LANCEI gave Kristina a task outside the firm. Ibinilin ko kay Nadine na utusan siyang mamili ng kung ano-anong office supplies. Yung tatagal siya ng mga ilang oras.
And while she's out, nagpatawag ako ng general meeting. Kumpleto ang attendance including Mrs. Dakdak. We have a regular monthly meeting para sa reporting ng bawat department, yun nga lang ay biglaan ko itong nire-schedule for a certain agenda.
Hinala ko ay kumalat na pati sa opisina ang nangyari sa party. Sa mga mata ng mga empleyado at sa madalas na pagbubulungan nila, sa palagay ko ay tama ang aking duda.
I checked Mrs. Dakdak reaction. Nakangiti siya subalit bakas sa mga matang may kinikimkim na pagkadismaya. Marahil ay nakarating na rin sa mga tenga niya ang nangyari.
I listened intently to what everyone was reporting. Nagtatanong ako kapag may mga bagay na hindi malinaw. Pinupuna ang mga kwestiyonableng reports. The usual attitude of mine towards our monthly meeting. I'm doing my best to act cool kahit alam kung may lihim na mga matang nakatingin sa akin ng matatalim habang isinusumpa ako sa isipan.
Our meeting lasted for two hours. But before I adjourned it, kinuha ko ang atensiyon ng lahat. I had to proceed to my main agenda. I cleared my throat first before I uttered a word. Pomormal ako ng mukha. I crossed my legs and folded my arms habang isa-isang tinitingnan ang mga kasama ko sa meeting room.
"Bago ko tapusin ang meeting na ito, I want to tell you something personal..." umpisa ko. "I feel that some of you or maybe all of you already heard about it. And so to hear the truth from my own mouth, I'll speak about it now."
Nagsitahimik ang lahat. Their abrupt silence and the reaction of their faces just answered my suspicion. Maliban kay Mrs. Dakdak, bakas sa mga mata ng bawat ang pagkasabik na marinig ang aking sasabihin.
"Most of you have been working with me for a long time and you know I hate mixing personal life and business.."
Everyone nodded in agreement.
"But sometimes fate commands us to change things..." I took a very deep breath kasabay ng sobrang pagseseryoso ng mukha. "Because unexpectedly I ended up falling in love to my employee..."
Everyone's mouth was left open but no one dared to speak even a word.
"And that employee..." I gave Mrs. Dakdak a glance before I look at everybody. "...is no other than Ms. Bartolome."
"Ohhh..." sabay-sabay ngunit mahina nilang sambit.
I chuckled as I meet their excited eyes. "I still believe I don't have any obligation to tell you about this. Maaring kilala ako ng publiko dahil sa aking trabaho pero mas kilala niyo kung gaano ako kapribadong tao. Alam niyong hindi ako natutuwang ibandera ang personal kong buhay kung hindi naman kinakailangan.... Pero heto't ginagawa ko ito ngayon sa harap ninyong lahat alang-alang kay Ms. Bartolome."
Parang may dumaang anghel. Mrs. Dakdak facial reaction had gotten softer pero bakas pa rin ang pangamba sa maari kong sabihin.
"I don't want rumors circulating around in this office based on mere speculations. It will be unfair to Ms. Bartolome. I don't want you to misjudged her dahil wala siyang ginagawang mali...." Ngumiti ako nang biglang sumagi sa aking isipan ang larawan ng nakangiting mukha ni Tintin. "It's not her fault if she grew up to be a lovable woman."
The atmosphere had slowly gotten lighter. Ngumingiti na ang karamihan at ang ilan sa mga medyo bata pang empleyada ay malayang nagpahayag ng pagkakilig.
"Grabe sweet mo naman mainlove attorney!"
"My god! Ang haba ng buhok ni Ms. Bartolome! Nakakainggit!"
BINABASA MO ANG
She Loves Me More
Romance"Loving is not turning your woman into someone else because from the start you fall for who and what she really is." The story of Lance Oliver Perez new found love. A sequel to LOVE ME TOO.