Chapter 50

377 19 8
                                    

"Kasalanan mo ang lahat! Kasalanan mo!"

Pumapalahaw sa iyak na sinugod ako ni Mama. Namanhid ako sa kanyang ginawa. Gusto kong ipagtanggol ang aking sarili pero wala akong lakas. Ilang araw na akong nakaratay sa hospital, ngayon lang siya dumalaw pero iyon ang ibinungad niya sa akin, ang paninisi sa isang kasalanan.

Hinayaan ko siyang sampalin ako. Hinayaan ko siyang ibuhos ang galit niya sa akin. Hinayaan ko siyang saktan ako, pisikal at emosyonal.

"Kasalanan mo kung bakit namatay ang kapatid mo! Kasalanan mo!" sigaw ni Mama. Walang pakialam sa iilang pasyente na naroon. Wala rin naman akong pakialam dahil ginimbal ako ng balitang patay na si Anassa. Akala ko ay nailigtas ko siya kapalit ng isang buhay.

Inihanda kong muli ang namumula ko nang mukha para sa isa pang malakas na sampal. Ngunit bago pa man dumapo iyon sa pisngi ko ay may pumigil na sa kamay ni Mama

"Tama na po."

Naiangat ko ang aking tingin sa nagsalita. Isang maputing lalaki na tantiya ko ay kaedaran ko lamang. Magulo ang buhok niya na para bang ilang araw nang nagluluksa.

Ayaw paawat ni Mama kaya halos kaladkarin na siya ng lalaking iyon. Muli akong nahiga at nagtalukbong. Masakit ang mukha ko pero mas hindi ko maatim ang mga tinging ipinupukol ng mga naroon sa akin. Ayaw ko ng kanilang awa.

"Put this on your face." Isang baritonong bises ang narinig ko. Kapagdaka'y naramdaman ko na tila ba may nakatayo sa gilid ng kama ko. Isa lamang ang ibig sabihin noon. Bumalik ang lalaking kasama ni Mama kanina.

Dahil sa kuryosidad at sa kagustuhang makilala ito, inalis ko ang kumot na nakatalukbong sa aking mukha. Kasabay ng pag-upo niya sa gilid ng kama ko ang pag-ayos ko ng aking sarili paupo.

Idinampi niya ang malamig na tela sa aking pisngi.

"Cold compress ito. Kailangan nating maagapan ang mukha mo bago pa mamaga nang tuluyan."

Iniangat ko ang tingin sa kanya habang patuloy niyang idinadampi ang hawak sa pisngi ko.

"Sino ka?" Nangangatal man ang bibig dahil sa tinamong pisikal ma pang-aabuso kay Mama ay nagawa ko pa siyang tanungin.

"Magpahinga ka. Magpalakas. Kailangan ka ng pamilya mo ngayon," saad niyang halata sa boses ang lungkot, na para bang iiyak na siya.

"Hindi mo pa sinasagot..."

"Kaibigan ako ng kapatid mo." Tuluyan ng gumaralgal ang boses niya. Nakita ko ang paggtulo ng kanyang luha.

Hindi ko na rin napigilan ang pag-iyak. Lalo na noong maalala ang pangyayari at kung bakit ako naroon. Hindi ko nailigtas si Anassa sa tangka niyang pagpapakasagasa.

"Hindi ko siya nagawang iligtas," sisi ko sa sarili. Hinayaan kong yakapin ako ng estrangherong lalaki.

"Hindi mo kasalan, wala kang kasalanan. Iisang tao lang ang may gawa kung bakit wala na si Anassa," anas niyang puno ng pait. Katulad ko alam kong nasasaktan rin siya. "Pagbabayarin ko siya."

Magsasalita pa sana ako nang lumapit ang isang nurse sa amin kaya napabitiw ako sa kanya.

"Prieto?"

Tumango ako.

"Ano pong ipapangalan sa baby? Baby girl po."

Lalo akong nanlumo nang maalaala ang anak ko. Malakas na akong napahagulgol. Bagay na ngayon ko lang ginawa sa ilang araw na nasa hospital.ako. Sa ilang araw na nag-agaw buhay si Anassa.

Wala akong ginawa kundi ang umiyak. Ibinuhos ko ang lahat ng kinimkim kong sakit at hirap. Ang kawalan ng pag-asa. Ang kawalan ng suporta.

Ang baby ay pre-mature kaya nanatili siya sa hospital. Nakalabas ako sa hospital sa tulong ni Aiden. Siya rin ang gumagastos ng pangangailangan ng baby habang naroon sa hospital. Marami ang naging komplikasyon dahil sa kinasangkutan naming aksidente ni Anassa. Pinilit ko siyang pinigilan, pero maging ako ay nadamay. Sana ako na lang ang namatay.

My Wife Is My Father's Mistress (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon