KRISTINA
"PINAGKAISAHAN NIYO AKONG LAHAAAT! Ang sama-sama niyo! Malupiiit kayong lahat!" atungal ko sa sala habang dinadaan-daanan lang ako ng mga kasama ko sa bahay.
Sinasabunutan ko ang aking sarili. Ginusot-gusot ang buhok. Gigil na gigil na nagpapapadyak. Kulang na lang ay maglupasay ako sa sahig sa sama ng loob.
Inamin sa akin ni Tita Rose na kagagawan nila ang lahat. Matapos malaman ang tungkol sa nagaganap na panliligaw sa akin ni labsey, plinano na ng aking mga magulang na pauwiin ako. Naghahanap lang talaga sila ng magandang tiyempo. Sinamantala nila ang pagkakataon matapos akong kumbidahin sa labas ni Mrs. Perez. It was hitting two birds with one stone. Tita Rose took that as a chance to test my importance to attorney. Kung susundan ba ako dahil sa pag-aakalang nagdamdam ako dahil sa kanyang nanay. Ngayong pumunta nga dito, pinatawan naman ni Papa ng mas mabigat pang pagsubok.
Kawawa naman ang aking mahal!
Siyempre gusto ko ring masukat ang pagmamahal at pagpapahalaga niya sa akin... pero hindi sa ganitong paraan. Para kasing hindi na makatao ang gusto ni Papa. Paano na lang kung mapagod siya? Ako naman ngayon ang nganga!
"Ikaw Mama! Si Tita Rose! Kayo rin Papa! kasama ka na rin Kuya Paul! Pinagplanuhan niyo ang lahat ng ito!!!" hinagpis ko.
Dumaan sa sala si kuya kagat-kagat ang binalatang saging. Kunot noong huminto siya nang matapat sa kanya ang panduduro ko. Mabilisan niyang inubos ang kinakain. Lumapit siya sa akin at tinitigan ako.
"Pagbutihan mo yang pagdadrama mo. Wala kang luha oh," sabay turo niya sa aking mata.
Wala ba?
Suminghot-singhot ako. Kinusot ko ang aking mga mata sabay kurap ng paulit-ulit.
"Tsk. Wala pa rin. Ikuha kita ng sibuyas, gusto mo?" ngingisi-ngisi pang asar niya.
"Tse!"
"Ah alam ko na," sabay labas niya sa kanyang cellphone. "Game. Rewind natin yung ginawa mo, dali bibidyuhan kita. 'Papanood natin sa manliligaw mo tingnan natin kung saan aabot ang pagsisisi niya."
"Alam nun lahat ng ugali ko at tanggap niya!" may pagmamalaki kong sagot.
"Ah ganun ba. Sige, eto na. Let's start from the top. Atungal ka ulit."
Nagsalubong ang aking mga kilay. Unti-unti akong napangiwi nang mahalatang tinototoo nga ng aking kuya ang pagvi-video.
"Itigil mo yan!" biglang sigaw ko.
Ngumisi lamang siya.
"Itigil mo sabi yan!" ulit ko.
"Kaninang andidito yung boss mo para kang prinsesa sa hinhin ngayong wala na bigla ka namang naging si Sisa," tawa niya.
"Tumahimik kayo!" madiing salita ni Papa.
Sabay kaming napatikom ng bibig ni kuya. Tumabi si Papa sa akin at dinampot ang remote ng TV. "Manonood akong balita. Huwag kayong maingay," utos niya habang nakatingin sa akin.
I nodded with pursed lips.
Nanahimik ako samantalang si Kuya Paul ay nakinood na rin ng balita.
Nakanguso habang iniikot sa daliri ang dulo ng aking buhok na pinakiramdaman ko si Papa. Nang mag-commercial ay nagmamakaawang kumapit ako sa kanyang hita.
"Papaaaa! Huwag niyo naman pong pahirapan si Labs-....attorney ng ganun. Tao po siya! Hindi siya robot!" pakiusap ko.
Hindi niya ako pinansin. Tutok na tutok kahit sa patalastas.
BINABASA MO ANG
She Loves Me More
Romance"Loving is not turning your woman into someone else because from the start you fall for who and what she really is." The story of Lance Oliver Perez new found love. A sequel to LOVE ME TOO.