Chapter 36

77.1K 2.5K 527
                                    

KRISTINA

Kulang na lang ay gumulong ako sa sopa sa katatawa dahil sa pelikulang pinanonood namin. 

Oh how I missed this moment! 

Yung masaya at kumpleto kaming nanonood ng palabas sa sala kapag walang pasok. Eto ang kwenta panghimagas namin matapos mananghalian. Imbes na siyesta ay pelikula ang pinagkakaabalahan upang maglaan ng oras para sa aming family bonding. As what my parents often mention, nang lumaki na daw kaming magkapatid they'd realized that we indeed have our own lives outside our home. Kaya naman pag nagkakasama-sama kami sa bahay, we really took this opportunity to have quality time together.

Ang madalas abangan ni kuya ay yung pag-iyak ko kapag nanonood kami ng drama. Lihim niya akong bini-video at pagkatapos ay paulit-ulit itong ipipiplay sa harap ng pagmumukha ko habang humahagalpak siya sa tawa. Magsusumbong ako subalit sasawayin lamang kami ng aming mga magulang at sasabihing ang tatanda na namin para pag-awayan pa ang simpleng asaran. 

Pagkatapos naming manood ay nagkukuwentuhan muna kami ng mga ilang minuto. Weekly report ng mga updates sa buhay-buhay naming magkapatid. Hindi pwedeng wala lalo na nung mga panahong nasa kolehiyo pa lang kami. Nagboboarding house kasi kami nun at weekend lamang kung umuwi. Tapos siyempre di mawawala ang mga pangaral at paalala, minsan pag may nagawang mali may bonus na sermon.

My mother is Ruthie Amado Bartolome, fifty one years old. Siya ang head teacher sa elementary school dito sa aming barangay. She's an english teacher who's handling a grade six class. Multirole siya, paano maliit lang kasing public school ang hinahawakan niya. Sobra ang loyalty niya sa school na yan, simula ng nagkaisip ako ay doon na siya nagtuturo. Pati kami ni kuya ay dumaan na sa klase niya kasama ng ilang nagdaang henerasyon dito sa aming lugar. 

Tatay ko naman si Rolando Bartolome, limampu't anim na taong gulang. He's teaching mathematics in high school. Nagtuturo siya sa kalapit na baranggay. His school is fifteen minutes away by jeepney samantalang limang minuto namang trycicle ang kay Mama mula sa aming bahay. Malayo ang lugar namin sa mismong lungsod ng Cagayan De Oro. Medyo bukid na at dalawang oras pa ang biyahe patungong airport.

Right now, half of my heart is ecstatic while the other half is grieving. Maligayang-maligaya ako na kasama ko na ulit ang aking pamilya pero sa tuwing naiisip ko ang aking trabaho at si labsey ay nalulungkot naman ako. Mahirap mapanatag lalo na't hindi ko pa rin siya nakakausap. Ni hindi man lang ako nakapagpaalam ng maayos. At mas nakakakilabot isipin na ganun-ganun na lang tapos di ko na pala siya ulit makikita. Isang napakasamang bangungot! 

Upang mabawasan ang aking pag-aalala, hangga't maaari ay iniiwasan ko na lang isipin ang posibilidad na magkatotoo ito. I'm not giving up. Umaasa pa rin ako na mahihilot ko rin ang aking mga magulang. Kailangan ko lang ng kaunting panahon para palamigin ang kanilang ulo. Dahan-dahang pangungumbinsi na lamang ang aking gagawin

"Kuya," pasimpleng siko ko sa aking kapatid matapos ang panonood.

"Bakit?"

"Pahiram naman ng cellphone mo oh," bulong ko.

"Wala akong load," tanggi agad nito.

"Kanina lang telebabad ka diyan," simangot ko.

"Naubos na."

"Damot mo! Pahiram naman sabi eh," kulit ko sabay kapa sa katawan niya ng cellphone.

Mabilis niyang inilayo sa akin ang telepono. Etong Kuya ko twenty five years old na pero kung makipagharutan sa akin daig pang siya ang bunso. Kaya puro sa telepono na lang ito lumalovelife eh kasi ayaw pang magseryoso sa buhay.

"Mama oh si Tintin!" sumbong nito.

"Ano na naman yan? Kayong magkapatid, ngayon lang kayo ulit nagkasama nag-aasaran na naman kayo. Kelan ba tatanda yang mga isip niyo ha?!" talak naman agad ni Mama.

She Loves Me MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon