Chapter 1

2.4K 62 332
                                    

Elyssa * may consist brutal words*

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Elyssa * may consist brutal words*

Papasok ako ngayon sa squatter area kung saan kami nakatira. Tagpi-tagping mga bahay ang nadadaanan ko. Lubak ang daan at may mga nagkalat na basura. Hindi ko matanto kung anong amoy ang umaalingasaw. Naghalo-halo na kasi iyon.

Ganito ang pamumuhay na meron ako. Pamumuhay na kahit ilang beses kong gustong ibahin ay walang nangyayari. Para akong pinaparusahan dahil kahit anong kayod ko, kahit anong sipag at tiyaga ko, nakalugmok pa rin ako sa hirap. Gusto ko iyong takasan pero may mga taong nakakapit sa paa ko at pilit akong pinipigilan. Sabagay, hindi ko sila kayang takbuhan at taguan. Ikamamatay ko muna bago ko sila abandonahin at iwanan.

Malapit na ako sa bahay at kagagaling lamang sa trabaho nang makasalubong ko ang ilang mga kabataan at kalalakihang nagtatakbuhan. Nagsisigawan at naghahabulan pa ang mga ito. Ang iba ay nakangisi at nagtatawanan habang nakatingin sa akin.

Bumungad sa aking paningin ang binatilyong si Ariel na humahangos palapit sa akin. Isa siya sa mga batang kalye na binibigyan ko ng pagkain paminsan-minsan. Napakadungis niya at walang tsinelas na suot. May uhog pa sa ilong na ipinahid muna sa maruming damit bago ako kausapin.

"Ang nanay mo Ate Elyssa, lasing at binubugbog na naman ang tatay mo!" Pagbabalita niyang hinihingal. Nakatukod ang isang kamay sa tuhod habang ang isa ay nakaturo kung saan ang bahay namin.

Kinabahan ako at natakot kaya agad akong napatakbo para makauwi. Halos liparin ko na yata ang pagitan ko at ang aming tirahan.

Nagpupuyos ako sa galit nang maaktuhan ko ang aking ina na akmang sasampalin si papa. Sa likod ni papa ay ang limang taong gulang kong kapatid. Palinga-linga lamang si papa habang hindi alam kung ano ang gagawin para pigilan si mama. Baldado na ang kalahati ng katawan ni Papa dahil na-stroke ito ilang taon na ang nakararaan. Naapektuhan ang kanyang isip at ang katawan. Hindi na niya kayang magtrabaho kaya laging pinag-iinitan ng aking ina.

Wala akong inaksayang panahon at tinakbo ko si mama. Malakas ko siyang itinulak bago pa man dumapo ang kamay niya kay papa. Si papa na gulo ang buhok at may dugo sa labi. May rumaragasang luha sa mata habang hinahayaan lang niyang saktan siya ng ina kong walang hiya!

Oo, walang hiya ang nanay ko. Wala siyang kuwentang ina kahit noon pa. Isa siyang pabayang ina at asawa.

"Punyeta! sinong..." napatigil si mama nang bumaling siya sa gawi ko. Matalim ko siyang tinitigan. Ganoon din siya sa akin. "Puta! Ito pa lang walang hiya mong anak ang malakas ang loob para labanan ako!" singhal niya at napaismid pa.

Sinulyapan ko si papa na payat ang pangangatawan at halos buto na dahil sa kapabayaan niya. Nanginginig ito sa takot. Sumisikip ang dibdib ko dahil sa kanyang sitwasyon.

Nang muling susugod si Mama ay iniamba ko sa kanya ang malaking kahoy na pinulot ko kanina bago pa man makarating sa bahay. Napaatras siya ng bahagya at naibaba ang kamay na nakaamba para sampalin ako.

My Wife Is My Father's Mistress (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon