LANCE
It's Monday. Ibig sabihi'y dalawang araw kong hindi nakita si Kristina. Kaya naman pag-apak ko pa lamang sa aking firm ay mesa agad ni Ms. Bartolome ang gusto kong matanaw.
Nilakihan ko ang aking mga hakbang para makarating agad sa mesang aking nais madaanan. Nang makalapit ako, umangat agad ang bawat sulok ng aking mga labi.
"Ms. Ba-"
Nagulat ako nang di inaasahang si Mrs. Dakdak pala ang naroroon. Nataranta ako nang bahagya. Munting na akong yumukod sa tiyahin ng dalaga buti na lamang ay narealize ko rin agad na empleyado ko nga pala ito.
Tumayo agad si Mrs. Dakdak pagkakita sa akin.
"Good morning po Atty. Perez!" masiglang bati nito.
"Oh...g-good morning." Sana hindi niya nahalatang nasurpresa ako. "I forgot na ngayon na pala ang balik mo. How's your son?" nakangiting sabi ko.
"O-Okay naman ho. He's very healthy," may halong pagtatakang sagot nito.
I understand her reaction dahil dati'y trabaho lang ang kinukumusta ko.
"Good to hear that," tugon ko.
"Good morning attorney!" bati sa akin ni Ms. Ferrer. "Balik na ho ulit tayo sa normal dahil nandito na ulit si Mrs. Dakdak," she remarked with a deep sigh of relief.
"Yeah I'm glad she's back." I wasn't sure if I really meant what I just said.
Kung table na ulit ito ni Mrs. Dakdak, nasaan na ang mesa ni Ms. Bartolome?
Patay malisyang iginala ko ang aking mga paningin. Napakunot agad ako ng noo nang makita ang hinahanap kong sekretarya na noo'y nasa dulong kaliwang bahagi na ng opisina kung saan malapit ito sa refreshment area at medyo may kalayuan sa aking silid.
Kinawayan ni Mrs. Dakdak ang kanyang pamangkin upang palapitin. Pasimple itong sinenyasang batiin ako.
Lumapit naman ang dalaga. Kunway tiningnan ko siya nang may natural na reaksiyon but deep inside I was relishing the beautiful sight that I haven't seen for two days. Masaya na ang umpisa ng aking araw.
"Good morning po attorney." Pormal na yumukod ito. Batid ko na agad na de numero na ang galaw nito.
"Good morning Ms. Bartolome." Pumasok ako sa aking opisina ngunit pasimpleng binigyan ko ng pahabol na sulyap si Kristina nang mapadaan ako sa kanya.
Pag-upo ko sa aking desk ay natanaw kong nag-uumpukan pa rin ang mga sekretarya. Obviously, the newbie was getting load of instructions from her seniors.
Hinabol ko ng tingin si Ms. Bartolome nang pabalik na ito sa kanyang table. I'm a bit disappointed. I can't see her desk anymore from my table. Instead, I'll be seeing the person who'd remind me not to mess with her niece.
BINABASA MO ANG
She Loves Me More
Romance"Loving is not turning your woman into someone else because from the start you fall for who and what she really is." The story of Lance Oliver Perez new found love. A sequel to LOVE ME TOO.