Chapter 20

729 24 19
                                    

*dedicated to xijaay. Salamat sa pointers*

Elyssa

"Ayaw ko rito, Ali," saad ko na gumaralgal pa ang boses. Naiiyak na sa hindi maipaliwanag na damdaming gumugupo sa aking sistema. Natatakot ako na may kasamang kaba. Kasama ng pagdaloy ng ibat-ibang emosyon ang pagdaloy ng isang alala na pilit ko nang kinakalimutan at ayaw nang balikan pa. Alaalang ayaw akong tantanan at pilit na hinahabol.

Tahimik akong pumapalakpak sa sulok pagkatapos magsayaw ng babaeng nakamaskara. Masaya ako at talagang ipinagmamalaki ko siya dahil sa kanya pumatok ang club na pareho naming pinagta-trabahuan. Siya bilang dancer at ako bilang isang waitress. Gabi-gabi siyang nagsasayaw kaya halos puno ang club bawat gabi.

Pareho kaming hanggang doon lang ang trabaho. Hindi na kami lumalagpas pa roon. Hindi kami nagbebenta ng katawan. Hindi kailanman naging interesado sa anumang tawag ng laman o ng malaking halaga para sa aming katawan.

Alam kong kinaiinisan kami ng mga babaeng kasama namin. Wala na kaming pakialam sa iniisip nila. Basta kami marangal at walang dungis.

Nag-iba na nga lamang nang makilala ko ang isang lalaki isang gabi. Mag-isa lamang siya sa kanyang mesa. Mukhang malungkot habang nilalaro ang basong may yelo.

Habang naglilinis sa malapit na mesa ay pinagmasdan ko siya. Batid ko'y nasa kalagitnaan na ang edad niya sa kuwarenta. Kahit pa may edad na ay napakaguwapo nito. Malakas ang dating niya sa akin.

Bumilis ang tibok ng aking puso at agad na nag-iwas ng tingin dahil napadako ang mga mata niya sa akin.

Nagkunwari na lamang akong hindi siya napansin at nagpatuloy sa pagpupunas kahit tapos naman na iyon kanina pa.

"Can you join me?" Napapitlag ako nang maramdaman ang bulto ng tao na nasa tabi ko na. Napalunok ako at hindi nakahuma sa kinatatayuan. Naestatwa ako at tanging ang mga mata lang ang gumagalaw dahil sa labis na kaba. "Malungkot kasi mag-isa kaya kung puwede ay samahan mo ako?" Muli niyang sambit. Ang mababang tono nito ay nagdulot sa akin ng hindi maipaliwanag na damdamin.

"H-hindi kasi..." nauutal ako. Hindi ko maituloy-tuloy ang nais sabihin. Gusto ko siyang tanggihan pero wala namang boses na lumabas sa aking bibig.

"Tapos ka naman na yata sa trabaho mo. I can pay the rest of your night." Doon ako napabaling sa kanya. Napasimangot akong humarap sa gawi niya.

"Hindi po ako bayarang babae dito. Isa lamang po akong waitress na..."

"Hindi ko naman sinabing bayaran ka, Miss. I'm just asking for a favor. Malungkot kasi ang mag-isa...but then, kung hindi talaga puwede..."

Napabuntong hininga ako sa malamlam at maitim na mga mata niya. Nangungusap ang mga matang iyon, bagay na nakapagpasang-ayon sa akin na samahan siya.

Pinagtitinginan ako ng ibang mga kasama ko roon. Nagbubulong-bulungan pa sila na tila ba malaking balita ang nasasaksihan. Napailing ako dahil alam ko kung ano ang tumatakbo sa kanilang isipan.

Lima na lamang kaming natira dahil patapos naman na at halos wala nang tao. Hinihintay na lang namin ang pagsasara ng club.

Wala pa rin kangiti-ngiti ang mukha ng lalaki habang naroon ako nakaupo sa harapan niya. Hindi niya ako kinakausap. Parang ginawa lamang niya akong palamuti sa mesa niya

Hindi na rin naman ako umimik dahil mas gugustuhin kong hindi kami nag-uusap ng lalaking kaharap. Isang estranghero na ewan ko kung bakit lumambot ang loob ko dito.

Habang umiinom siya ay muli ko siyang pinag-aralan ng palihim. Mukha siyang mabait. Mukha ring may kaya dahil hanggang ngayon ay nakapang-opisina pa ito. Ang coat ay nakasabit sa mahabang sofa na inuupuan nito. Alam kong hindi siya basta-bastang tao.

My Wife Is My Father's Mistress (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon