Chapter 30

84.7K 2.6K 334
                                    


KRISTINA

Sinarado ko agad ang pintuan at sumandal dito. Kinapa ko ang aking dibdib at literal na nanginig ako sa kakiligan. Napapikit ako habang papaling-paling ng ulo at napapakagat sa labi. Kundi lang ako mabubuko ay tumili na ako. 

Nang bahagyang humulas ang aking kakiligan saka ko lamang naalala kung anong isinadya ko sa kuwarto.

Magbibihis nga pala ako!

Patakbo akong lumapit sa cabinet. Kailangan kong magmadali baka mangibang channel na naman ang isip ni labsey. Baka paglabas ko'y wala na siya sa sala at bukas ay may memo na nga ako sa office na huling pasok ko na. Hulbot na lamang ako ng hulbot ng damit. Nang makapili ay agad akong nagbihis.

Natigilan ako nang biglang may dumila sa aking paa.

"Mamaya ka na magpapansin Tweenie. Busy ako sa pagpapaganda dahil nandiyan ang Daddy mo. Kung gusto mo dun ka sa sala umeksena. Tahulan mo yang tatay mo, kampihan mo ako! Pero huwag mong kakagatin ha!"mabilis na utos ko.

Tumigil sa pagdila ang aso at tumanga sa harap ko habang pinagmamasdan ako. "Dun ka muna sabi sa sala," turo ko sa pinto.

Tumakbo ito patungong pintuan subalit pagdating doo'y biglang tumahol sabay lingon sa akin. Nakasarado nga pala. Madali kong tinapos ang pagbibihis at pinagbuksan ito. Tinahulan muna ako nito bago lumabas.

"Sorry naman!"

Muli kong isinara ang pinto. Tumungo ako sa salamin. Mabilisang nagsuklay at nagpulbos. Nagpahid din ako ng lipstick yung medyo dark para bagay na bagay sa pagsusuplada ko ngayon. Before totally leaving the mirror, I sprayed my favorite perfume.

Paglabas ko ng silid ay nakasalubong ko si Tita. Yapos pa rin ng isang kamay niya ang mga bulaklak habang nasa kabilang kamay naman ang tray na may lamang juice.

Ngumiwi ako. Ibang klase din naman itong tiyahin ko. Nabigyan lang ng bulaklak ng gwapong binata aba'y feeler na masyado! Ayaw nang bitawan kesehodang hirap na hirap ang isang kamay sa pagbitbit ng tray. Di na inisip na nasa bahay lamang ang jowa niya na siya pang abala sa pagbabantay ng kanilang junakis. Eto namang si labsey ako daw ang liligawan pero ako tong walang bulaklak! Iba!

Nahuli ako ni Tita Rose na nakatingin. Agad niya akong pinandilatan ng mga mata na animong nagsasabing humanda ako sa aking ginawang pagsisinungaling.

Sumagot ako nang malambing na ngiti sabay bigay ng peace sign. Akala ko kasi safe. Aba'y akalain ko ba namang may magaganap palang isang malaking twist sa script!

LANCE

Tumigil ako sa paghaplos sa balahibo ng aso nang makitang papalapit na ang magtiya. Agad na lumakas ang nararamdaman kong kaba. Tila may isang batalyong mga kabayong nangangarera sa aking dibdib. I've never been this nervous in my whole life. Not even in court. Pero ngayon, pakiramdam ko ay lumalapit sa akin ang dalawang hukom na anumang oras ay maaring magbitiw ng matinding hatol sa akin.

Tumayo ako nang lumapit ang magtiya. Pinasalamatan ko si Mrs. Dakdak habang nakatayo't nakahalukipkip lamang si Tintin sa harap ko. Tinaasan niya ako ng kilay at iningusan. I smelled the scent of her perfume. Though she's acting mad, I feel relief knowing that she's still taking effort to look good in my eyes. Siguro hindi na ganun kalalim ang galit niya sa akin. Nasisilip ko ang pag-asa na matatanggap niya na ang pagso-sorry ko ngayong gabi.

She sat on a smaller coach next to mine. nagdekuwatro siya't humalukipkip.

"S-Salamat ho," saad ko kay Mrs. Dakdak nang pinatong nito ang juice sa center table.

"P-Pag may kailangan kayo Atty. Perez. H-Huwag ho kayong mahiyang magsabi," she awkwardly said.

"Please don't mind me... I'll be fine," ngiti ko. 

She Loves Me MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon