Chapter 7

1K 41 121
                                    

Elyssa

Pangalawang linggo na ni Ashley sa hospital. Bumuti na rin ang pakiramdam niya kaya puwede na raw naming iuwi kinabukasan. Ang problema, kulang ang perang naipon ko para mabayaran ang gastos niya sa pagkaka-hospital. Nahihiya na rin akong humiram kay Mamang dahil marami na akong utang sa kanya.

Hinaplos ko sa braso si Papa dahil magpapaalam ako para pumasok sa Heaven club. Nakadukdok siya sa kama ni Ashley at natutulog. Naalimpungatan siya at kumurap-kurap na bumaling sa akin.

"A-nak..."

Mapait akong ngumiti. Alam kong hirap na hirap na rin si Papa sa kalagayan niya at kalagayan naming pamilya.

"Pa, aalis na ako para makagawa ako ng paraan nang mailabas na natin dito si Ashley bukas. Baka tanghali na ako makakabalik, kailangan kong humanap ng pera." Malungkot siyang tumango. Muli akong nagpaalam, niyakap muna siya ng mahigpit at agad na umalis.

Kailangan kong makapag-isip ng anumang paraan para magkapera. Kung patatagalin ko pa si Ashley sa hospital lalo lamang kaming mababaon sa utang.

Mabilis akong pumara ng tricycle. Saktong si Motmot ang tumigil sa harapan ko. Isang masugid na manliligaw na kahit ilang beses ko ng tinanggihan ay hindi pa rin nagpapatinag at patuloy pa rin sa panunuyo sa akin.

"Ely!" tawag niya sa akin na malawak ang ngiti. Kita tuloy ang bungal niya sa harapan. Nangingitim ang labi niya dahil sa paninigarilyo. Naninilaw rin ang ngipin niya kaya napapatanong  ako sa sarili  kung nagsisipilyo ba ito. Hindi na man siya masasabing pangit, pero hindi rin naman guwapo. "Sa Club ba punta mo?"

Tumango ako at sumakay na sa kanyang tricycle. Pinaharurut niya agad iyon. Wala pang tatlumpu't minuto ay nakarating na kami sa Club. Alam na kasi niya ang pasikot-sikot na daanan para iwasan ang traffic.

Bumaba na ako at kumukuha ng singkwenta sa pitaka noong pigilan niya ako. Hinawakan niya ang kamay kong dumudukot ng pera. Nasa harapan niya kasi ako.

"Hayaan mo na, libre ko na sa iyo!" sabi niyang muling ngumiti nang pagkalawak-lawak. Inirapan ko siya.

"Ano ka ba, Mot? Pareho tayong naghahanap buhay kaya magbabayad ako..."

"Alam kong naospital na naman si Ashley kaya hayaan mo na lang. Kailangan mo ng pera para sa kanya!" muling saad niya na nakapagpalabi sa akin.

Mabait si Motmot. Puwede ko siyang ibigin. Kung antas ng buhay ang pagbabasehan sa makakatuluyan ay tugma kaming dalawa. Bagay na bagay dahil parehong walang-wala sa buhay. Pero kahit papaano ay may pangarap naman ako kaya pipilitin kong makapag-aral at makatapos. Para kahit papaano, mas angat naman kay Mot ang lalaking iibigin ko na hindi ako maaalangan. Mag-aaral muli ako. Natigil lamang talaga ako dahil sa kondisyon ni Ashley. Hindi ko kayang pagsabayin ang mga gastusin. Lalo na at hindi ko maasahan si Papa o si Mama para tustusan anuman sa pangangailangan namin.

"Oh siya, alis na ako nang makarami naman ako ng pasada." Paalam ni Motmot sa akin. Binitiwan na rin niya ang kamay kong kanina pa pala niya hawak.

Nginitian ko lamang siya at nagpasalamat. Nakaalis na siya nang magpasya akong pumasok na sa loob. Pagpihit ko papasok, ang nakangising si Bev ang bumungad sa akin. Nasa bungad ito ng Club. Nakangisi pero nakataas ang isang kilay.

"Boyfriend mo? Bagay kayo!" palatak niya na may pagkasarkismo ang tono.

Lumingon ako sa aking likod. Hindi kasi ako sigurado kung ako ba ang kinakausap niya kahit sa akin siya nakatingin.

"Ako?" Nakakunot noo kong tanong. Itinuro pa ang aking sarili ng daliri.

Mas lalong tumaas ang kilay niya at napaismid.

My Wife Is My Father's Mistress (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon