Alyjah
Hindi ako mapakaling pabalik-balik na nagpalakad-lakad sa harapan ng ICU, kabado at hindi mapalagay.
Nang mapagod ay sumandal ako sa pader at naitakip ang dalawang palad sa mukha. Nang hindi nakuntento, naibaba ko ang kamao kong nakakuyom at sinuntok-suntok ang pader.
Sila ang may kasalanan nang lahat ng ito. Sila kaya bakit ako makokonsensiya!
Muli akong napatitig sa aking kamay na may bahid ng natuyong dugo.
"Ali?" Mabilis akong nilapitan ng nag-aalalang si Heron. Tinawagan ko siya kanina dahil labis akong nag-aalala kay Aiden. Kagagaling lang din nito sa police station para i-settle ang kailangan.
Malalim akong humugot ng hininga bago siya harapin nang tuluyan. Pagod akong nangiti sa kanya. Nagagawa ko pa ring ngumiti para itagao ang pait at sakit na nararamdaman ko.
"Umuwi ka na muna, Ali. Mas magandang makapagpahinga ka para makapag-isip ka nang tama."
Mabagal kong inilingan ang suhestiyon niya. Lalo lamang akong mababaliw kapag mag-isa. Hindi rin naman ako makakampante.
"Ikaw muna bahala rito, kailangan kong ayusin ang sarili ko," ika kong nilingon ang gawi ng Mens Washroom. Tinanguhan ako ni Heron kaya naman humakbang na ako paalis.
Sa pagpasok ko sa loob ay nakasalubong ko ang isang matandang lalaki na napatda pa nang makita ako at itsura ko. Hindi lang kasi sa kamay ko may dugo. Maging ang damit kong suot ay may natuyong dugo.
Hindi ko pinansin ang nanghuhusgang tingin ng matanda na agad rin namang umalis kaya naiwan akong mag-isa roon.
Binuksan ko ang faucet at pinaragasa ang maaligamgam na tubig sa aking kamay. Tinatanggal bawat natuyong dugo roon. Kinuskos ko nang kinuskos ang kamay ko na tila ba hindi matanggal-tanggal ang dugo kahit pa nga ilang minuto ko nang hinuhugasan ang kamay ko.
Kinuskos ko pa nang kinuskos habang lalo akong nagpupuyos sa galit. Nang magsawa ay itinukod ko ang palad sa sink at masamang pinagmasdan ang repleksiyon ko sa salamin. Dumukwang pa ako ng kaunti para mas lalong matitigan ang lalaking hindi ko kilala sa harapan ko.
Oo, hindi ko na halos makilala ang sarili ko dahil sa namuong galit at suklam sa sistema ko. Galit na galit ako sa dalawang taong minahal ko pero kasinungalingan at pagtataksil lang ang ibinigay sa buhay ko.
Mula noong bata ako, kahit laging wala si Papa ay pinanabikan ko ang pagdating niya sa bahay. Pinanabikan ko ang pagpasyal niya sa akin. Pinanabikan ko na makasama siya kahit isang oras lamang sa isang linggo. Minahal ko si Papa kahit malaki ang pagkukulang niya, inintindi ko siya, not when he chose to abandoned us at saktan niya si Mama sa pamamagitan ng pagkakaroon ng babae.
Kay Ely? I know I am falling in love with her. Hindi na lang basta-basta pagkagusto ang nararamdaman ko sa kanya. But she chose to hurt me. Mas pinili niyang itago ang lahat at magsinungaling.
Muli kong tinitigan ang aking mga kamay, ang mga kamay na dudurug sa kanila. Mga kamay na magiging dahilan na hindi sila lumigaya.
Imbes na bumalik ay pinili kong muling puntahan ang crime scene, ang rooftop kung saan naisiwalat ang lahat. Habang papalapit ako kung saan kami nakatayong apat ay sumasagi sa aking isipan ang mga pangyayari kanina.
Ipinamulsa ko ang aking dalawang kamay sa aking suot na pantalon nang muli ay makapa ko doon ang tila bolang papel na sa pagkakalamukos ko. Ang DNA result.
Muli ko iyong kinuha at pinakatitigan. Kahit hindi ko na basahin ay tumatak na sa isipan ko ang resulta. 99.9 percent na mag-ama si Papa at si Ashley. 99.9 percent na bunga ang bata ng pagtataksil ng aking ama sa aking ina. Ninety-nine percent na si Papa ang nakauna at minahal na lalaki ni Ely, lalaking hindi niya makalimutan.
Tumingala ako sa langit. Nag-uumpisa nang dumilim ang paligid, mukha ring uulan dahil sa mga maiitim na ulap na nagkumpol-kumpol. Malamig din ang hanging dumadampi sa aking balat.
Muling bumigat ang aking dibdib at bigla na lamang itong nanikip na halos hindi na ako makahinga. Ang luha sa mga mata ko na kanina ko pa pinipigilan ay nag-unahan nang tumulo. Napaigik ako at napaluhod nang lalong nanikip ang dibdib ko kaya napasapo ako doon.
Mabigat! Sobrang bigat at sakit! Kinimkim ko ang lahat ng ito mula pa noon, ngayon ay parang sasabog na. Sasabog na ang sakit na kahit gusto kong isigaw, ayaw lumabas.
Pinagsusuntok ko ang aking dibdib dala ng hindi na talaga ako makahinga.
"Ah..." muli kong pinagsusuntok ang aking dibdib. Kasabay ng malakas kong sigaw ay ang pagpatak ng malalaking butil ng ulan. Nakikiramay sa aking nararamdaman.
Ang panaka-nakang patak ay lalong lumakas. Nababasa na ako roon habang nakaluhod pa rin. Nang mahagilap ng mga mata ko ang mga patak ng dugo sa gilid ko. Dugong nagmula kay Ely.
Hinaplos ko iyon habang unti-unting nililinis ng ulan. Hinaplos ko ang parte kung saan siya nakahandusay habang nawawalan ng malay. Hinaplos ko iyon habang nakikita ko ang aking sarili na nakatitig lang sa kanya at hinihintay siyang malagutan ng hininga, kahit parang namamatay na rin ako sa loob.
"Hindi ako magpapatawad!" sigaw ko at muling tumingala sa langit. Hinayaan ang sarili kong mabasang parang sisiw sa ulan.
Tila pinapawi kasi ng ulan ang sakit. Gusto kong umagos rin ang hirap ng kalooban ko, kahit alam kong hindi naman mangyayari iyon.
"Ali..." tinig na tawag sa aking likuran, puno ng pag-aalala.
Mananatili pa sana ako roon ngunit naroon na si Kuya Juancho. Tumakbo sa tabi ko dala ang itim na payong. May dala rin siyang bag na alam kong gamit ko dahil ibinilin ko sa kanyang dalhan ako ng damit.
"Tumayo ka riyan, gusto mo bang magkasakit!" sermon niya na hinawakan ako sa braso at pilit itinayo. Halos bumuwal pa kami dahil sa pagmamatigas ko.
"Alam kong mahirap tanggapin ang lahat, maging kami ay nagulat din nalaman. Pero, Ali..."
"Hindi ko kailangan ang paliwanag ninyo para ipagtanggol ang ama ko, Kuya," putol ko sa sasabihin niya. Kinuha ang bag na dala at muling sinuong ang ulan paalis doon. Ngunit hindi pa ako nakakalayo ay muli siyang nagsalita.
"Hindi lahat ay kasalanan ng ama mo, Ali. Sana ay bigyan mo siya ng pagkakataong ipaliwanag ang kanyang sarili. Huwag mong isara ang pang-unawa mo para sa kanya," sigaw niya pero hindi ko pinansin at umalis pa rin ako.
Walang kasalanan? Sinong niloloko nila. Alam kong sa umpisa pa lang, na kay Papa na ng loyalty nila, kaya anumang mangyari, siya ang kakampihan at ipagtatanggol nila.
My mom had only me. Ako lang ang tanging nasa tabi niya kapag umiiyak siya dahil kay Papa. Ako lang ang nasa tabi niya kapag nagmamakaawa siya kay Papa. Kaya hindi ko hahayaang mas maagrabyado pa ang aking ina.
Naplano ko na lahat noon. Kung may nag-iba man sa nararamdaman ko ngayon, hindi na rin naman mababago ang ipinangako ko sa aking sarili at sa aking ina noon, pagbabayarin ko ang babaeng naging dahilan ng lahat. Pagbabayarin ko ang babaeng kinahumalingan ni Papa.
Walang espasyo ang pagmamahal. Ina ko muna bago ang sarili ko. Ngayon pang lumabas na ang katotohanan at maraming taong nadamay dahil sa kanilang pagtataksil.
Kahit basa pa ay tinungo ko ang kuwarto kung nasaan ang babaeng naging dahilan ng lahat. Gusto kong ipamukha sa kanya ang galit ko. Hindi pa sapat ang parusa sa kanya ng Diyos. Hindi ako makukuntento hanggang hindi ako ang nagpaparusa sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Wife Is My Father's Mistress (R-18)
Ficção GeralSi Elyssa, nagmahal at nasaktan sa maling tao. Sa muling pagbubukas ba ng kanyang puso, maling tao na naman kaya ang iibigin niya? Si Alyjah, nasaktan sa kinahinatnan ng kanyang ina. Poot at galit ang itinanim niya sa kanyang puso. Mababago kaya ito...