Elyssa
Halos abutin ako ng ala-una ng madaling araw sa pag-aayos ng delivery ko ng mga damit at make up. Dahil binawalan ako ni Ali na magtrabaho sa club, minabuti kong humanap ng kaunting pagkakakitaan para naman makaipon ako. Hindi niya alam ang bagay na ito kaya nagulat na lang akong medyo maaga-aga siyang umuwi. Buti na lamang at lasing siya kaya makakalimutan niya rin ang nakita kinabukasan.
Nagtatrabaho ako hindi dahil sa nakukulangan ako sa ibinibigay niya. Kaya ko iyong pagkasyahin, gusto ko lang na may pera. Hindi ko alam hanggang kailan niya ako pananatilihin sa kanyang tabi, kailangan kong maging handa.
Matindi ang galit sa akin ni Ali at alam kong hindi basta-basta mawawala iyon. Hindi basta-basta matutunaw, ang kailangan ko lang ay maghintay sa kanyang mapatawad ako.
Nangawit ang likod ko kaya nag-inat ako, nagsisi nga lamang ako nang mabinat ang bumuka kong sugat. Kung sana hindi iyon bumangga sa mesa kanina, maaring wala akong iniindang sakit ngayon.
Napahawak ako roon habang pagod na isinandig ang aking likod sa upuang kahoy. Isang linggo na rin simula noong iwanan ko si Ashley kay Lauro. Nami-miss ko na siya, hindi sapat ang pakikipag-usap lamang sa telepono, gusto ko siyang makita at maka-usap.Buti na lamang at pumayag si Ali na makita ko siya.
Napatingin ako sa nakasarang pinto. Alam kong mahimbing na ang tulog ni Ali ngayon, mas nakakatulog kasi siya lalo na kapag lasing. Alam kong paraan niya iyon para umiwas sa akin.
Napakagat labi ako, hirap na hirao akong makatulog. Napakaraming gumugulo sa isip ko. Pilit ko mang iwaksi ay ayaw naman akong tantanan.
Ipinikit ko ang aking mga mata. Pagod dahil sa pag-iyak at kakulangan na rin ng tulog.
Napangiti ako sa tila paghaplos sa aking pisngi ng mainit na palad. Ang hagod na ginagawa nito sa aking mukha ay nakakagaan ng aking kalooban. Isang tao lamang naman ang nakakagawa sa akin ng ganitong pakiramdam... si Ali.
Kung nananaginip ako, ayaw kong magising pa. Mas gugustuhin kong manatiling nakatulog kung ang ganitong pakiramdam naman ang pumupuno sa aking sistema. Mainit at puno ng pag-aalala.
Naramdaman ko ang pagdampi ng tela sa aking balat. Napamulagat ako sa biglang reyalisasyong may tao nga sa aking tabi. Nang aninagin ko iyon, likod ni Ali ang nakita kong papasok na ngayon sa kuwarto.
Biglang nag-unahang tumulo ang luha sa mga mata ko. Ramdam kong may natitira pang pag-aalala si Ali sa akin.
Niyakap ko ang aking sarili. Hindi na naman maampat ang luhang rumaragasa sa mata ko. Pilit ko mang pigilan, tila gripong lumalabas naman iyon.
Sa pagod ko sa muling pag-iyak ay nakatulog ako sa upuan. Ramdam ko ang pangangalay ng aking binti at sakit sa likod nang magising kinaumagahan. Agad akong napatayo dahil napansin kong tirik na ang araw sa labas--tanghali na.
Nagmamadali akong nagtungo sa kusina. Siya namang pagbukas ng pinto ng kuwarto at makasalubong ko si Ali.
"Ali..." Nahihiya kong tawag dahil mukhang aalis na siya na hindi man lamang nakapag-almusal.
"Aalis na ako," ika niyang nilagpasan ako at kinuha ang susi niya sa lagayan. Pinanood ko na lamang siyang umalis. Nang bigla siyang tumigil at magsalita. "Huwag kang magpa-gabi."
Tumango ako kahit hindi naman na niya hinintay na sumagot ako. Sumilay ang tipid na ngiti sa aking labi.
Pagkatapos kong malinisan ang bahay. Nagsimula na akong mag-deliver ng mga order sa akin. Ilan lamang ang mga iyon kaya madali lang akong natapos. Pagkatapos ay pupunta ako sa hospital para dalawin si Aiden.
BINABASA MO ANG
My Wife Is My Father's Mistress (R-18)
Fiction généraleSi Elyssa, nagmahal at nasaktan sa maling tao. Sa muling pagbubukas ba ng kanyang puso, maling tao na naman kaya ang iibigin niya? Si Alyjah, nasaktan sa kinahinatnan ng kanyang ina. Poot at galit ang itinanim niya sa kanyang puso. Mababago kaya ito...