Chapter 27

506 18 13
                                    

Akay-akay ko is Ely papasok sa bahay, madaling araw na. Inuwi ko muna siya habang inaayos ko ang burol ng kanyang ama. She was drained and empty. Ni hindi nga ako makuhang kausapin. Nakatulala lamang siya pagkatapos niyang magising mula sa pagkakatulog.

Nang mabungaran namin ang hagikgik ni Ashley. Naalarma ako nang makita kong kalaro nito si Papa. Masaya silang naghaharutan habang nakikinig ng kung ano sa laptop.

Masyado silang abala na hindi kami napansin na dumating.

"Hijo, narito na pala kayo." Bumungad mula sa kusina si Nanay Minda, kaya naman napalingon sa amin si papa. May ibinulong ito kay Ashley, pagkatapos ay tumayo na at lumapit sa amin.

Malungkot na napatitig si papa kay Ely. Alam kong nalaman na niya ang pangyayari dahil naitawag ko iyon kay Nanay Minda dahil sa pag-aalala ko kapag nagising si Ashley.

Lumapit si papa kay Ely at bigla niyang niyakap ito. Hindi ako nakahuma dahil sa kanyang ginawa. Napabitiw ako kay Ely nang humagulgol ito mula sa pagkakayakap ni Papa.

I get it! Nakikidalamhati si papa sa asawa ko. Samantalang alam kong nangungulila si Ely sa isang ama. Kamamatay lang ng tatay nila. Pero bakit hindi ko nagugustuhan ang nakikita ko. Lalo na nang maalala ko ang babaeng kabit ni papa. Ang kapatid ni Ely. Si Annassa.

Humagulgol si Ely at umiyak sa balikat ni papa. Nagngitngit ako sa galit dahil doon. Gusto kong agawin siya kay papa. Ako dapat ang gumagawa noon sa kanya. Balikat ko dapat ang iniiyakan niya.

"Shhhh, stay strong darling. I'm here for you." Doon na ako hindi nakapagtimpi. Hinaklit ko ang braso ni Ely na nakababa lamang. Napabitiw si papa sa ginawa ko.

"Kailangan nang magpahinga ng asawa ko." Madiin ang pagkakasabi ko ng salitang asawa para ipamukha sa kanyang pag-aari ko ang babaeng niyayakap niya.

Ang ikinainis ko, tumango lamang si papa at muling tinitigan si Ely. Kakaiba ang titig niyang iyon. Hindi niya kailanman tinitigan si mama ng ganoon.

Napakuyom ako ng aking kamao. Alam na ba ni papa na ang kabit niya ay kapatid ni Ely? Kaya ba ganoon na lamang siya mag-alala?

Inakay ko uli ang aking asawa papunta sa aming kuwarto. Bago makapanhik ay tinapunan ko ng tingin si Ashley na abala pa rin sa pakikinig ng kung ano. Gamit niya ang laptop ni papa.

Napabuntong hininga ako dahil sa awa sa bata. Parehong magulang ang nawala dito na hindi man lamang niya alam.

Halos wala ng lakas si Ely nang pinaupo ko siya sa gilid ng kama. Kanina pa niya ayaw magsalita kahit anong tanong ko. O kahit anong sabihin ko, ayaw niyang makipag-usap.

"Magpahinga ka na muna," saad ko at balak na sana siyang iwanan nang hawakan niya ang laylayan ng aking damit. Napatigil ako.

"Ali..." Gumaralgal ang boses niya. Kaya naman isinandig ko ang kanyang ulo sa aking dibdib. Ang kamay ko ay humagod sa kanyang mahabang buhok.

Muli siyang humagulgol ng iyak. Alam kong iyon ang kailangan niya ngayon. Kailangan niyang ilabas ang sakit ng pagkawala ng kanyang pinakamamahal na ama.

Hindi katulad ko na kinimkim lahat ng pangyayari sa aking inang may sakit. Walang naging karamay, kaya naiintindihan ko si Ely. Mahal na mahal niya ang kanyang ama.

Napalunok ako at may naglandas na luha sa aking mga mata. Hindi ko na talaga maintindhan pero sobrang bigat ng aking pakiramdam. Nasasaktan ako para kay Ely. Para sa babaemg unti-unting pumupukaw sa isang damdaming hindi ko pa matanto. Basta ang alam ko, gusto ko siyang sa tabi ko lang. Hindi siya dapat mawala. Pro-protektahan ko siya. Hindi ko nagawa iyon kay mama, gusto kong gawin iyon  kay Ely.

Am I crazy? Maybe! Dahil kahit alam kong kapatid ni Ely ang kabit ni papa, hindi ko magawang masuklam sa kanya.  Dahil alam ko sa sarili ko na wala siyang kinalaman doon. Wala siyang alam sa bagay na ginawa ng kanyang kapatid. Wala silang kasalanan ni Ashley.

Ang ipinagtaka ko lang ay kung nasaan na ang kapatid niya. Batay sa video na napanood ko, hindi maayos ang pag-uusap nila ni papa. Is there something more? May kailangan pa bang tuklasin?

"Ali, pinaparusahan ako ng Diyos..."

"Shhh, Ely, pagsubok lang ito. Alam kong matatag ka kaya huwag kang panghinaan ng loob. Isipin mo si Ashley." Pagkabanggit ko sa pangalan ng kanyang kapatid ay lalo lamang siyang napahagulgol. "I'm here for both of you," I said sincerely.  Hindi na iyon pagkukunwari. Bukal sa loob kong tulungan sila.

Dumaan pa ang ilang saglit. Tulog na si Ely. Minabuti kng bantayan siya. Hinahaplos ko ang kanyang mukha nang bumukas ang pinto. Bumungad sa pinto si Papa na karga si Ashley. Tulog sa kanyang balikat.

Hindi ko alam kung tama ang nakita kong emosiyon na dumaan sa  mga mata ni papa. Dahil nawala rin iyon nang  umiwas siya sa aking tingin at nagdiretso sa kinaroroonan namin.

Bumangom ako at tumayo para mabigyan ng espasiyo si Ashley na maingat na inilapag ni papa sa tabi ni Ely. Nakatalikod ako at hinintay siyang umalis. Ngunit ilang sandali na'y hindi pa rin siya tumitinag. Dahilan upang balingan ko siya ng tingin.

Nakamasid siya sa kama, noong una, akala ko si Ashley ang tinititigan niya. Ngunit nang humakbang ako palapit, naroon na naman ang hindi ko maipaliwanag na tingin niya kay Ely.

Malungkot ang mukha ni Papa. Pakiramdam ko, nagpipigil siya sa kagustuhang muling yakapin ang aking asawa. Bakit ganoon siya makatingin? Bakit ganito ang aking pakiramdam?

Napakuyom ako sa aking kamao at nagtagis bagang. Nag-aapoy ang aking mga mata na tumitig sa kanya. Isa na siguro akong kriminal ngayon dahil paulit-ulit ko siyang pinapatay sa aking isip.

Bumaling siya sa akin.

"Lets talk!" Nahimigan ko nang galit ang kanyang boses.

Like, I should be the one who is angry right now. Ako dapat ang umasta ng inaasta niya.

Nauna na siyang maglakad palabas sa aking silid. Sumunod ako sa kanyang opisina dahil nais kong ipamukha sa kanya na kilala ko na ang kabit na sobra niyang itanggi noon. Kung noon ay naitago niya at naprotektahan, hindi na niya magagawa iyon ngayon.

"Stay here..." Nakabuka sa ere ang bibig ko nang maunahan niya ako sa pagsalita. Nakatalikod siya sa akin at nakaharap sa bintana. "All of you should stay here!"

Imbes na magsalita ay natawa ako. Tawa na walang halong saya. Puro sarkismo ang nakabalot sa tawang iyon.

"Sa anong dahilan?"

Napabaling siya sa akin. Matalim ang titig na ipinukol niya. Kung sa tingin lang talaga, siguradong nagpapatayan na kaming dalawa.

"Hindi ninyo kayang kayo lamang, lalo na sa kalagayan ni Elyssa..."

Napakunot noo ako. Hindi ko matandaan na nabanggit ko kay papa ang buong pangalan ni Ely. But then, ipinagsawalang bahala ko iyon.

"We don't need you and your God damn concern if that's what you want to show!"



My Wife Is My Father's Mistress (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon