Chapter 3

1.4K 54 225
                                    

Bigla akong nag-init. Ito yung pakiramdam na hinahanap-hanap ng katawan ko noon pa, simula noong matikman ko ang babaeng iyon. Nagkarelasyon nga ako ng ibang babae sa America pero hindi ko naramdaman ang anumang init na meron ako ngayon. Hindi ko matanto kung libog lamang ba iyon pero ngayon ay nagkakarambola ang bituka ko sa tiyan. Mabilis din ang tibok ng puso ko.

Patuloy sa pagsayaw ang babae na ngayon ay lumalambitin na sa tubo. Ang mga kalalakihan ay nagpapaulan ng pera sa entablado. Pinapalakpakan nila ang babae at sinisigawan.

"Sige pa baby, igiling mo pa!" sigaw ng isang matanda. Halatang lasing na lasing at gustong pumunta sa taas ng entablado. Agad itong hinawakan ng security na nakapalibot sa stage.

Tatlong tugtog ang sinayaw ng babaeng nakamaskara. Hindi pa rin ako makapaniwala sa epekto nito sa akin. Nanood lamang ako pero tinigasan na si Manoy.

Agad na umalis ang babae sa entablado nang matapos ang sayaw. Nakatunganga pa rin ako na nakatingin doon kahit wala na ito at may tatlumpong minuto na ang nakalipas.

"Ano na 'pre? Natulala ka na riyan?" pangbubuska ni Aiden na nakangisi pa.

"Sino iyon?" tanong ko at napatingin ako kay Heron pero kahalikan na niya ang dalawang babae sa tabi. Napailing na lamang ako habang ang kamay niya ay naglalandas na rin sa kung saan.

Mukhang doon niya itinutok ang init nang dahil sa napanood kanina. Sabi ni Aiden ay paborito nila ang babaeng sumayaw. Ibig sabihin, hindi lang ako ang nagpapantasiya sa babaeng iyon, pati itong mga kaibigan ko. Kailan pa kaya sila naging interesado sa kanya?

Nagsisimula na rin magka-ingay muli sa loob. Mga musikang ma-indak na ang nakapaimbabaw na maririnig at mga sari-saring kuwentuhan at tawanan.

"Walang nakakaalam," sagot ng babaeng katabi ni Aiden nang magawi ang tingin ko sa kanilang dalawa. "Kahit kami ay hindi namin kilala. Ang may-ari lamang ang nakakaalam ng pagkatao ng babaeng iyon," dagdag niya na lalong nagpamisteryoso sa pagkakakilanlan ng babaeng nakamaskara.

Nagkibit-balikat na lamang ako dahil walang makuhang maayos na impormasyon. Nang may maglapag ng inumin sa aming mesa. Nagtaas ako ng tingin sa isang babae na kasalukuyang nakayuko at kinukuha ang boteng wala ng laman.

Nagtama ang mga mata namin ng waitress. Nakadamit ito ng itim na uniporme. Maikli ang skirt na kapag talagang yumuko ay kita ang panloob na suot. Iyon lang ang babaeng nasa harap ko ay nakacycling shorts. Nakita ko iyon kanina noong muling yumuko dahil sa nahulog niyang bote sa sahig.

"Yssa naman, hanggang ngayon ba naman isa ka pa ring dakilang lampa!" mataray na ika ng nagpakilalang Bev kanina. Nakairap ito sa babaeng patuloy na kumukuha ng boteng napag-inuman na namin.

Hindi umimik ang babaeng tinawag niyang Yssa. Nang biglang bumaling ang tingin ng babae sa akin. Napaiwas ako bigla nang irapan niya ako at medyo tinakpan ang nakabuyangyang niyang puwetan sa akin.

"Magtatrabaho-trabaho ka rito tapos ganyan ka makaasta. Pa-inosente!" nakaismid kong ika pero sinarili ko na lamang.

Umalis na siya sa mesa namin pero lihim ko siyang pinagmasdan. Sinundan ng mga mata ko ang bawat galaw ng babae. Lihim ko rin siyang pinag-aralan. Seksi siya at maganda. Napakainosenteng tignan ng mukha niya. Parang ang sarap halikan ang labi niya. Napansin kong mamula-mula iyon kahit walang lipstick. Naramdaman ko sa aura niya ang pagiging palaban. Natawa na lamang ako sa isiping buti hindi niya ginamit sa mga babaeng bayaran na kasama namin ang pagiging palaban niya.

Muli akong uminom habang sinusundan pa rin ng tingin ang babae. Samantalang ang mga kasama ko ay nagmamake-out na sa kani-kanilang upuan. Wala ako sa mood para makipaglandian. Itong bote na lamang ng beer ang ka-lips to lips ko. Kahit malamig ang bibig nito napapainit naman niya ang lalamunan at buong katawan ko.

My Wife Is My Father's Mistress (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon