Alyjah
Isang maliit na apartment ang inupahan ko, hindi dahil sa hindi ko kaya ang umupa o bumili ng condo. Gusto ko lamang talagang pahirapan si Ely. Gusto siyang ibalik sa putik na pinanggalingan niya bago niya naisipang makiapid kay Papa para umangat.
Akala niya siguro, magiging buhay reyna na siya sa piling ng aking ama. Gagawin ko siyang alila, pagsisilbihan niya ako hanggang sa sumuko siya at magmakaawa.
Ngunit sa ilang araw namin doon hindi ko siya nahimigan ng anumang pagrereklamo. Hindi ko rin siya nakitaang nagsisising sumama siya sa akin kahit pa nga pagbawalan ko siyang magtrabaho at umalis ng bahay. Siya ang ginawa kong katulong, habang ako naman ay nagbuhay-hari.
Alam kong sanay siya sa ganito, pero hindi ba't kaya niya nilapitan ang ama ko para maging kabit ay dahil sa magandang buhay na maibibigay ni Papa.
"Aalis ka na naman ba?" tanong niyang nakapagpairita sa akin. Sa limang araw namin sa bahay, gabi-gabi akong umaalis at umuuwi ng madaling araw na lasing.
"Bakit? Para ka na naman bang asong maghihintay sa amo?" singhal ko at tinalikuran siya. Sa bawat uwi ko, nasa maliit siyang sala naghihintay roon at hindi pa natutulog.
Didiretso ako sa kama samantalang siya ay maglalatag ng banig sa sahig para matulog na rin. Dumadating ako ng madaling araw, pero gigising pa rin siya ng maaga para makapagluto at makapaglinis.
Tinitiis niya ang lahat ng pagpapahirap ko, pero bakit hindi ako masaya? Bakit parang ako pa ang nakakagawa ng malaking kasalanan sa kanya.
"Ali, hindi ba't may meeting ka ngayon?" Pilit niya akong ginigising ngayon umaga.
Nainis ako sa pagyugyog niya sa akin kaya naman natabig ko siya. Napalakas yata iyon dahil narinig ko siyang napaigik. Nang magmulat ako ay sapo na niya ang tiyan kung saan siya may sugat. Halata rin sa kanyang mukha na may dinadamdam na sakit.
Bumalikwas ako ng bangon at padabog na bumaba sa kama. Sinulyapan siya.
"Huwag ka nga magdrama diyan!" asik kong agad na tinungo ang banyo para makaligo.
Kuyom ang kamao ko habang nagbabad sa shower. Imposibleng hindi pa naghilom ang sugat niya, halos lagpas na isang linggo simula noong nasaksak siya.
Pumikit ako at itinukod ang palad habang patuloy kong pinaparagasa ang tubig sa aking katawan.
"Shit!" bulalas ko nang sa pagkakapikit ay makita ko ang itsura ni Ely na may iniindang sakit. "No! Drama lamang niya iyon para maawa ako!" Kontra ko sa sarili. Hindi siya dapat kaawaan.
Tinapos ko ang pagligo, nang abutin ko ang tuwalya para magpunas, hindi ko iyon mahagilap. Wala sa lagayan niya.
"Ely!"sigaw ko, pero walang babae na kumakaripas ng takbo sa pagtawag ko. "Ely," iritado ko nang sigaw.
Lumabas ako kahit basang-basa pa ang katawan at walang saplot. Buti na lamang at nakasara pa ang mga bintana namin kaya hindi ako makikita sa labas.
"Ely!" sigaw kong muli at pumasok sa kuwarto.
Napatda ako nang makita siya sa kama nakaupo at agad na nagbaba ng suot na t-shirt. Napalunok ako at napatikhim nang makasalubong ko ang mga mata niya. Pagkatapos ay nag-iwas ng tingin at namumula ang mukha.
"Kanina pa kita tinatawag ah!" Singhal ko.
"Ah, kasi...m-may inaayos ako," ika niyang may pinulot at itinago sa kanyang bulsa.
Muli akong napatitig sa kanya. Alam kong nagsisinungaling siya.
"Ali, puwede ko bang dalawin si Ashley?" tanong niyang tumayo na. Muntikan pang mabuwal.
BINABASA MO ANG
My Wife Is My Father's Mistress (R-18)
Ficción GeneralSi Elyssa, nagmahal at nasaktan sa maling tao. Sa muling pagbubukas ba ng kanyang puso, maling tao na naman kaya ang iibigin niya? Si Alyjah, nasaktan sa kinahinatnan ng kanyang ina. Poot at galit ang itinanim niya sa kanyang puso. Mababago kaya ito...