KRISTINA
The real pain begins.
Hindi pa man bumibilang ng minuto ang pagkakaupo ko sa taxi ay sunud-sunod na ang pagbagsak ng aking mga luha. Sa umpisa ay maliliit lamang ang kirot sa aking dibdib ngunit habang tumatagal ay kumakalat ito, bumabaon ng mas malalim at pag pinagsama-sama ay napakahirap ng huminga. It crawls up to my neck and chokes me.
Sana di na ko na lang pinagbigyan si Atty. Calderon. Sana nung tumawag siya kanina ay nangatwiran na lang akong masama ang pakiramdam ko. Wala pa rin sana akong alam ngayon. May natitira pa rin sana kahit konting misteryo tungkol sa nararamdaman sa akin ni labsey.
Pero ngayon, wala na! Nakumpirma na at naisampal na sa pagmumukha ko na isang malaking laro lang talaga ako sa kanya.
Ba't ganito siya? Ang dali lang sa kanyang manakit? Normal lang ba sa kanya ang humalik ng isang babae sa hapon at kinagabihan ay may kalampungan naman siyang iba? Ni hindi man lang siya nakonsensiya? Ako pa ang nagawa niyang pagalitan!
Kung nabuko niya man ang totoong nararamdaman ko sa kanya, kailangan niya ba talagang samantalahin? Naging mabuting emplayado naman ako sa kanya. Pinagsilbihan ko siya ng totoo at buong puso. Di ba pwedeng exempted na lang ako sa pagiging biktima ng pagkaplayboy niya? Kasi... ang sakit eh! Nakakaatungal ang sakit! Kung di lang nakakahiya kay manong driver ay pumalahaw na ako ng iyak dito.
Hindi niya ako kailangang paasahin dahil kuntento na naman ako sa pagdi-day dreaming. I was happy and contented over simple things not until he started confusing me. Ako naman itong isang malaking uto-uto, pinakyaw na agad ang lahat ng hopia sa buong Pilipinas.
Maya't maya kong pinapahiran ang mga mata ko habang may panaka-nakang impit na iyak na kumakawala sa aking mga labi.
Love hurts, love scars, love wounds
And mars, any heart
Not tough or strong enough
To take a lot of pain, take a lot of pain..."T-Tay pwede ho bang pakilipat ng istasyon?" medyo humihikbing sabi ko sa drayber.
"Sige ineng."
'Cause I can't make you love me if you don't
You can't make your heart feel something that it won't..."H-Huwag din po diyan." Namumuo ulit ang aking mga luha.
"Papa Jack normal ba talaga sa mga lalaki na nagpapakasweet at caring sayo tapos sa bandang huli sasabihing may gusto siyang iba at kaibigan lang turing sayo-"
"Patayin niyo na lang ho ang radyo ,Tay."
Pinahiran kong muli ng likod ng aking kamay ang kapapatak lamang na mga luha. Sisinghot-singhot akong tumingin sa labas ng bintana.
"Neng kanina ka pa umiiyak. Nag-away ba kayo ng boyfriend mo dahil nahuli mo siyang nambabae dun sa bar?"
Isa pa itong si manong drayber, assumero din. Naiyak na naman tuloy ako.
"Hindi ko po siya boyfriend." singhot ko.
"Asawa mo?"
Mas malala ito sa akin. "Hindi rin po."
"Ganun ba. Para kasi kayong magkarelasyon na nag-aaway eh. Baka naman tinatanggi mo lang dahil galit ka. Mag-usap kayong mabuti. Malay mo naman nagkayayaan lamang ang magbabarkada at hindi nakatanggi ang boyfriend mo. Hindi rin kasi magandang tingnan sa isang babae na sumusugod sa ganyang lugar."
Nagpahid ulit ako ng luha. "Tay, hindi ko nga po siya boyfriend."
"Eh ano mo ba talaga siya?"
"Amo. Boss. Tagapagpasahod ko. Pinagsisilbihan. Yun lang tay! Yun lang walang labis walang kulang!" Sunud-sunod uling pumatak ang aking mga luha.
BINABASA MO ANG
She Loves Me More
Romance"Loving is not turning your woman into someone else because from the start you fall for who and what she really is." The story of Lance Oliver Perez new found love. A sequel to LOVE ME TOO.