Chapter 49

355 18 19
                                    

Elyssa

Mabilis kong tinakbo ang  pinto patungong rooftop ng Hospital. Halos matalisod na ako sa malalaking hakbang na ginawa ko para puntahan sina Aiden at Lauro. Kung tama.l ang kutob ko, baka kung ano na ang nangyayari.

Halos pabalibag kong binuksan ang pinto, nakalikha iyon ng malakas na ingay na dahilan kaya napalingon sila sa akin. Nakahawak si Aiden sa kuwelyo ni Lauro at halos sakalin na niya ito.

"Aiden!" natatakot kong tawag at dahan-dahan akong naglakad palapit.

"Stay right there, Elyssa!" sigaw ni Lauro sa akin kaya napatigil ako.

Galit na galit ang mata ni Aiden na nagpalipat-lipat sa aming dalawa. Pagkatapos ay bigla na lamang niyang sinakal si Lauro gamit ang kanyang braso at naglabas ng kutsilyo na nakasukbit sa kanyang tagiliran.

Napasigaw ako nang itutok niya iyon kay Lauro habang hinihila niya ito papunta sa gilid.

"Aiden!" sigaw na tawag ko, halos lumabas na yata ang puso ko sa kaba. Nasa dulo na sila at konting pagkakamali lamang ay maari silang mahulog.

"Diyan ka lang, Elyssa. Huwag kang makialam!" banta niya sa akin. Halata ang panginginig sa kanyang boses at ang namumuong luha sa kanyang mga mata. "Tatapusin ko na ang paghihirap natin, tatapusin ko ang dahilan ng paghihirap natin!" hiyaw niya.

Hindi ko siya maintindihan, ayaw ko siyang pakinggan kaya lalapit na sana ako sa kanila nang bigla ay may pumigil sa akin at hinawakan ako sa braso. Nang tingalain ko, si Ali na sumunod pala sa akin.

Muli akong sumulyap kay Aiden na ngayon ay namutla pagkakita kay Ali. Pagkatapos ay ngumisi pero may luha na sa pisngi.

"Nahanap ko na ang taong dahilan, Elyssa..." saad niyang hilam nang  luha ang mga mata.

"Hindi ko maintindihan, Aiden? Anong sinasabi mo?" tanong kong sigaw sa kanya.

Halos kapusin na ako ng lakas. Ang aking nga tuhod ay bibigay na kung hindi lamang ako hawak ni Ali sa braso para itayo.

Hawak pa rin ni Aiden ang kutsilyo na nakatutok sa leeg ni Lauro.

"Siya, Elyssa. Siya ang lalaking may sala ng lahat. Siya ang dahilan ng pagkamatay ni Anassa..."

Lumuluhang sigaw niya at lalong idiniin ang ang tungki ng kutsilyo sa leeg ni Lauro. Napasigaw ako nang napaigik si Lauro at nakita ang dumaloy na dugo sa leeg nito.

Labis-labis ang dagundong ng dibdib ko sa kaba. Halos mablanko na ang isip ko, nadagdagan pa ng tila bombang balita na sinabi niya. Marahas akong napailing.

Si Lauro? Siya ang lalaking kinahumalingan ng kapatid ko at dahilan ng pagpapakamatay nito? Si Lauro ang lalaking umabandona sa kanya? Pinaglaruan kaming dalawa ni Lauro?

Hilam man ng luha, tumitig ako sa mga mata ni Lauro na malungkot na nakatingin sa akin.

"Bakit?" galit na sigaw ko sa kanya. "Bakit mo nagawa iyon?"

Gusto ko siyang sugurin at saktan. Gusto kong ipamukha sa kanya ang hirap na dinanas ko.

"Hindi ko sinasadya, Elyssa. Hindi ko alam na kapatid mo siya..."

"Shut up!"

Muling sigaw ni Aiden para patahimikin si Lauro. Hinigpitan ang pagkakasakal ng braso sa leeg ni Lauro.

Napatingala ako kay Ali. Madilim ang mukha niyang nakatitig kina Aiden at sa kanyang ama. Alam kong galit siya, dahil napakahigpit ng hawak niya sa braso ko.

"Minsan lang ako magmahal, minsan ko lang ibaling ang buong pagkatao ko sa isang babae. Kaya ko siyang tanggapin, kaya ko siyang mahalin ng buo, pero anong ginawa mo? Kinuha mo sa akin ang pagkakataon iyon!" Parang nauulol na saad ni Aiden. Umiiyak siyang tumatawa.

My Wife Is My Father's Mistress (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon