****KRISTINA
Nangangawit na ang mga panga ko sa kakangiti pero di ko pa rin talaga mapigilan ang maya't mayang pagngiti. Kanina pa nanginginig ang mga laman ko sa sobrang kakiligan. Nagku-contest sa pataasan ng lundag ang puso't adrenaline ko sa tuwing naiisip kong binilhan ako ng pagkain ni labsey.
Ayiiiee! Mahal niya na ako!
"Okay lang yan Tintin! Mangarap ka lang, wala namang babasag sa trip mo!" napapakuyom pa ng kamay na wika ko sa sarili habang naglalakad sa kalye ng bahay namin nang may abot tengang ngiti.
"Tingnan mo pare yung babae o, nagsasalita mag-isa. Maganda pa naman kaso mukhang may tama sa utak!" ani ng isa sa dalawang lalaking mga mukha namang tambay na nakasalubong ko.
Tse! Pakialam niyo!
Tinotodo ko na yung kakiligan ko dahil malapit na ako sa bahay. Pagdating kasi doon di na ako pwedeng mag-emote baka mabuko ako ni Tita Rose. Naku ha! Hinding-hindi niya pwedeng mahuling nilalandi ko sa utak ang aming mahal na amo baka ora mismo ay ipa-LBC niya ako pabalik ng probinsiya. Eh di lalo kaming nagkahiwalay ni labsey. Di pa man kami nakakapag-umpisa ay disaster na kaagad. Kaunting isod na lang ay mama-master ko na rin ang kursong the art of secret love and admiration.
Pagtapat ko sa aming gate ay huminto muna ako ng ilang sandali. Tinampal-tampal ko ang aking mga pisngi upang matauhan. I pouted many times to exercise my mouth dahil hindi na ako pwedeng ngumiti na parang timang. Kailangang bumalik na sa normal ang aking wisyo. Bumuga ako ng malakas na hinga at saka pumasok ng kunway may seryosong hitsura.
"Andito na po ako!" masiglang sabi ko habang pumapasok ng bahay.
Napahinto't nagulat ako nang may maabutang isang lalaking nakaupo sa sala at nanonood ng football game sa TV. Hindi ko siya kilala. Napakunot din ito ng noo pagkakita sa akin. Tumingin agad ako sa paligid but I couldn't see anyone except this stranger.
Bigla akong kinabahan. Nakabukas lamang ang pintuan nang pumasok ako. Doest it mean na basta-basta na lang itong pumasok dito sa bahay namin? Magnanakaw ba ito? Rapist? Killer? Murderer? I was about to scream....pero siya namang labas ni Tita Rose galing kuwarto.
"Oh Tintin nandiyan ka na pala!" anito nang may natural na natural lamang na reaksiyon.
Di agad ako nakapagsalita. Nakanganga pa rin ako at di pa rin humuhupa ang nerbiyos sa aking dibdib. Naguguluhang tumingin ako sa lalaki sa sopa. Tumayo ito't ngumiti pagkakita sa aking tiyahin.
"Sino siya Ate Rose?" wika ng lalaki.
Ate Rose? Magkakilala sila? Nakahinga agad ako ng maluwag hanggang sa unti-unti akong nakaramdam ng hiya sa aking sarili. Minsan talaga overflowing ang pagiging OA ko!
"Ah oo nga pala Josh si Kristina Paula, pamangkin ko. Tintin palayaw niyan," pakilala ni Tita. "Tintin si Joshua kapitbahay natin. Diyan siya nakatira sa malaking bahay sa tapat. Kaibigan ni Tito Bert mo. Mag-buddy sila sa panonood ng football games."
BINABASA MO ANG
She Loves Me More
Romance"Loving is not turning your woman into someone else because from the start you fall for who and what she really is." The story of Lance Oliver Perez new found love. A sequel to LOVE ME TOO.