Isang surpresa ang inihanda ko pagdating nila. Prente akong nakaupo sa sala habang ang nakaempakeng gamit ni Ely ay nasa gilid at naghihintay na lamang sa kanila.
Gulat na gulat silang lahat nang makita ako. Nakangiti pa akong pinasadahan sila ng tingin. Si Ely ay napayukong hindi masalubong ang tingin ko. Si Papa ay nagdilim ang mukha at hindi nagustuhan ang prsensiya ko. Si Kuya Juancho at Nanay Minda ay gulat na gulat na naroon ako. Nagawi rin ang tingin ko kay Ashley na halatang namayat habang hawak sa kamay ni Nanay Minda.
Ilang araw din kasi akong hindi nagpakita. Ngayon lang talaga nang malaman kong makakauwi na mula sa hospital si Ely.
"Anong ibig sabihin nito?"
Pilit pinapakalma ni Papa ang kanyang tono pero alam kong nagpupuyos na siya sa galit. Lalo na nang makita ang nakahandang mga maleta.
Imbes na sagutin siya, nilapitan ko muna si Ely. Napaatras pa siya nang matapat ako sa kanya at napatingala sa akin. Kinuha ko iyong pagkakataon para halikan siya sa labi.
Mabalis na halik ang iginawad ko sa kanya saka ko siya binulungan.
"Welcome to hell, wife!"
Nakangiti kong tinitigan ang namutla niyang mukha. Pagkatapos ay sinulyapan si Papa na hawak ni Kuya Juancho sa braso para pigilan sa anumang balak na pagsugod sa akin.
Muli akong naglakad, palapit na man kay Ashley. Bumaba ako at pinatayan siya upang kausapin.
"Ash," malambing kong tawag sa kanya. Bigla ang pagliwanag ng kanyang mukha at bumitiw sa pagkakahawak ni Nanay Minda. Ang kamay niya ay humaplos sa aking mukha. Hinayaan ko siyang gawin iyon habang malamlam ang mga mata kong nakatitig sa maamong mukha ng bata. Gusto ko man magalit sa kanya, hindi ko naman kayang gawin.
"Kuya!" Bigla niya akong niyakap. "Na-miss po kita. Bakit hindi mo na ako dinalaw sa hospital?" tanong niyang may tampo sa tono.
"Busy si kuya, Ash," sagot kong ginulo ang kanyang buhok. "Listen, Ash, dahil busy na si Kuya, kailangan naming bumukod ng..." lumingon ako sa kanila. Hindi ko madugtungan dahil hindi ko alam kung naipaalam na ba nila sa bata ang ugnayan nilang tatlo.
"Aalis po kayo ni Ate? Iiwan niyo po ako?" malungkot at gumaralgal ang boses ni Ashley nang tanungin ako.
Nag-alala naman ang mga taong nasa paligid namin. Lalo na si Ely na hindi makapaniwala ang tingin.
"Listen, dito ka muna kasi maaalagan ka ni Nanay Minda..."
"What are you talking about, Ali?" sigaw ni Papa na lalong ikinatakot ni Ashley. Napayakap ito sa akin at naiyak.
Dinaluhan siya agad ni Nanay Minda.
"Nay, pakidala muna si Ashley sa kuwarto. May pag-uusapan kaming tatlo," saad kong may diin.
Naintindihan ni Nanay Minda kaya agad na tumalima para ilayo ang bata. Sumunod sa kanya si Kuya Juancho na dala ang mga gamit nila. Naiwan kaming tatlo doon. Humakbang ako papunta sa sofa at naupo. Tiningala ko sila na nanatili lamang nakatayo.
"Akala ko ba mag-uusap tayong tatlo?" ika kong tinapik ang ang upuan para imbitahan silang umupo.
Nanatiling nakatitig sa akin si Ely. Alam kong hindi siya sang-ayon sa sinabi ko, ngunit wala siyang magagawa sa desisyon ko. Kung hindi siya sasama ay kakaladkarin ko siya paalis. May karapatan ako sa kanya.
"Hindi mo isasama si Elyssa! Mananatili siya sa poder ko!" sigaw ni Papa pasugod. Handa ako sa kanya. Ang hindi ko lang napaghandaan ay ang pagpigil ni Ely sa kanya at paghawak sa braso nito.
Putang-ina! Talagang lantaran na ang kanilang mga kilos!
Tumayo ako at nilagutok ko ang aking leeg habang matalim ang titig sa kamay ni Ely sa braso ng ama ko. Lumapit ako sa kanila.
Hinablot ko si Ely palayo kay Papa ngunit nahawakan niya rin ang isang kamay ni Ely. Napaismid ako habang hinihilang muli si Ely na nagpumiglas sa aming dalawa ni Papa. Binitiwan siya ni Papa pero hindi ko ginawa. Mas humigpit pa ang hawak ko sa kanya at muli siyang inilayo kay Papa.
"Anong karapatan mo para pigilan ang desisyon ko? Nakakalimutan mo na ba kung anong relasyon nating dalawa sa kanya!" wika kong hinila pa palapit si Ely sa tabi ko. Pilit siyang kumakawala pero hindi ko kailanman hahayaan iyon.
"Ina siya ni Ashley! Kailangan ng bata ang kanyang ina!" asik ni Papa na ikinatawa ko.
"Really? Gagamitin mo ang bata para sa ikaliligaya ninyong dalawa?" singhal kong hinila si Ely papunta sa mga gamit namin. "Ely is my wife now, Pa!" Nginisian ko siya. "And remember, ikaw na ang kabit ngayon! Ang pangit naman tignan na magsasama kayo sa iisang bubong!" sarkastiko kong saad na ikinadilim lalo ng mukha niya
"Ali..." Lumingon ako kay Ely nang siya naman ang humawak sa braso ko. "Hindi sanay si Ashley..."
"Nagawa mong ipagkatiwala ang anak mo sa Tatay mo noon kahit ganoon ang kalagayan niya para magtrabaho. Bakit hindi mo ipagkatiwala naman sa ama niyang kaya naman siyang alagaan at ibigay lahat ng pangangailangan niya!"
"Ali!" Dumagundong ang boses ni Papa bilang protesta.
Lalo akong napangisi dahil sa nakikitang galit at itsura niyang nabibigo.
"Like I said, Ely is my wife. Mas malaki ang karapatan ko bilang legal na asawa kesa sa iyo na kabit niya!"
Pagkasabi noon ay bigla na lamang akong sinuntok ni Papa. Sapol ang kaliwang panga ko na.siyang ikinabuwal ko. Nasagi ko pa ang maliit na vase sa mesa kaya tumilapon iyon at nabasag.
Kasabay ng pagkabasag ng vase ay ang tili ni Ely. Nang balingan ko siya ay nasa gitna na niya kami ni Papa para pigilan kaming dalawa.
"Tama na!" sigaw niya sa amin. Nagpalipat-lipat ang tingin sa akin at kay Papa.
Tumagal ang tingin niya sa akin at matapang ang mga mata niyang nakatitig.
"Ito ba ang gusto mo, Ali? Ito ba ang paraan na gusto mo para pagbayatin kami sa kasalanan namin? Hindi mo ba kami bibigyan ng pagkakataon para magsisi, makahingi ng tawad at mapatawad mo ng tuluyan?" Iniiwas ko ang tingin ko sa kanyang tanong. "Kung ito lang ang paraang gusto mo, sasama ako sa iyo. Nakikiusap lamang ako na huwag mong idamay si Ashley dito, walang kasalanan ang bata!"
Matalim ang mga mata kong ibinaling sa kanya. Napaismid akong napaupong muli sa sofa.
"Don't worry, wife. Hindi ko kakantiin ni isang daliri ng inyong anak. Maparusahan ka lang at ng magaling kong ama, ayos na sa akin!" walang emosyong saad ko.
Nakita ko kung paano gustong lapitan ni Papa si Ely at ang pagprotesta nito.
"Tama si Ali, Lauro, mas makabubuti kung hindi tayo sa iisang lugar," ika ni Ely at humakbang palayo sa amin. "Kakausapin ko si Ashley, sa iyo siya ng weekdays, sa amin siya ng weekend," sabi niyang tuluyang tumalikod pero hindi niya naitago sa akin ang pagpahid ng luha niya bago tuluyang pumanhik para puntahan si Ashley.
Nakuyom ko ang aking kamao. Dapat ay masaya ako, pero bakit pakiramdam ko, ako pa rin ang talo.
"Kung sasaktan mo si Ely, hindi ako magdadalawang isip na kunin siya at ilayo sa iyo!" galit na banta ni Papa saka nagmamadaling sundan si Ely sa taas.
Napatawa akong muli sa sarili.
Tignan natin, Pa, tignan natin!
BINABASA MO ANG
My Wife Is My Father's Mistress (R-18)
Narrativa generaleSi Elyssa, nagmahal at nasaktan sa maling tao. Sa muling pagbubukas ba ng kanyang puso, maling tao na naman kaya ang iibigin niya? Si Alyjah, nasaktan sa kinahinatnan ng kanyang ina. Poot at galit ang itinanim niya sa kanyang puso. Mababago kaya ito...