Chapter 65

395 25 23
                                    

Babaeng Nakamaskara/Elyssa

Apat na buwan na ang aking tiyan.  Nasa klinika ako ni Jayden dahil nakaramdam ako ng matinding hilo kaya dinala ako roon ni Nanay Joy. Ang balak kong pag-alis ay hindi nangyari, lalo na noong nakompromiso ang kalagayan ko at ng anak ko.

"Hindi ka talaga nakikinig sa akin Elyssa!" galit na singhal sa akin ni Braden. Pinagbawalan na niya akong magbuhat ng mabigat ngunit hindi ko sinunod kaya dinugo ako.

"Matanda na si Nanay Joy. Alangan naman siya ang pagbuhatin ko ng basket ng gulay," pamimilosopo ko kay Braden na halatang ikinairita niya.

"Magpa-ultrasound ka. Tignan natin kung anong lagay ni baby..." bumuntong hininga siya. "Tsk! Hindi ka kasi nag-iingat. Akala ko ba siya na lang ang kayamanang meron ka, tapos pinapabayaan mo naman sarili mo!" muli niyang sumbat sa akin na ikinalabi ko.

Sa klinika niya rin ako nag-ultrasound. General doctor siya at siya ang may-ari doon.  Katabi ko siya habang kasalukuyan akong nakahiga at tinitignan ang kalagayan ng baby ko. Isang kasamahan niyang doktora na Gynecologist ang sumusuri sa akin.

Hinayaan kong samahan ako ni Braden sa loob dahil kahit sabihin kong hindi, eh, ipagpipilitan lamang niya, wala naman akong magagawa dahil doktor siya.

"Malakas ang kapit ng baby. Pero ang Nanay kailangan maging healthy at maingat!" natatawang payo sa akin ng doktora. Napatingin pa kay Braden na may panunukso sa mukha.  Agad nga lamang napawi ang ngiti nito sa pagkakatitig kay Braden.

Napabaling tuloy ako ng tingin kay Braden na nakatitig sa aking tiyan. Hindi ko nakuha agad ang ibig sabihin ng tingin niya, pero nang makapa ko ang pilat nang ibaba ko ang aking damit, doon ko na napagtantong iyon ang tinitingnan niya.

"Anong nangyari sa tiyan mo?" tanong niya nang nanananghalian kami sa kaharap na fastfood ng kanyang klinika.

Ayaw ko na sanang pag-usapan pa pero dahil kuryoso siya, minabuti ko na lamang siyang sagutin.

"Aksidente..." pagsisinungaling kong nag-iwas ng tingin sa kanya at itinuon sa pagkain ang aking sarili.

"Looks like it didn't healed properly!" puna niya na ikinalunok ko.

Napakagat-labi ako dahil totoo naman. Ang huling pagbuka ng sugat ko ay noong may mangyari sa amin ni Ali. Noong nagpanggap akong babaeng nakamaskara.

Dahil nakapiring siya, hindi niya namalayang hindi na ang balakang ko ang nahawakan niya. Nasagi niya ang sugat ko kaya dumugo iyon habang nagtatalik kami.

"Ayos naman na, kahit siguro lumaki ang tiyan ko at mabinat ay hindi na bubuka ang sugat!" nakangiti akong bumaling muli sa kanya ngunit seryoso siyang nakatitig sa akin na para bang binabasa niya ang nasa isipan ko.

"I know that we've known each other just a couple of months only, pero hindi mo maikakaila sa akin ang mga pinagdadaanan mo. Puwede kang magsinungaling ng ilang beses sa akin, Elyssa. Pero hindi mo maililihim na nahihirapan ka na..."

Napayuko ako dahil totoo naman.

"Ayokong panghimasukan ang buhay mo. But I really want to help you. Kahit sa anong paraan!"

Mapait akong napangiti habang tumutulo ang luha kong nakayuko.

"Ayaw kong magkaroon ng utang na loob sa iyo. Ayaw kong bigla mong isumbat ang mga ginagawa mo sa akin ngayon. Hindi ko masusuklian..."

Ginagap niya ang kamay ko kaya napatigil ako sa pagsasalita at inangat ang tingin sa kanya. Pagkatapos ay pinunasan niya ng panyo ang luha ko sa pisngi.

"Alam ko iyon. Hindi ko ipipilit ang sarili ko sa iyo. Noong una, alam kong dahil nakikita ko sa iyo si Adelyn. Ang babaeng pinakamamahal kong nang-iwan sa akin. But, this time. I really care for you, as a friend. Hindi na ako lalagpas pa roon."

My Wife Is My Father's Mistress (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon