Elyssa
Proprotektahan kita, Ely, pangako
Magiging masaya ka sa piling ko.
I like you, I really like you Elyssa
Tumulo ang luha ko habang sumasagi sa isip ko ang mga katagang iyon mula kay Ali. Ayaw ko na sanang magising pa pero alam kong buhay pa ako dahil nararamdaman ko ang mainit na palad na nakahawak sa kamay ko.
Nararamdaman ko pa ang mainit na pagdaloy ng luha ko sa aking pisngi. Nararamdaman ko ang kirot sa sugat na dala ng pagkakasaksak ng kutsilyo sa akin. Pero mas masakit ang puso kong ngayon ay pira-piraso ulit dahil sa pinakitang pagkasuklam ni Ali sa akin.
Ayaw ko nang gumising at bumangon. Ayaw ko siyang makaharap dahil alam kong hindi ko kakayaning harapin ang galit at poot niya. Nilamon na siya ng galit, hindi na niya siguro ako kayang patawarin at mahalin.
Impit akong napahikbi, dahilan ng paggalaw ng taong nasa gilid ng kama ko.
"Elyssa..."
Lalo kong idiniin ang pagkakapikit ng mata ko nang magpagsino ang taong iyon sa tabi ko. Si Lauro.
"Are you feeling okay? Kailangan ko bang tumawag ng doktor?" natataranta niyang tanong sa mababang boses. Marahas akong umiling kahit nakapikit pa.
Hinaplos niya ang aking pisngi para pahirin ang luhang naroon. Ramdam ko rin ang panginginig ng kanyang mga daliri habang humahaplos iyon sa aking pisngi.
"I'm sorry hindi kita naprotektahan!" anas niyang ginagap ang kamay ko at dalhin ito sa kanyang labi at halikan. Ramdam ko ang hininga niya sa aking kamay. "Hindi kita naprotektahan," gumaralgal ang boses niya at alam kong nagpipigil siyang maiyak.
Pilit kong pinipigilan ang pagkawala ng hikbi sa aking bibig pero hindi ko kaya. Mabigat! Sobrang bigat ng dibdib ko, parang may nakadagan na kilo-kilong bato.
Gusto kong magalit, gusto kong sumigaw, gusto kong ipagtulakan palayo si Lauro. Gusto kong ibuhos sa kanya lahat ng sakit na dinanas ko. Nagsimula sa kanya ang lahat! Nagsimula ang kalbaryo ko nang dahil sa kanya!
Bakit pinaglalaruan ako ng tadhana? Bakit iisang lalaki ang minahal namin ni Anassa na naging dahilan ng isang trahedya? Bakit ako ang labis na nagdurusa at pinaparusahan? Wala naman akong inagrabyado! Ang ninais ko lang naman ay mahalin ng taong mahal ko.
Nagmahal lang ako, ninais ko lang na sumaya sa piling ni Lauro, hindi pa ba sapat na nasaktan ako? Bakit si Lauro pa ang minahal ni Anassa? Sinadya niya ba ang lahat? Alam niyang mahal ko si Lauro, siya ang unang nakaalam ng ugnayan namin, siya rin ang nagbalitang pamilyado na si Lauro. Ipinaalam niya ba sa akin ang lahat ng iyon dahil gusto niyang layuan ko si Lauro? Dahil gusto niyang mapalapit dito?
Bakit nagawa sa akin ni Anassa iyon? Bakit sa lahat ng taong minahal ko? Pananakit ang napala ko.
"Believe me, Elyssa, hindi ko alam ang ugnayan ninyo ni Anassa. Nagpakilala siyang kaibigan mo..."
Hindi ko na siya kayang pakinggan pa kaya hirap man dahil sa sugat ay hinila ko ang kamay kong hawak niya na nababasa na ng kanyang luha saka siya tinalikuran.
Kilala ko si Anassa, gaya ng ina ko, isa rin siyang tuso. Kung anong ginusto, nagagawan niya ng paraan para makuha ito. Alam kong isa na si Lauro doon.
"Mahal kita, Elyssa, kaya nga nagawa kong umiwas sa iyo dahil ayokong lalo kang masaktan dahil sa pagbabanta niya. Ayokong maging miserable ang buhay mo..."
"Kahit ayaw mo ay naging miserable ako, Lauro. Kahit ayaw mo ay pinarusahan ako, naghirap ang kalooban ko. Walang nagawa ang ginawa mong pag-iwan sa akin. Walang nagawa iyon dahil patuloy akong inuusig ng kunsensiya ko sa lahat ng nangyari. Hindi naging masaya ang buhay ko dahil doon!" Hagulgol ko na halos hindi na makahinga. Naghalo na ang uhog at luha habang nanatiling nakatalikod sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Wife Is My Father's Mistress (R-18)
Ficción GeneralSi Elyssa, nagmahal at nasaktan sa maling tao. Sa muling pagbubukas ba ng kanyang puso, maling tao na naman kaya ang iibigin niya? Si Alyjah, nasaktan sa kinahinatnan ng kanyang ina. Poot at galit ang itinanim niya sa kanyang puso. Mababago kaya ito...