****
LANCE
Pinagmamasdan ko si Ms. Bartolome habang inaayos nito sa harap ng salamin ang damit na napili ko para suotin niya. Andidito kami sa isang shop sa Glorietta Mall at dito na siya nagbihis. I chose a formal and respectable attire. Black and white checkered coat, black button blouse and above knee white straight skirt.
I noticed na hindi man lamang ngumingiti ang aking kasama habang nakaharap sa salamin. Napapangiwi ito habang tinitingnan ang sarili mula ulo hanggang paa.
"Are you not happy with your clothes?"
Ngumiti ito pero halatang pilit. "Okay naman siya, maganda...mukha lang akong principal," sabi niya habang hinahagod ng kamay ang palda.
She whispered the last part of the sentence pero dinig ko pa rin. Napabuntong-hininga ako. I like the clothes, it's classy and sophisticated. Plus the fact na mahal ang presyo nito but I must admit that it doesn't look good on her. Siguro dahil sa magiliw niyang personalidad kaya medyo hindi nababagay ang mga pormal at executives look sa kanya.
Panay ikot niya sa salamin to a point that I could even feel her discomfort.
"Do you want to choose another style?"
Di ko rin siya natiis. As much as I want her to look formal pero parang maiirita lang ako kapag nasusulyapan ko siya na maya't mayang naasiwa sa suot habang nasa tabi ko.
Mabilis at sunud-sunod ang tango niya. "Pwede ho ba?"
I shrugged. "Yeah. Choose whatever you want. Kung saan ka komportable. But don't take too much time."
Her eyes beamed. "Actually may napili na ho ako!"
Mabilis itong lumapit sa isang rack at hinugot ang isang damit. Patakbo itong pumasok ng dressing room at nang lumabas ito'y suot na ang isang short sleeve A line floral dress na hanggang tuhod ang haba. She looks very young on that one. The dress is not suited to be worn by a secretary on duty. Para lang siyang mamasyal sa park. Pero kahit taliwas itong style sa panlasa ko, I can't dismiss the fact that she looks cute in it. Especially when she gives a sweet smile along with her innocent sparkling round eyes.
Napansin ko ang suot niyang sapatos. Naalala ko na baka ito ang dahilan kung bakit nagkaroon ito ng hindi magandang insidente sa elevator.
"Do you want to change your shoes? Baka masayang lang yang ipinalit nating damit kung sa bandang huli ay madadapa ka rin lang naman," I commented with a normal face.
"Pwede rin ho ba?" atubiling wika nito.
"Go ahead," tango ko.
Nagmamadali siyang lumapit sa area ng mga sapatos. Namimilog ang mga mata at nakangiting pumili siya ng wedge shoes. Sinukat niya ito at hindi sinasadyang napatingin ako sa mga paa niya. She has sexy feet. They are small, soft-skinned and got pinky toes.Tumingala siya sa akin at patay malisyang tumingin ako sa ibang direksiyon.
BINABASA MO ANG
She Loves Me More
Romance"Loving is not turning your woman into someone else because from the start you fall for who and what she really is." The story of Lance Oliver Perez new found love. A sequel to LOVE ME TOO.