Chapter 42

79.6K 2.4K 197
                                    


KRISTINA

"Wow Madam Dolor Perez you're future daughter-in-law is such a beauty!" komento ng baklang makeup artist na nag-aayos sa akin.

"Oo nga iha! Ang ganda-ganda mo naman pala kapag talagang naayusan ka!"ani Tita nang may namimilog na mga mata. 

I looked at her through the mirror. "T-Thank you po. Totoo pala yung sabi niyong magaling na makeup artist itong si Ayana. Muntik ko na hong di makilala ang sarili ko," pabirong pahayag ko.

"Of course she is! Paborito siyang makeup artist ng mga artista at models!"

Tinitigan kong maigi ang aking sarili sa salamin. Lihim akong napalunok, literal na hindi ko makilala ang sarili dahil sa di ko malamang pagkaka-contour na ginawa sa aking mukha. Mistula akong model sa magazine na naphotoshopped na. Makilala pa kaya ako ni Labsey nito? Maganda kung sa maganda kaso ito yung gandang matatakot ka nang maghilamos dahil sa laki ng agwat ng iginanda mo tiyak na madidismaya ang makakaita kapag nawalan ka na ng makeup.

"Gusto mo Kristina kunin kitang model? Naku pwedeng-pwede ka!" may kislap sa mga matang alok ni Ayana.

"No!No!No!No!" madiing tutol ni Tita nang may ilang ulit na pag-iling. "My son is a very private person and a jealous one too. Hindi siya matutuwang nakabandera sa publiko ang mamanugangin ko!"

"Ang ganda ho kasi nitong si Kristina, sayang naman kung di mae-expose sa madlang pipol but if attorney doesn't want to wala tayong magagawa," he shrugged." Pero alam niyo Madam sa gwapo ni Atty. Perez at sa ganda nitong si Ms. Kristina, tiyak na ang gaganda't guguwapo ng magiging apo niyo!" 

Tita giggled. "That's what exactly I've been praying for! Ang magkaroon agad ng apo!" she answered excitedly na parang tumaas ng apat na baitang ang adrenaline hormones. "Di na ako makapag-antay na may magtatakbong mga malilit na bata sa mansiyon!" she said while clasping her hands. 

Bigla akong naubo. Kundi lang masisira ang makapal kong lipstick ay baka nanghingi na ako ng isang pitsel ng tubig. Anak agad? Isa't kalahating buwan pa lang kaming magsyota ni labsey pero halos linggo-linggo ko nang naririnig ang tungkol sa pagkakaroon nila ng apo. Kinakabahan tuloy ako na baka pag di agad to nangyari ay hindi na sila matuwa sa akin. Eh napakaimposible pa naman talagang mangyari nito dahil kabilin-bilinan sa akin nina Papa na hanggang halik lang daw ang pwede naming gawin ni labsey. Lagi nilang pinapaalalang hindi porke't may nobyo na ako ay hindi ko na pahahalagahan ang iba ko pang mga pangarap sa buhay. May tiwala naman sila kay labsey kaya lang mas mabuti na yung lagi akong nakaalerto anumang oras sa tukso.

My phone rang and I was thankful sapagkat malilihis ang usapan tungkol sa mga apo-apo na yan. Minsan kasi para hindi maoffend sina Tita, sinasakyan ko na lang pero ang totoo nininerbiyos talaga ako tuwing napapag-usapan ito.

"Hello Labsey," mahinang sagot ko.

"Where are you?"

"Kasama ko si Tita."

"Magkasama pa rin kayo hanggang ngayon?"

"Andito kasi kami sa parlor pinaayusan niya ako sa kaibigan niyang makeup artist."

"Ano? Imbitado lang tayo sa debut ng pinsan ko, hindi ikaw ang may debut bakit kailangan mo pa ng makeup artist?" 

Hininaan ko pa lalo ang aking boses habang tinitiyak na nagkukuwentuhan si Tita Dolor at Ayana. "Eh hayaan mo na. Pagbigyan na natin ang mommy mo. Siyempre gusto niya naman siguro akong maging presentable kapag pinakilala ninyo ako sa mga kamag-anak niyo."

"Why? Hindi pa ba presentable yang natural mo hitsura para sa ibang tao?" 

"Labsey huwag ka nang mangatwiran, ngayon lang naman ito ginawa ni Tita kaya hayaan mo na. Sumunod na lang tayo para di siya ma-offend."

She Loves Me MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon