Chapter 40

87.2K 2.9K 558
                                    


LANCE

Mula sa aking meeting kay Clarisse, balik agad ako sa reception ng binyagan. Sana pwede kong patigilin ang pagtakbo ng oras upang huwag matapos ang dalawang araw na pananatili ni Tintin sa Maynila. Kahit patong-patong ang aking mga schedules, gusto kong sulitin ang maiksing panahon na makakasama ko siyang muli. Maliban sa aking mga obligasyon, gusto kong gugugulin lahat ng libreng oras ko sa kanya. Pagkatapos ng ilang linggong puro problema, nakaramdam ulit ako ng tunay na saya at kaluwagan sa dibdib. I was suddenly too inspired and energized na kahit anong problema ay kayang-kaya ko nang solusyunan. 

Pinayagan si Tintin na lumuwas ni Tito Lando upang dumalo sa binyag. Though it had nothing to do with me, masayang-masaya pa rin ako sapagkat ibig sabihin nito ay may kaunti na silang tiwala sa akin para payagan ang kanilang anak na bumalik ng Maynila. Natutuwa rin ako na tila hindi na rin gaanong mausisa si Mrs. Dakdak sa ikinikilos namin at wala ring senyales ng paghihigpit.

"Bakit bumalik ka pa dito? Akala ko ba may meeting ka?" tanong niya habang magkasama kami sa mesa.

"Kulang pa ang mga titig ko sayo kanina eh," I kidded which eventually put a smile on her face. "Ikaw ba kuntento ka na sa maiksing oras ng pagkikita natin sa simbahan? Di pa nga tayo nakakapag-usap nang maayos."

She shook her head and smiled shyly.

Everybody in the reception were busy mingling with the other guests maliban sa amin ni Kristina na tila may sariling mundo. Hindi kami napapagod ngumiti habang walang kasawaan sa pagtitig sa isa't isa. Natutukso akong akbayan siya ngunit di ko magawa sapagkat kahit papaano'y napapalingon pa rin sa amin ang kanyang tiyahin.

"Kumusta ka na? Okay ka pa rin ba sa kabila ng mga mabibigat mong problema? Lahat kami sa pamilya ay nag-aalala sayo," aniya.

"Okay lang ako. Lalo na ngayong nakita na ulit kita," ngingiti-ngiting sagot ko.

"Alam mo miss ka na rin nina Mama't Papa, pati na si Kuya Paul."

"Ako rin namimiss ko na sila. Lalo na yung masasarap na luto ni Tita...Pero talaga bang hanggang sa makalawa ka lang dito? Hindi na pwedeng ma-extend?" medyo naglalambing na hirit ko.

Her nose wrinkled. "Hindi na eh. Ayoko namang abusuhin si Papa buti nga pinayagan na ako."

"Kunsabagay pag nangyari yun baka i-ban niya na rin pati pagpunta ko sa inyo...So what's the plan? Pwede ba tayong lumabas tonight?"

Lumukot ulit ang kanyang ilong. "Hmmm eh kasi pagod ako sa biyahe, gusto ko sana munang magpahinga."

Medyo nalungkot ako sa sagot niya pero naintindihan ko naman ang katwiran niya. "Kung ganun papasyal na lang ako mamaya sa inyo. I have another meeting at pagkatapos, didiretso na ako sa inyo. Dadalhan na lang kita ng pagkain, anong gusto mo?" sabik na pahayag ko.

"Okay lang sana kaso nakakahiya kina Tita Rose. Paniguradong pagod din sila mamaya."

Tuluyang nawala ang sigla sa aking mukha. "Mukhang ako lang ata ang totoong nakakamiss sa ating dalawa ah. Gusto kong sulitin na makita at makasama ka habang nandidito ka pero parang ayaw mo naman ata," kunway nangongonsensiyang tono ko.

Nadagdagan ang bigat ng loob ko nang makita si Joshua na naroroon din bilang bisita at isa sa mga ninong. Nahuli ko itong kumaway sa aming mesa at sumagot din ng kaway at ngiti si Tintin. Naniningkit ang mga matang tiningnan ko ang aking kausap.

I folded my arms and sigh in disappoinment. "Siguro kaya ayaw mo akong papuntahin dahil ang kapitbahay mo ang papasyal."

She suddenly laughed softly. "Ikaw talaga umandar na naman yang pagkaseloso mo! Masama bang kawayan at pansinin ang kaibigan. E di na nga nangumusta yung tao dahil siguradong alam niyang hindi ka matutuwa... Okay ganito na lang. Bukas kahit whole day tayong magkasama, okay lang."

She Loves Me MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon