Chapter 33

72.9K 2.2K 175
                                    


LANCE

Nakaawang lamang ang bibig ni Dad habang nakapako ang mga mata sa kumakaway na si Tintin. Nang matauhan mula sa pansamantalang pagkagulat ay bigla itong humalakhak ng malakas.

"See everyone! That's my son! Idinadaan lagi ako sa biro kapag pinag-uusapan na ang buhay pag-ibig niya!" tumatawang paliwanag niya.

Tumawa rin lahat ng mga nasa mesa maliban kay Hannah. Napangisi ako sa aking isipan. I knew from the start that my father won't take my words seriously.

Tiim bagang tinitigan ko si Kristina. Nakikitawa rin ito. Kitang nakahinga ito ng maluwag nang hindi sineryoso ng aking ama ang akinģ mga sinabi.

"Miss Bartolome, pagpasensiyahan mo na itong anak ko kung pati ikaw ay nadadamay sa kanyang mga pagbibiro," ani Dad.

Walang magawang tumango na lamang si Tintin habang asiwang napapangiti. She's avoiding my eyes na batid niyang nakatitig lamang sa kanya. I don't care about others' reactions. I'm waiting for her to look at me upang malaman niyang seryoso ang intensiyon ko sa ginawang pag-amin sa harap ng karamihan.

"Sige iha you may leave this table now baka maging tampulan ka pa ng biro," Dad told her.

"O-Opo..."

She turned her back without giving me a glimpse. Nahuli kong sinimangutan siya ng isa sa mga dalaga sa mesa at pagdaan niya sa tapat nito'y bigla na lamang siyang nadapa.

She fell into the ground. She dropped the tray and the sound of shattered glasses followed. Everyone looked at her direction.

"Tintin!" bulalas ko.

Agad akong napatayo at tumakbo papalapit sa kanya. Naabutan ko siyang bumabangon na. Nakaluhod, nagpapanic at napapahiyang dinampot niya ang mga bubog. I kneeled down too. I grabbed her hand to stop her from what she's doing.

"Don't touch that glass! Masusugatan ka!" I exclaimed. Nagagalit akong makitang mas inuuna niya pang intindihin ang hiya sa mga taong nakatingin sa kanya kesa sa sarili niyang kaligtasan.

"Okay lang ho ako attorney," she uttered with embarrassed face.

Nagtagpo ang aking mga kilay. "Anong okay? No, you're not okay!" I said loudly. 

Tumawag ako ng waiter at sila ang inutusan kong maglinis ng mga bubog. Itinayo ko si Tintin. And before she could take a step, walang pasabing binuhat ko siya.

"Ohhhhh...." dinig kong sabay-sabay na sambit ng mga nakakakita. I didn't mind them at all. All I care at this moment is the woman I'm carrying.

Maging si Kristina ay hindi nakapagsalita. Natutulalang nakatitig lamang siya sa akin habang buhat-buhat ko. Natauhan lamang siya nang papasok na kami sa bahay.

"Attorney! Ibaba niyo ho ako. Si Tita Rose baka makita tayo!" nanlalaki ang mga matang salita nito.

I put her down. At inusisa ko agad ang katawan niya kung may sugat. Mabuti na lamang at wala.

"May masakit ba sayo?" tanong ko.

"W-Wala."

"Next time mag-iingat ka lalo na't maydala kang mga babasagin," mahinahong payo ko.

"Eh kasi naman yung feelingerang babaeng hoping sayo, pinatid ako!" nakasimangot na sumbong niya. 

Napansin kong basa rin ang damit niya. Natapunan ng wine sa may bahagi ng dibdib. Nilabas ko ang aking panyo but since I can't wipe that area, I just offered her the handkerchief.

"O punasan mo yang damit mo."

Tinanggap niya ang panyo. "Aish pano ba to? Wala akong extrang damit," problemadong sambit niya sa sarili.

She Loves Me MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon