Chapter 30

482 23 22
                                    

Babaeng Nakamaskara

Malungkot kong pinagmamasdan ang isang lapida habang hinahaplos iyon. Katatapos ko lamang magtirik ng kandila para sa kanila, isang dapit hapon bago pumasok sa Club.

Dumausdos ang luha sa aking mga mata. Lalo na nang muling mabasa ang pangalang naroon sa lapida.

"Hanggang sa huling buhay mo, hindi ko man lamang nabigyang ng hustisiya ang pagkawala ng pinakamamahal mo. Patawad, pero kahit wala ka na, itutuloy kong hanapin at pagbayarin ang gumawa ng kasalanan sa kanya."

Muli kong pinalandas ang aking daliri sa mga letrang naroon. Isang linggo na ang nakararaan at ngayon lang ako muling nakadalaw.

"Dito lamang pala kita makikita," saad ng baritonong boses. Mabibigat ang mga yabag niya papalapit sa kinaroroonan ko.

Bumaling ako sa nagsalita habang niyayakap ang sarili dahil sa lamig ng hangin na dumadampi sa aking balat. Ngayon ay nasa tabi ko na siya. Nagtirik rin siya ng kandila at naglagay ng pumpom ng bulaklak.

"Alam kong sinusundan mo ako. Kaya kahit hindi ko sabihin, alam mo kung nasaan ako," ika kong hindi na siya muling tinignan. Nakatuon ang tingin ko sa lapida.

"We need to change plan."

Kunot noo akong muling bumaling sa kanya. Ngayon ay nakatingin na rin siya at binabasa ang reaksiyon ko.

"Hindi mo ba ako susumbatan?" tanong ko. Alam kong halos patayin na niya ako sa mura dahil sa bobo kong mga desisyon.

"Sumbatan man kita, nariyan na. Wala na akong magagawa pa. Nakaalis na rin si Mr.Villota para magtago."

Napabuntong hininga ako. Isa pa ang matandang iyon na dumagdag sa maling desisyon ko. Nakatunog kaya umalis ng bansa.

"Anong ginawa mo kay Bev?" hindi ko mapigilang tanong. Isang dahilan kasi si Bev kaya nakatunog si Mr. Villota. Naglalakad na kami patungo sa kanyang sasakyan.

"Like I said, I get rid of her already. Masyado na siyang sagabal sa plano. Lalo na ngayon na tama ang hinala kong may mas malalim pang kinalaman si Mr. Villota sa nangyari."

"May lead ka na?" Hinarap ko siya at nagliwanag ang mukha ko. Natuwa ako na para bang may malaking lead siyang alam.

Ngunit hindi niya ako sinagot at nagpatuloy lamang siya sa paglalakad. Hinabol ko siya at hinigit paharap sa akin. "Tell me!" Halos isigaw ko iyon sa kanya. Nagdilim ang mukha niya at umiling.

"Just stay where you are. Ako na ang bahala. Ayaw kitang mapahamak. Ayaw ko rin na masira mo ang planong meron ako!" matigas niyang saad.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Halos ibaon ko ang aking mga kuko sa balat niya at hindi makapaniwalang nakatitig lamang sa kanya. Dismayado. Alam kong gusto niya akong protektahan, pero sa gusto kong malaman ang alam niya.

"Kailangan kong malaman. Kung ayaw mong sabihin, gagawa ako ng paraan para alamin iyon..."

"I said stay out of it!" asik niya. "Ako ang bahala. Makakamit natin ang hustisiya sa paraang gusto natin. Magdudusa siya sa ginawa niya!" Singhal niya sa akin kaya napipi ako. Unang beses niya akong taasan ng boses at talagang galit na galit. Maliban sa akin, siya ang may pinakagusto na makapaghiganti. "Maghintay ka lamang. Malalaman mo rin."

Hinila niya ang kamay niyang hawak ko at muling naglakad. Muli, hinabol ko siya.

"Alam mong hindi ko kayang maghintay lamang. Na walang ginagawa..."

Humarap siya sa akin at siya naman ang humawak sa braso ko. Kinilabutan ako nang ngumisi siya.

"There is..." Napalunok ako dahil sa kinang ng kanyang mga mata. "As the masked girl, makipaglapit ka sa masugid mong tagahanga." Nagsalubong ang kilay ko. "Lapitan mo si Alyjah De Silva!"

My Wife Is My Father's Mistress (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon