KRISTINA PAULASabi nila ang kasal daw ay ang most awaited chance para pagbigyan ng babae ang kanyang mga kaek-ekan sa pag-ibig. Ipahayag ang mga nararamdaman sa pamamagitan ng kanyang gown, flower arrangements, motif, entourage at tema ng kasal. Ito ang oras para mag-feeling reyna sapagkat halos lahat ng kahilingan mo ay walang reklamong masusunod... Pero pag naging anak ka ng nanay ko at magiging biyenan mo ang nanay ni labsey ewan ko na lang kung hindi ka maging exemption to the rule!
Isang gabi bago ang aming kasal. Nasa kuwarto lang ako at halos hindi alam kung ano ang pagkakaabalahan. Naghihintay lamang na bumungad sa pinto si Mama, Papa o di kaya si Tita Dolor kapag may sasabihin o ipapaalala. Magpahinga lang daw ako para fresh at maganda kinabukasan pero paano ako makakapagpahinga kung ang lakas-lakas ng tugtog ng sayawan sa labas? Buong barangay ata ay nagkakasiyahan. Lalong hindi ako napapakali dahil kinakati ang aking mga paa na lumabas, makisayaw at makihalubilo. Halos andun kasi lahat ng mga tiyahin at tiyuhin ko, mga pinsan, mga kababata, kaklase at makukulit kong mga pamangkin. Ang saya-saya nila samantalang nasa kama lamang ako't nakatitig sa kisame habang ini-imagine ang pinaggagawa nila sa labas.
Kagustuhan kong dito sa probinsiya ikasal. Sa chapel lamang ng barangay namin. Hindi ko naman pangarap ikasal sa magagarang lugar o simbahan. A wedding is not just a union of a couple but it's a once in a lifetime precious moment that you'll be dreaming to share with the people you love. Halos andito lahat ng mga mahal ko sa buhay kung kaya't ba't ko pa kami magpapakasal sa malayo? Ang mga kamag-anak at bisita naman ni labsey ay mga nakakaangat sa buhay balewala sa kanila ang pamasahe sa eroplano at paghohotel. Pero siyempre ang pamasahe at accomodations ng mga empleyado ng firm ay sagot na ni Labsey .
I requested a traditional or should I say a normal wedding suited for an ordinary country girl. Kung ano yung mga nasaksihan kong simpleng kasal ng mga tiyahin at tiyuhin ko, ganun lang. Labsey entrusted to me the bigger part of wedding planning... na nauwi naman sa pagtango ko sa mga desisyon ng aking ina at mother in-law. Nang sinabi kong tradisyunal na kasal lamang, agad-agad nang nagplano si mama na dito na lamang sa bahay ang reception. Maliit lang ang aming bakuran kaya ang naisip kong imbitahan ay ang mga kamag-anak at tanging malalapit na kaibigan lamang. Pero nagulat ako nang minsang pag-uwi ko ay sementado na ang isa sa aming mga palayang nakapaligid dito sa bahay.
"Dito ang main reception ng kasal. Magpapatayo tayo ng higanteng tulda," paliwanag sa akin ni Mama habang napapanganga ako sa panghihinayang dahil mas pinili nilang huwag nang tamnan ang lupa.
"Sayang naman ho. Isang beses lang naman gagamitin tapos sinayang niyo yung isang palayan natin. Okay na naman ho yung bakuran natin, pagkakasyahin na lang sana natin ang mga bisita. Gumastos pa kayo dito," saad ko.
"Anong sayang? Isang beses lang ikakasal ang unica hija ko tapos panghihinayangan ko ito! Isa pa hindi ito masasayang dahil matagal ko nang gustong palakihin ang hardin ko. Dito ko na lang ilalagay ang mga nakapasong halaman," katwiran ni Mama.
Pati bahagi ng pader namin ay binuksan at inayos upang maging daan patungo sa sinementong palayan. Nalaman ko na lang na napakarami palang inimbita nina Mama pati na rin ni Tita Dolor. Nataranta tuloy ako sa pagpapagawa ng mga dagdag na invitation cards. Silang dalawa ang nag-uusap at naghati sa mga ilang pangunahing tungkulin. Si Tita Dolor ang bahala sa pag-didisenyo ng reception at simbahan, makeup artists, pati na rin ang mga susuutin ng buong entourage. Si Mama naman sa mga pagkain at mga pre and post wedding activities. Kami ni Labsey ang pumili ng mga principal sponsors at mga abay but it was still hard for our parents not to suggest someone. Si Mama isiningit ang dalawang anak ng pinsan ko para magflower girl. Si Tita Dolor naman yung apo ng amiga niya para magcoin bearer. Siya rin ang nagbigay ng final 'yes' ng wedding gown ko. Malaya naman akong pumili ng gusto kong gown but since I adore her taste in fashion, hindi ako mapalagay hangga't hindi niya inaaprobahan ang napili ko. Sa pagkaprangka niya, marami-rami rin siyang mga nireject na designs hanggang sa finally nagkasundo din kami.
BINABASA MO ANG
She Loves Me More
Romance"Loving is not turning your woman into someone else because from the start you fall for who and what she really is." The story of Lance Oliver Perez new found love. A sequel to LOVE ME TOO.