Elyssa (Trigger Warning)
Tulala akong nakatingin sa kawalan, halos wala akong tulog ng dalawang araw, hinihintay ang pag-uwi ni Ali.
Hindi ko mapigilang muling maluha. Muli kong niyakap ang sarili para pagaanin ang aking loob. Tanging sarili ko na lamang ang kakampi ko sa oras na ito.
Ngunit kahit anong gawin ko'y naroon pa rin ang takot na baka nga iniwanan na ako nang tuluyan ni Ali.
Bumulalas ang malakas na hagulgol sa aking bibig. Sobrang bigat at sikip na ng aking dibdib.
"Bakit Mo ba ako pinaparusahan ng ganito? Akala Mo ba kaya ko pa?" Hindi ko mapigilang tanungin ang Diyos sa nangyayari sa akin. Walang dinulot ang buhay sa akin kundi pasakit at hirap. Ang mga taong gustong mahalin ako ay unti-unting nawala. Unti-unti nila akong iniwan.
Hindi ko na kaya ang sakit. Hindi ko kaya, kaya mas gugustuhin ko nang tapusin ang lahat. Mas gugustuhin kong putulin na ang paghihirap na meron ako.
Nanghihina ang mga paa kong tinungo ang kuwartong hanggang ngayon ay para pa ring nabagyo. Wala akong lakas para ayusin ang mga nagkalat doon, lalong wala akong lakas para magpatuloy pa sa buhay.
Binuksan ko ang drawer sa side table at kinuha roon ang bote ng sleeping pills. Matagal na akong meron noon dahil nahihirapan akong makatulog lagi sa gabi. Ngayon, gusto kong matulog na ng tuloy-tuloy, iyong hindi na magigising pa at tuluyang mamanhid sa sakit.
Nanginginig ang kamay kong ibinuhos doon ang mga tabletas, pati noong isubo ko iyon at lunukin. Lumuluhang nahiga ako sa kama at hinintay na dumilim ang mundo ko.
Sumagi sa isip ko si Anassa at ang kanyang pagpapakamatay.
"Ganito ba ang nararamdaman mo kaya nagawa mo iyon, Anassa? Masakit nga talaga at mahirap," ika ng isip ko habang ginugupo na ng kadiliman. Mabining ngiti ang namutawi sa labi ko dahil alam kong makakatakas na ako sa lahat ng problema at sakit. Magpapalamon na ako ng tuluyan sa kadiliman.
"Elyssa!"
Mariin ko pang ipinikit ang mga mata ko nang may marinig akong boses na tumatawag sa pangalan ko.
"Elyssa."
Nagdedeliryo yata ako dahil parang may yumuyugyog sa aking balikat.
"Damn it!"
Tila ako nasa alapaap, para akong lumilipad dahil nararamdaman ko ang pagdampi ng hangin sa aking balat. Ganito ba ang mamatay?
"Salamat, makakapagpahinga na rin ako sa wakas," mahinang bulong ko bago panawan ng ulirat.
"Anak," tawag sa akin ni Papa. Napakaguwapo niya sa suot niyang puting barong. Ewan ko kung nasaan kami pero maliwanag at puti ang paligid. "Halika," yaya niya at tinapik ang espasyo sa kanyang inuupuan.
Magiliw akong nangiti at umupo saka siya niyakap. Hinayaan ang sarili kong humagulgol sa balikat niya.
"Tay, na-miss kita," ika kong hindi napigilang higpitan ang yakap . Sa lahat ng gusto kong makita at maka-usap. Iyon ay si Tatay.
"Masaya ka ba anak?" tanong ni Papa ngunit kababanaagan ko ng lungkot ang kanyang tinig. Lumayo ako at kunot noong tiningnan siya.
Nag-iwas ako ng tingin nang parang binabasa niya ang nasa mga mata ko. Kilalang kilala ako ni Papa para hindi malaman ang nasa kalooban ko.
"Kung makakasama rin lang naman kita. Masaya na ako, Pa," sagot kong alam kong hindi niya paniniwalaan.
"Ako ba talaga ang dahilan kung bakit masaya ka?" muli niyang tanong. Napakagat tuloy ako sa aking labi at pinaglaro-laro ang mga daliri. "Ipaglaban mo ang dahilan ng kasiyahan mo anak, kung ikakamatay mo rin lang, bakit hindi mo ipaglaban hanggang kamatayan."
Sa sinabi ni Papa doon na ako bumulalas ng iyak, para akong batang ngumawa. Doon ko na ibinuhos ang sakit na nararamdaman. Patay na ako pero bakit masakit na masakit pa rin.
"May dahilan ang lahat anak. Kung titigil ka at susuko, paano mo masasabing nagwagi ka at naipaglaban mo ang dapat na sa iyo."
Hilam ng luhang tiningala ko si Papa. Lumapat ang palad niya sa mukha ko at pinunasan ang luhang naroon. Napapikit ako dahil napakainit ng kanyang palad.
"Gumising ka na anak at hanapin mo ang kaligayang nararapat para sa iyo," saad niyang nawala na parang bula bigla.
Nagpalinga-linga ako ngunit hindi ko na siya makita.
"Tay," tawag ko ngunit wala talaga siya. Tumakbo pa ako para hanapin siya pero parangg nagpaikot-ikot lamang naman ako at hindi siya makita.
"Tay!"
Napahawak ako sa aking tiyan nang bumalikwas ako ng bangon. Nakaramdam ako ng sakit sa aking sugat. Nakaramdam ako ng pagod sa aking katawan. Naramdaman ko rin ang mainit na likidong dumadaloy sa aking pisngi.
Tinakip ko ang aking mga palad a mukha nang mapagtanto kong buhay pa ako at nasa hospital lamang. Ang amoy ng gamot at amoy-hospital ang nanuot sa aking ilong.
Nanatili akong nakaupo at pinakiramdaman ang aking sarili. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako tulog, ang alam ko lang, pagod pa rin ang aking pakiramdam dala ng problema.
Maingat akong bumaba. Nais kong umalis. Hindi ko gustong manatili sa lugar kung saan maraming alaalang masakit.
Nasa pinto na ako nang maulinigan ko ang dalawang boses sa labas. Bahagya kasing nakabukas ang pinto kaya rinig ko ang usapan nila.
"Just give it to her!" ika ng boses, hindi ako nagkakamali, si Ali iyon.
"Bakit mo ito ginagawa, Ali?" Parang pagod na pagod ang boses ng lalaking kausap niya. "Nakita mo naman kung anong kalagayan niya, Ali!"
"Heron!" tawag ni Ali sa kausap. Maging siya ay halatang pagod ang tono ng boses. "Hindi ba't sabi mo, kalimutan ko ang paghihiganti ko. Kung hindi ko gagawin ito, kung hindi ko siya pakakawalan ngayon, baka hindi ko na siya kayang bitiwan at magkasakitan lang kami lalo."
Napatutop ako sa aking bibig at sumandal sa pinto nang mahagip ng mga mata ko sa pagsilip ang papel na binigay niya kay Heron. May hinuha na ako kung ano iyon. Ang papel na puputol sa aming ugnayan ng tuluyan.
Napapailing akong napadausdos habang impit na umiiyak. Tutop pa rin ang aking bibig para hindi kumawala ang hagulgol. Ngunit hindi ko kaya, kumawala ang malakas na hikbi sa bibig ko. Sobrang bigat ng nararamdaman ko.
Napasapo ako sa aking dibdib dahil sa paninikip nito. Parang may pumipiga sa puso ko para pigilan akong huminga. Masakit! Masakit na masakit ang nararamdaman ko.
"Ely?"
Nagpatuloy akong umiiyak habang nakasalampak sa sahig nang pumasok si Heron at lapitan ako. Umupo siya at nakaluhod ang isang tuhod sa sahig para daluhan ako.
"Ely..." nag-aalala niyang tawag sa akin at pilit akong itinatayo.
Napakapit ako sa kanya dahil talagang tinakasan na ako ng lakas. Nang bigla akong umangat sa ere. Paglingon ko, nakita ko ang mukha ni Ali. Sinalubong ko ang malamlam niyang mga mata habang nagpatuloy ako sa pagluha. Iniyakap ko ang aking kamay sa batok niya habang naglalakad siya patungo sa kama ng hospital.
Binaba niya ako pero nanatili akong nakayakap at ayaw siyang pakawalan.
Rinig na rinig ko ang buntong hininga niya saka bumulong."Please, take care of your self. Hindi na kita gagambalain pa," bulong niya pagkatapos ay pinilit kumawala sa pagkakayakap ko sa batok niya.
Mabilis siyang umalis at nawala sa paningin ko. Gusto ko man siyang tawagin, gusto ko man siyang takbuhin at pigilan, tila naman wala na akong lakas.
Iiwanan na ako ng tuluyan ni Ali.
BINABASA MO ANG
My Wife Is My Father's Mistress (R-18)
Ficción GeneralSi Elyssa, nagmahal at nasaktan sa maling tao. Sa muling pagbubukas ba ng kanyang puso, maling tao na naman kaya ang iibigin niya? Si Alyjah, nasaktan sa kinahinatnan ng kanyang ina. Poot at galit ang itinanim niya sa kanyang puso. Mababago kaya ito...