Chapter 47

330 19 9
                                    

Babaeng Nakamaskara

"Sigurado ka na ba sa gagawin mo?" nag-aalalang tanong ni Mamang sa akin. Kasalukuyang nasa lihim kaming silid sa kanyang club. "Baka lalo ka lamang mapahamak," ika niya pa na ginagap ang aking kamay. "Ayokong may mangyari sa iyong masama."

Puno ng determinasyon ang mga mata kong tumitig sa kanyang mata. Alam kong padalos-dalos na naman ako sa aking desisyon, at sa hiling ko na gawin niya para sa akin. Subalit kailangan kong gawin ang bagay na iyon, para sa ikakatahimik ko, dahil kung hindi ngayon, baka wala na akong tyansa para malaman ang totoo. At kung anong kinalaman ng taong iyon sa nangyari sa nakaraan.

"Desidido na ako, Mamang. Huli na ito."

Napatitig sa akin si Mamang nang matagal bago bumuga ng hangin at napailing na lang, alam niyang hindi na niya mababago ang isip ko. Hindi ako aatras, kailangan kong harapin ito ngayon.

"Kung kailangan mo pa ng tulong, tumawag ka agad. Heto ang numero ng kuwarto." Malungkot na inabot ni Mamang sa akin ang isang pirasong papel na naglalaman kung saan lg lugar ko kikitain ang matandang iyon.

Mahigpit ko iyong nilamukos. Bigla ang pagbigat ng dibdib ko sa kaalamang makakaharap kong muli siya.

Mapait akong napangiti kay Mamang saka yumakap sa kanya. Halos maiyak din ako nang magsimula siyang suminghot sa pagpipigil ng luha.

"Mag-iingat ka sana," ika niyang pumiyok pa.

Tumango lamang ako dahil parang may bumikig sa aking lalamunan. Walang nais lumabas na salita, dahil kapag bumuka ang bibig ko, alam kong tuluyang lalabas ang kahinaan ko at tuluyang maiyak. Hindi ko dapat ipakita iyon kay Mamang. Buo na ang desisyon ko at hindi ako papipigil pa.

Muli akong yumakap saka nagpaalam na ng tuluyan kay Mamang. Pagkatapos kasi nito ay tuluyan na rin akong hindi magpapakita sa kanila. Mawawala nang parang bula ang babaeng nakamaskara.

Bago tuluyang pumasok sa elavator, isinuot ko muna ang maskarang nasa bag ko. Buti na lamang at mag-isa ko lamang doon kaya walang nakakita ng itsura ko. Pinindot ko ang Ikalabin- dalawang palapag, doon ko kikitain ang taong iyon.

Huminga ako ng malalim nang tumunog ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na ako. Pumikit ako ng ilang saglit bago tuluyang lumabas. Taas noong naglakad ako sa hallway ng hotel at hinanap ang silid na may numerong 215.

Nang matapat ako ay agad akong kumatok. Hindi pa man din ako nakakaisang minuto ay bumukas na ang pinto at nakangising matanda ang bumungad sa akin.

"Buti naman at narito ka na!"

Palihim akong napairap nang mas nilakihan pa ng matandang Villota ang uwang ng pinto para makapasok ako. Hindi siya totoong lumabas ng bansa, ipinahanap ko siya sa pamamagitan ng tulong ni Mamang, at ngayon nga ay muli ko siyang makakaharap.

Sa una, ayaw niyang makipagkita sa akin. Matigas siyang tumatanggi kahit pa takutin na siya ng tauhan ni Mamang. Sa huli, pumayag ito kapalit ng pagpapakita ko ng aking mukha sa kanya.

Alam kong delikado, pero ito na lang ang alam kong paraan para malaman ko ang totoo.

"Pumasok ka na at nang makapag-usap na tayo ng masinsinan," untag niya nang hindi pa rin ako kumikilos.

Kinilabutan ako sa kanyang itsura. Para niya akong kakainin ng hilaw sa titig pa lamang niya. Napakapit tuloy ako sa bag kong may lamang pepper spray.

Lalong nagtayuan ang balahibo ko nang makapasok ako ay agad niyang isinara at ni-lock pa talaga ang pinto.

Malakas man ang kaba na nararamdaman, hindi ko iyon ipinakita at diretso akong naupo sa pang-isahang sofa. Nilagyan ko ng ngiti ang labi kong hinarap siya na naupo sa sofa na kaharap ng inuupuan ko, hindi pa rin natatanggal ang nakakalokong ngisi niya sa labi.

"Now that you're here, lets do the talking. Bakit mo ako pinapahanap?" walang gatol na tanong niya sa akin at sumeryosong napasandal sa sofa.

"Alam mo kung bakit kita pinapahanap Mr. Villota, dahil kung hindi, hindi mo naman ako tataguan ng ganito," diretsa kong saad na ikinahalakhak niya. Tuwang-tuwa pa talaga siya sa pagpapaikot ng aming usapan.  "Bakit nagawa mong lokohin si Anassa?"

Lalong natawa ito ngunit wala ng laman ang tawang iyon. Puno na lamang ng sarkismo.

"Bago ko sagutin ang tanong mo, show me your face first," utos niyang lalong nakadagdag sa kabang nararamdaman ko.

Tinitigan ko siyang mabuti. Biglang nawala sa katauhan niya ang manyakis na matandang kilala ko. Sumeryoso ito at wala nang kangiti-ngiti sa labi. Pinagsalikop pa nito ang kamay at bahagyang inilapit ang katawan. Ang siko ay nakatukod sa hita niya habang naghihintay ng gagawin ko.

Nanginginig ang kamay kong napunta sa maskarang nasa mukha ko. Ilang beses akong napalunok nang dahan-dahan kong binababa iyon mula sa aking mukha. Nang iangat ko ang mukha ko at tumingin sa kaharap ay may ngisi na naman siya sa mukha.

"Hindi nga ako nagkakamali, nakakaintriga ang pagtatago mo ng iyong mukha. Maganda ka ngang talaga," palatak niyang nakapagpakuyom sa aking kamao. "But the original mask girl is more fireced! Halatang isa kang impostora," dagdag pa niya kaya masama ang tinging ipinukol ko sa kanya. Kilala ko kung sino ang sinasabi niyang orihinal na babaeng nakamaskara.

"Sa sinabi mo, may alam ka nga at kinalaman sa nangyari kay Anassa!" sigaw kong napatayo. "Ikaw ang dahilan ng pagkamatay niya!" bintang kong tumulo ang luha sa mga mata ko.

Humalakhak siya na lalong nakapagpainit sa aking ulo. Nagagawa niya pa talagang tumawa sa kabila ng lahat, nagagawa niyang tumawa samantalang naghihirap ang kalooban ko sa kanyang harap. Nagagawa niyang itawa ang kasalanang dahilan siya ng pagkamatay ng isang tao.

"Mukhang mali ang impormasyong nakalap mo binibini! Hindi ako ang dahilan ng pagkamatay niya..."

"Sinungaling!" bulyaw kong umiling-iling.

"Ask the man with you." Nalito akong napatitig sa kanya. Nanatili pa rin siyang nakaupo at kalmado. "Bago kita hinarap ay nakausap ko na ang lalaking kasama mo sa plano. He knows everything!" saad niyang nagpalukot nang husto sa mukha ko at lalong gumulo sa utak ko.

Nanghihina akong muling napaupo. Napatitig ako sa aking mga kamay na halos wala ng dugo dahil sa pamumutla. Napakaraming tanong  ang nabubuo sa isip ko.

Kung alam na niya ang lahat, bakit wala siyang sinasabi sa akin? Bakit naglilihim siya. Bakit kailangan kong makipaglapit kay Elyjah?

Si Alyjah...

Muli akong napabaling ng tingin sa matandang Villota na hindi pa rin inaalis ang pagkakatitig sa akin.

"Anong kinalaman ni Alyjah De Silva sa lahat ng ito?" Sa nanginninig na boses ay nagawa kong itanong.

Nagkibit-balikat lamang siya na hindi ako sinasagot. Tumayo siya sa kinauupuan at naglakad patungo sa may bintana.

"Like I said, hindi ako dapat ang tinatanong mo ng mga iyan..."

Nasapo ko ang aking noo dahil biglang umatake ang matinding sakit sa aking ulo, tila mawawalan ako ng ulirat. Halos habulin ko ang hangin dahil biglang nanikip ang dibdib ko.

Pinilit kong tumayo, pinilit kong maglakad paalis. Pinilit kong makalayo bago pa man ako panawan ng ulirat kasama ang matandang ngayon ay walang pakialam na pinanood lamang ako.

Nang makarating sa elevator, ginamit ko ang dingding para gawing masasandalan para hindi ako tuluyang bumagsak. Kailangan kong maging matatag.

Pangako, huling-huli na ito. Gusto ko na rin matahimik ang buhay ko.

My Wife Is My Father's Mistress (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon