****
LANCE
Nasa lobby ako't nag-aabang ng elevator kasama ang aking accounting staff. Pinapaliwanag nito sa akin ang hawak na ledger ng kumpanyang dinedepensa ko sa kasong tax evasion. Masusi akong nakikinig sa detalyadong paliwanag nito ngunit nagtaka ako nang bigla na lang itong natigilan sa pagsasalita. He was looking over my right shoulder. My forehead furrowed.
"Why did you stop?" taka ko.
Ngumiti ito ng asiwa. "A-Attorney there's a pretty lady waving at you," sabay nguso nito sa bandang likuran ko.
Bigla akong kinabahan. Meron na naman bang sumusugod sa opisina ko na isa sa mga naka-flings ko? Hindi ako lumingon sa halip ay muli kong pinindot ang up button ng elevator. I suddenly felt exasperated sa tagal nitong magbukas.
"Stop looking at her direction," madiing utos ko. "Pretend that you don't see or hear anything." Hindi ko pinahalata ang pagpapanic ko.
"She's heading toward our direction," sabi ng aking accountant sabay tabi nito sa akin at kunwa'y pomormal ng harap sa elevator habang diretso ang tingin. Tila nabasa na nito ang plano kong pag-iwas sa babae.
"Attorney Perez!"
Huh? I know that voice. Napalingon ako sa aking likuran. Nagulat ako sa aking nakita at muntik ko ng hindi makilala ang tumawag sa akin. Ilang saglit munang napaawang ang aking bibig.
"M-Miss Bartolome?"
Tumango ang babae. "Good afternoon sir!" nakangiting bati nito sabay ikot hawak ang laylayan ng suot nitong damit. " Pasado na po ba ang hitsura ko?" she asked cheerfully.
She's wearing a plain white A-line sleeveless dress na hanggang tuhod ang haba. Nakalugay ang mahabang buhok. May pagkablonde na ang kulay nito at may malalaking kulot sa dulo. She's no longer wearing an eyeglasses and her curl eyelashes is darkened and thickened by mascara. She has rosy blush on and pinky lipstick na pinagmumukha itong natural na mestisahing teenager. Napatingin ako mula tuhod nito hanggang paa. I noticed her young, smooth and vibrant skin until my eyes reached the pair of peach beaded doll shoes she's wearing.
Well...this kid has hidden cuteness.
Ibinalik ko ang aking mga paningin sa mukha ng babae. Namimilog ang mga mata nito at halatang sabik na marinig ang komento ko.
"Next time wear a more matured outfit. You're not even wearing heels," I said with a straight face.
Nagbukas ang elevator at sumabay na rin si Ms. Batolome sa pagsakay.
"Sir pwedeng huwag naman hong masyadong abrupt ang pagpapamake-over niyo sa akin baka mabigla ho ang katawan ko, lagnatin ako," pabirong paliwanag ng babae. "Next week magta-try na po akong magsuot ng heels. Sa ngayon po kasi nag-aaral pa lang ako sa bahay hindi pa po sanay yung mga paa ko. Mahirap na baka madapa ako buti sana kung ako lang ang mapapahiya, paano kung kayo ang kasama ko?"
BINABASA MO ANG
She Loves Me More
Romance"Loving is not turning your woman into someone else because from the start you fall for who and what she really is." The story of Lance Oliver Perez new found love. A sequel to LOVE ME TOO.