaba ni Papa. Nang mapansin ko siyang nagtungo sa kusina para uminom ay inabangan ko ang basong ginamit niya para makuha. Buti na lamang at hindi niya hinugasan iyon.
Agad kong isinupot ang basong pinag-inuman niya saka ako nagmadaling lumabas para ibigay ang specimen na nakuha ko kay Ashley at kay Papa sa isang kaibigan. Hiniling ko rin na kung maaari ay maibigay agad ang result sa akin. Pinagana ko na rin talaga ang pera para mabilis ang proseso.
Ito lang ang alam kong paraan at para na rin makakuha ng ebidensiya para mapatunayan kung tama nga ang hinala ko sa kanila. Guato kong matawa, ngayon pa lang ay para na akong mababaliw. Hinuhukay ko ang sarili kong kalulugmukan.
Agad rin naman akong bumalik sa bahay, para lamang makasalubong ang asawa ko na galing sa kuwarto ng aking ama. Gulo pa ang buhok niya at lukot ang damit na para bang nakipagbuno sa kung sino. Biglang nademonyo ang utak ko sa larawang pilit nagsusumiksik sa aking utak.
Nanlalaki naman ang mga mata ni Ely nang makita ako habang ako naman ay nagpupuyos ang galit na hinaklit siya sa kamay.
"Ano'ng ginagawa mo sa kuwarto ni Papa?" halos isigaw ko iyon sa pagmumukha niya.
Nahintakutan siyang hinila ang braso niya sa pagkakahawak ko ngunit lalo kong hinigpitan iyon.
"Nasasaktan ako, Ali!"
"Sagutin mo ako!" muli kong asik.
Matalim akong tinitigan ni Ely at pilit na tinanggal ang daliri kong nakapulupot sa braso niya.
"Nawalan ng malay ang ama mo, pinilit ko siyang buhatin para dalhin sa kuwarto niya," ika niyang may iritasyon sa boses at agad akong tinalikuran nang makawala na siya sa akin.
Matalim pa rin ang tinging ipinukol ko sa nakasarang pinto ng kuwarto ni Papa bago sundan si Ely sa kusina. Nadatnan ko siyang may kung anong hinahanap sa loob pantry area.
"Kung galit ka, ipagpabukas mo muna. May sakit ang ama mo, kung hindi ka naniniwala, puwede mong tingnan ang kalagayan niya sa kuwarto."
Nakuyom ko ang aking kamao at halos lumlaki ang butas ko sa ilong dahil sa pagpigil ng galit na nais kumawala sa aking sistema. Maaari kasing nagsasakit-sakitan lang si Papa para alagan ni Ely.
Muling may kumalansing na kung anong bagay kung nasaan si Ely. Abala siya sa kung ano at parang may hinahanap.
"Ano'ng ang hinahanap mo?" hindi ko mapigilang tanong nang muling may bumagsak. Kasalukuyan siyang nakatalikod sa'kin at nakatungtong na ngayon sa maliit na hagdan.
"Naghahanap ako ng pasta, gagawa ako ng sopas para makakain ang ama mo," sagot niyang hindi man lamang ako nilingon.
Napailing ako dahil halos hindi siya magkandaugaga sa pagkilos dahil lang sa may sakit kong ama.
"Gumawa ka na lamang ng lugaw, mas madali pa kesa maghanap ka pa diyan ng wala!" suhestiyon kong napasandal.sa may lababo habang pinapanood siya.
"Hindi gusto ng ama mo ang lasa ng lugaw, mas gusto niya ang sopas o anumang sabaw."
Nag-igting ang panga ko at nagngitngit ang kalooban ko sa turan ni Ely. Nanginig ang labi ko sa pagpipigil na maibulaslas ang galit. Halatang-halata na kilalang kilala niya si Papa.
Bullshit! Wala pa man din ang resulta ng DNA ay parang nakikita ko na ang kalalabasan.
Tumawa ako ng pagak para itago ang galit na nararamdaman, siya namang biglang pagtigil ni Ely sa ginagawa, siguro ay napagtanto niyang mali na naibulaslas niya kung gaano niya kakilala si Papa. Ipinagkanulo siya ng sarili niyang bibig at iginisa ang sarili sa sariling mantika. Ganoon ang nagagawa ng sobra niyang pag-aalala sa ama ko.
Ni hindi ko nga alam na ayaw ni Papa ang lugaw. Hindi ko kilala si Papa, lalo na ang asawamg nasa harap ko.
"Ali..."
Tumalikod ako para itago ang galit na mababanaag sa mukha ko, hindi lang kasi galit ang nandoon kundi luhang papakawala sa mga mata ko. Tila may mga kutsilyong nakasaksak sa dibdib ko. Parang may pumipiga sa puso ko at unti-unti akong pinapatay.
"B-baka lang gusto ng Papa mo ang sopas..." pilit niyang pagpapaliwanag kahit huling-huli na siya.
Napakadiin ng pagkakapikit ko sa aking mga mata. Nanginginig ang aking kalamnan sa pagpipigil ng galit. Nanginginig ang labi kong pinipigilang magmura.
"Ali, gusto kong magpaliwana..."
Agad akong umalis sa kinatatayuan ko nang marinig ang sunod-sunod na pagtunog ng doorbell. Hindi ko pinatapos sa pagsasalita si Ely at iniwanan siya roon.
Kinalma ko ang aking sarili bago buksan ang pinto. Hindi ako sigurado kung sino ang taong tila nagmamadali dahil sunod-sunod ang ginagawa nitong pag-doorbell.
"Aiden?" bulaslas ko nang mapagbuksan siya ng pinto.
Ngumisi siya sa akin at umakbay. Wala sa ayos ang itsura niya.
"Brader! narito ka pala?" litanya niyang namumungay ang mata. Para bang kagagaling lang nito sa magdamagang pag-iinom at bigla na lamang nagawi sa bahay.
"Anong nangyari sa iyo?" tanong ko habang inaalalayan siya at iginiya sa loob ng bahay. Napapailing ako dahil gaya ng sabi ni Heron, parang wala ito sa sarili.
Pinaupo ko siya sa sofa habang nakatayo ako sa kanyang harapan. Pinag-aralan ko si Aiden ng palihim.
Sa ilang araw lang na di namin pagkikita ay ganito na ang itsura niya. Tumubo na ang kanyang bigote at nanlalalim ang namumulang mata. Gusot na nga ang damit, parang hindi pa nasuklay ng ilang araw ang buhok niya."Kailangan mo ba ng kape? O inumin para mahimasmasan ka?" muli kong tanong pero nanatili lamang siyang nakaupo at nakadukdok ang mukha sa palad habang nakayuko.
Magsasalita pa sana ako nang mamataan kong mabilis na lumapit si Ely sa kinaroroonan namin.
"Anong nangyari kay Aiden?" nag-aalala niyang tanong at lumapit pa kay Aiden. Naupo siya pra pantayan ang kaibigan ko.
Umangat ang mukha ni Aiden at nakangising tumingin kay Ely na ngayon ay nasa harapan niya.
Kung titignan sila ay parang magkakilalang-magkakilala silang dalawa.
"Ely!"
Naalarma ako nang biglang yumuko ulit at ipatong ni Aiden ang kanyang ulo.sa balikat ni Ely. Nauulinigan ko ang pagbulong niya pero hindi ko maintindihan ang kanyang sinasabi. Tanging ang napansin ko lang ay ang biglang pamumutla ni Ely at ang paglunok niya na para bang may masamang sinabi si Aiden.
Agad akong naupo at hinila si Aiden mula sa balikat para malayo kay Ely na ngayon ay naglulumikot ang mga mata at hindi makatingin ng diretso sa akin.
"Ihahatid ko na muna si Aiden. Mukhang wala siya sa sarili niya," paalam ko nang tumayo na si Ely at tumalikod.
Napansin ko rin ang panginginig ng kamay niya at ang paraan na ginawa niya para pigilan iyon.
Muli kong nilingon si Aiden. Madilim ang mukha nito at tumayo na mag-isa papunta sa pinto.
"Ali!" tawag ni Aiden nang tumigil siya sa pinto. "You know how much I cherished you, right brother? I don't want to hurt you..." litanya niya pagkatapos ay tumawa at wala sa huwisyong nagpatuloy sa paglalakad.
Muli akong sumulyap kay Ely na nakayuko lamang at hindi tumitinag sa kinaroroonan bago man sundan si Aiden sa labas.
I am about to get crazy! Crazier every day. Anong lihim pa ba ang kailangan kong alamin!
BINABASA MO ANG
My Wife Is My Father's Mistress (R-18)
General FictionSi Elyssa, nagmahal at nasaktan sa maling tao. Sa muling pagbubukas ba ng kanyang puso, maling tao na naman kaya ang iibigin niya? Si Alyjah, nasaktan sa kinahinatnan ng kanyang ina. Poot at galit ang itinanim niya sa kanyang puso. Mababago kaya ito...