Chapter 66

368 26 14
                                    

Alyjah

"Ely!"

Bumalikwas ako ng bangon. Pawis na pawis na naman ako kahit pa malamig naman sa kuwarto dahil may aircon.

Umusod ako at nilapat ang likod sa headboard. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at inalala ang aking panaginip.

Iyon na naman. Hinahabol kong muli si Ely habang mabilis na papalayo sa akin. Masaya siyang lumalayo habang ako naman ay tila nakagapos at hindi siya maabot kahit anong pilit kong abutin siya.

Napahagulgol ako sa aking kamay. Dala siguro ito ng galit ko sa kanilang dalawa na ngayon ay masaya nang nasa ibang bansa. Masaya na silang nagsasama ngayon ni Papa, ni hindi ko gustong makibalita dahil alam kong masasaktan ako.

Pero inaamin ko sa sarili kong hindi lamang galit itong nasa dibdib ko. Alam kong nagsisisi ako dahil hinayaan ko na lamang sila. Ipinaubaya ko ang babaeng mahal ko.

Na-mi-miss ko si Ely. Na-mi-miss ko ang presensiya niya sa buhay ko. Ang positibong hatak niya sa pagkatao ko. Ngayon kasi, tila nawawala ako. Hindi ko mahanap ang aking sariling kaligayahan.

Pinahid ko ang aking luha sa pisngi at mapait na napangiti. Katulad ng dati, nagising na naman ako sa ganoong oras; alas tres ng madaling araw.

Bumaba ako sa kusina para uminom ng tubig. Halos ubusin ko ang laman ng pitsel at doon na rin uminom dahil sa biglang uhaw na naramdaman ko. I still can't forget Ely. Habang tumatagal ay lalo akong nangungulila sa kanya.

Dahil gising na ako, minabuti ko na lamang mag-ehersisiyo. Hubad-baro ako habang nagpu-push-up. Pagkatapos ng isang daang bilang ay sa treadmill naman ako at doon nagpapawis.

Halos dalawang oras rin ako nagehersisiyo, nang matapos ay agad akong nagtungo sa hospital para dalawin si Aiden.

"Bro!" masaya niyang bati sa akin. Nakaupo siya sa kanyang wheelchair at kababalik lang yata nila ni doktora Rochelle sa umagang pagpapahangin sa labas.

Lumapit ako kay Aiden at niyakap siya. Pagkatapos ay bumaling ako kay Rochelle na may kakaibang ngisi sa labi. Halata ko kung among damdamin meron ang doktora sa kaibigan ko.

"Stop it!" sabi niyang pinandilatan ako ng mata. Napatawa lamang si Aiden at ginagap ang kamay ni Rochelle na bigla namula ang mukha.

"Umagang-umaga naglalandian ang dalawa!" puna ni Heron na biglang pumasok na wala.man lang katok na ginawa.

Tuloy ay nahiya si Rochelle at nagpaalam na mag-ra-rounds muna sa mga pasyente niya.

"Ang aga mo ah, Ali," baling sa aking ni Heron nang kami na lamang na tatlo.

Nakaupo kaming tatlo kaharap ang maliit na lamesa. May dalang pagkain si Heron na nilapag doon kasama ang isang envelope na hindi ko na rin naman pinagtuunan ng pansin.

"Bangungot na naman ba?" tanong ni Aiden na malungkot na nakatingin sa akin. "It's my fault!" Muli niyang sisi sa kanyang sarili.

Inilingan ko siya. Wala namang may kasalanan ng lahat kundi ako. Yes, I admitted that it was my fault kaya nawala sa akin si Ely.

"Masaya na siguro siya. Masaya na sila ni Papa. Bumubuo na sila ng kanilang sariling pamilya."

Sabay na bumuntong hininga ang dalawa kong kaibigan at nagkatinginan. Tila may laman ang kanilang mga tingin.

"Do you think, magagawa talagang sumama ni Ely sa ama mo?" tanong nami ni Aiden bago sumimsim sa kanyang kape. "I've known Ely for the last six years." Malungkot na dagdag niya bago ibaba ang kanyang tasa.

My Wife Is My Father's Mistress (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon