LANCE
Kristina doesn't know that I'm still secretly trailing her. Ang tigas talaga ng ulo niya. Nilakad niya lang mula pinuntahan naming burol hanggang town proper ng Tagaytay. Pinilit ko siyang isakay pero tinakot niya akong tatalon siya sa sasakyan. She seemed to be turning into monster everytime I tried to approach her. Kaya sumuko na rin ako. I thought it would be useless for me to explain sa ganitong estado ng emosyon niya.
I wrongly assumed that I could have a bigger chance to tame her if I brought her to places she likes. Pero di ko akalaing ganito pala siya katindi mag-alaga ng galit. Pinagsamang tigas ng puso at tigas ng ulo. I had no choice but to talk to her some other time, kung kelan medyo kalmado na siya at handa nang makinig.
Sa ngayon ay nasa park siya't naglalakad-lakad mag-isa. Dinistansiya ko ang pagkakaparada ng kotse sa kung saan hindi niya ito madaling mapansin.
What was she thinking? She's been roaming the place for almost two hours. Nakadirty-ice cream pa siya habang tahimik na namamasyal. Tsk, even by herself, she's pretending to be alright.
I can't leave her all by herself. Maging ang sasakyan niya pag-commute pabalik ng Maynila ay lihim kong susundan just to make sure she'll be home safe. The sun is about to set and I worry because getting lost is one of her hobbies.
Anong oras niya kaya balak umuwi?
I dialed her number. She looks relaxed now maybe she can talk to me at least on the phone. I'll pretend asking her whereabouts and eventually find a reason to ask her if what time she's planning to go home. Ayokong kung kailan madilim na ay saka pa lamang siya maghahanap ng masasakyan.
Kinakansel niya ang tawag ko. Napapanguso pa habang tinititigan ang kanyang cellphone.
'Nasa bahay ka na ba? If not, what time are you planning to go home?' I texted.
I didn't receive a reply. Sa halip ay sinimangutan niya ulit ang telepono.
Tsss! Look at this girl. Kanina ay isa sa pinagkakaabalahan niya ang pagti-text, how come she didn't even bother to reply at least one letter to me.
I turned the music on to entertain myself while patiently waiting on her next move. I cancelled all incoming calls just to focus on trailing her. I feel like I'm doing a detective assignment right now.
Napaangat ako ng likod mula sa komportableng pagkakasandal sa upuan nang biglang dumating ang isang pamilyar na kotse at pumarada malapit sa kinaroroonan ni Kristina. Agad na uminit ang aking dugo nang lumabas sa sasakyan si Joshua. Nanginig ang aking mga laman nang makita ko na napangiti agad si Kristina pagkakita sa kanya. She faced him as if nothing had went wrong.
All through out na nagpipipindot siya sa cellphone ay si Joshua pala ang ka-text niya!
Agad kong binuksan ang pinto ng sasakyan. Subalit nang nasa labas na ang isa kong paa, bigla akong napaisip. Kung lalapitan ko sila ngayon, I'll surely make a scene. Baka mas lalo lamang nitong palalain ang mainit na nga naming sitwasyon ngayon ni Tintin.
Ibinalik ko sa loob ang aking mga paa at muling isinarado ang pinto. Tinanggal ko sa pagkakabutones ang parte ng aking kuwelyo habang pinanonood ang dalawa. Mahirap huminga kapag naninikip ang dibdib sa selos.
Paulit-ulit akong huminga ng malalim. To calm myself, I think of the good side of it. At least hindi na magcocommute si Tintin, less danger for her.
Umalerto ako nang pumasok na sila sa sasakyan. Pinalayo ko muna sila ng ilang metro before I started the engine and followed them. Napakunot ako ng noo nang nilampasan ni Joshua ang daan patungong Maynila. Instead, he stopped in front of an outdoor restaurant.
BINABASA MO ANG
She Loves Me More
Romance"Loving is not turning your woman into someone else because from the start you fall for who and what she really is." The story of Lance Oliver Perez new found love. A sequel to LOVE ME TOO.