****
KRISTINA
Okay lang kahit mag-iisang oras na akong naghihintay. Nag-eenjoy naman ako sa kasi-selfie. Balak kong pitsyuran ang sarili ko sa lahat ng sulok ng napakagandang opisinang ito.
Di pa rin ako makapaniwalang sa ganito kagandang opisina ako magtatrabaho. Ang lamig ng aircon. Ang linis-linis parang bawal mapasukan ng alikabok. Ang laki-laki. Modern na modern ang design parang yung mga nafi-feature sa mga magazines. Ang mga gamit halos lahat ay mga mamahalin. Ang mga working desks ay karamihang gawa sa makikintab na kahoy at salamin. Ang mga private offices naman ay hinahati lamang ng mga glass walls. Natatanaw ko na nga ang office ni Atty. Perez mula dito sa waiting area. Grabe ang ganda parang nakakaintimidate pumasok. Mataas ang grado ng aking salamin kaya kahit malayo'y nababasa ko ang pangalan ng labsey ko na nakakabit sa pintuan.
Di lang itong opisina ang maganda. Pati mga magiging officemates ko ay kagagandang tao at ang poporma manamit. Naririnig kong parang lahat ay mga englisero't englisera.
I secretly flipped my braided pig-tailed hair. Oh well, kung inglesan din lang kaya ko silang sabayan. Probinsiyana man ako pero lumaki akong sinanay ng mga parents ko na magsalita ng english. They are both teachers kaya kaming dalawang magkapatid ay trained sa bahay na gumamit ng language na to.
"Miss please turned off your camera's shutter. Nakakaistorbo ka," saway sa akin ng dumaang empleyado habang nagsi-selfie ako.
"Opo. Sorry ho," nahihiyang sabi ko. Pomormal ako ng upo at tinanggal ang sound ng camera ng aking cellphone. Tiningnan ko ang mga kuha ko sa gallery at palihim na ngumiti. I'm excited to upload them at i-tag ang kuya ko kaso may password ang wi-fi.
"Who is Ms. Bartolome?" tawag ng isang babae.
Masigla't nakangiting itinaas ko ang aking kanang kamay. "Ako po!"
"Follow me," sabi sa akin ng babae nang walang karea-reaksiyon ang mukha.
"Okay po."
Mabilis kong ipinasok sa aking bag ang cellphone at sumunod sa babae. Nadadaanan ko ang mga mesa ng mga empleyado pero wala ni isa mang tumitingin sa amin. Everybody is busy and seems to be oblivious in their sorroundings. Simula nang dumating ako, wala pa akong ni isa mang nakitang ngumiti sa akin kahit pa nginingitian ko. Ganito ba talaga dito parang bawal maging friendly?
"Go to Ms. Nadine Ferrer's table," itinuro sa akin ng babae ang isang mesa malapit sa opisina ni labsey.
"Sige ho. Salamat po."
Kinakabahang lumapit ako sa babae. Abala ito sa pagsusulat. Ilang segundo na akong nakatayo sa harap nito pero nakatutok pa rin ang atensiyon nito sa ginagawa. Tumikhim ako at noon lamang nito namalayan na may tao pala sa harap niya. Nag-angat ito ng mukha at nagtatakang tumingin sa akin mula ulo hanggang paa.
"Yes, Miss what can I do for you?"
"S-Sabi po nung babae, lapitan ko daw po kayo."
BINABASA MO ANG
She Loves Me More
Romance"Loving is not turning your woman into someone else because from the start you fall for who and what she really is." The story of Lance Oliver Perez new found love. A sequel to LOVE ME TOO.