Chapter 69

454 27 25
                                    

Agad na dinaluhan si Ely pagdating namin sa klinika. Nagtaka pa ako dahil inuna siya bago ang ibang naroon at nakapila.

"Anong nangyari?" tanong ng nurse na sumalubong sa amin.

"Nahematay po," sagot ni April nang hindi ako makapagsalita.

"Okay, pakitawagan si doktor Jimenez. Pakisabi, nandito ang girlfriend niya."

Tila bumagal ang paligid ko sa narinig. Girlfriend? Nino? Tama ba ako ng rinig?

"Sir, dito na lamang po kayo. Kami na ang bahala kay Miss Elyssa." Pigil sa akin ng nurse. Magsasalita sana ako at ipakilala ang sarili ko bilang a-sa-wa ni Ely ngunit agad niya akong tinalikuran.

Naiwan na lamang akong napatulala roon at nakatitig sa pinto kung saan dinala si Ely. May napansin pa akong nagmamadaling pumasok na babaeng naka-gown ng pang doktor.

Nanghihina akong napaupo sa mga bangko sa labas at nanatiling naghihintay ng resulta. Napapaisip pa rin kung sino ang doktor Jimenez at bakit girlfriend niya si Ely? Wala naman sa report na binigay ni Heron na may lalaking umaaligid sa asawa ko.

"Ser?"

Napatingala ako kay April na naroon pa pala. Nakalimutan ko na kasama ko pala siya.

"Salamat, April. Maari ka nang umuwi. Ako na ang bahala sa kaibigan mo."

Tumango siya sa akin at tinalikuran ako para umalis. Pinagala ko ang aking tingin sa loob. Hindi ko masasabing klinika lamang iyon. Parang mas masasabing maliit na hospital dahil parang kompleto ang mga gamit. May iilang silid din akong napansin.

Napatayo ako nang lumabas ang nurse sa kuwartong pinagdalhan kay Ely. Sa likod niya ay ang doktora kanina na umalis rin naman agad. Nagtatakang nilapitan ako ng nurse.

"Nandito pa kayo, Sir? Okay na po si Miss Elyssa. Puwede na po kayong umalis, natawagan na po namin si Doc at nasabi ang kalagayan niya," tuloy-tuloy na saad ng nurse at hindi man lamang ako bingyan ng pagkakataonng ipakilala ang sarili.

Pinigilan ko ang aking sariling mainis. Alam kong kasusulpot ko lang ulit sa buhay ni Elyssa kaya sige, pipigilan ko ang sarili kong huwag magselos kung sino man ang sinasabi nilang doktor na iyon.

"Puwede ko ba siyang makita?" tanong kong labis na ipinagtaka ng nurse. Kinunutan pa ako ng noo.

"Po? Bilin kasi ni Doc na hayaang magpahinga si Miss Elyssa. Baka po kasi..."

"Alam kong importante ang sinabi ng doktor, pero may mas i-importante pa ba sa asawang nag-aalala sa kanyang mahal na kabiyak?" nairita ko nang saad na ikinagulat nang husto ng nurse. Ayaw pa akong paniwalaan. "Paniwalaan mo man o hindi, legal niya akong asawa. Kung gusto mo ng katibayan..."

"Ah, hindi na po, Sir," nahihiya niyang saad na 'di ko alam kung nangingiti o natatakot.

Bumuga ako ng hangin bago muling nagtanong.

"Kumusta ang asawa ko?"

"Okay naman po si Miss Elyssa. Kailangan niya lang po talaga ng sapat na pahinga. Aalis na po ako," ika niyang mabilis na umalis sa harapan ko.

Napabuntong hininga akong dahan-dahan na pinihit ang saraduhan at maingat na pumasok sa loob ng kuwarto. Pinagmasdan ko si Ely na payapang natutulog. Nakahinga ako nang maluwag dahil walang masamang nangyari sa kanila ng anak namin.

Naupo ako sa upuang nasa gilid ng kama ni Ely at ginagap ang kamay niya. Pinagmasdan ko siyang mabuti.

Nasa ganoong akong posisyon nang bigla siyang gumalaw at magmulat ng mata.

My Wife Is My Father's Mistress (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon