Chapter 47

73.3K 2.6K 406
                                    


LANCE

Tinatamad ang aking mga paa patungo sa firm. The thought of seeing Tintin's empty desk was distressing. Pang limang araw niya nang hindi pumapasok. Parang hindi ko na kayang bibilang pa nang ilang araw na di siya nakikita. Dapat ko na ba siyang sunduin sa probinsiya? Is it time to give up my plan at bawiin na lamang ang proposal ko? Should I swallow my pride again? Kapag magpatuloy pa ang ganitong sitwasyon namin baka tuluyan na akong hindi makapagfocus sa trabaho. Damn I miss her badly!

I fixed my composure when I was about to meet Haidee in the corridor.

"Good morning attorney!" masiglang bati niya.

"Good morning. Where are you going?" tanong ko nang pilit ikinukubli ang katamlayan.

"Magpapaxerox lang sa second floor," tumingin siya sa akap-akap na mga papeles. " Bigla po kasing nagloko yung copier natin."

"Then why not buy new one? Magrequest kayo sa accounting."

"Ay sayang naman po. Tumawag na kami ng technician baka maremedyuhan pa."

"Okay if you say so. Pero kung nakakaantala yan sa trabaho, bumili na agad ng bago," I firmly instructed.

"Sige sabihin ko kay Mrs. Dakdak...Ay siya nga po pala ba't di kayo sabay ni Ms. Bartolome pumasok?"

Napakunot ako ng noo kasabay ng biglang pagkabog ng aking dibdib. Ilang saglit muna akong natigilan. "What are you talking about? She's still on leave," kunway kaswal na turan ko.

"Pumasok na po siya."

"Really?" I uttered in disbelief. Biglang tumalon ang aking puso. Ang nanamlay kong mga paa ay biglang nagmadali sa paghakbang papasok ng opisina. Deeply hoping that what I just heard wasn't purely a lie.

My nervousness had ceased after seeing Kristina working busily on her table. Gumuhit agad ang malaking ngiti sa aking isipan pagkakita sa mukhang ilang araw ko ng gustong masilayan. I walked calmly despite of my heart's wild thumping. Walang alam ang buong opisina sa pinagdadaanan namin, ang alam nila ay nagkasakit lamang si Tintin kaya hindi ito nakapasok ng ilang araw. Wala sa sariling sinagot ko ang mga bati sa akin sapagkat nanatiling nakatuon ang aking buong atensiyon  sa mukhang sabik na sabik kong makita. She looked at me and our eyes met.

"G-Good morning," she greeted lamely.

Her tedious smile hinted that things weren't fine yet. Ang mga mata niya ay nagpapahiwatig pa rin ng pagkalito. Nanumbalik ang lumbay sa aking dibdib. Nabawasan ang malakas na kabog ng aking puso. But that wasn't important, ang mahalaga ay narito na ulit siya. Done with her running away.

"Good morning..." Happy to see you again. I wanted to add. I maintained my composure. Pumasok ako sa aking opisina. Pagkaupo ko ay diretso agad ang aking mga mata sa direksiyon ng mesa ni Tintin. I expected her to follow me with my favorite cup of coffee in her hands. Pero nanatili siyang nakaupo at abala sa pagsusulat. She didn't even take a single glimpse towards my direction. It was Mrs. Dakdak who brought me the coffee.

Hindi ako makapagsimulang magtrabaho. I kept rubbing my chin while staring at Kristina na alam kong pilit na umiiwas tumingin sa akin. After Mrs. Dakdak left, I suddenly stood up. I couldn't wait for later, for break time or for tonight. Lumabas ako at diretso sa mesa ni Tintin. She was startled at agad na natigilan sa ginagawa. I grabbed her wrist. Napatayo siya at hinila ko patungo sa aking opisina.

Bago ko isarado ang pinto tiningnan ko ang aking mga napatangang empleyado. "Walang mang-iistorbo. We have something very important to talk about," madiin kong bilin.

She Loves Me MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon