KRISTINA
Packing tape! Napasarap ako ng tulog!
Pagmulat ko ay maliwanag na maliwanag na ang paligid. Tarantang bumangon ako, kinuskos ang aking mga mata at sinuklay ng mga daliri ang buhok. Wala nang harap-harap sa salaming lumabas ako ng kuwarto. Bumungad sa akin si Kuya Paul na tulog na tulog pa rin sa sopa. Kalahati ng katawan niya ay halos malalaglag na.
Si Mama ay nasa kusina at nangangamoy na sa buong kabahayan ang niluluto niyang almusal. Tumingin ako sa wall clock, alas siyete ng umaga. Patakbo akong tumungo sa kuwarto ni kuya. Walang tao at pulidong-pulido ang pagkakaayos ng pinaghigaan. Tarantang tumakbo ako sa kusina.
"Ma! Nasaan si attorney?!"
"Nakaalis na," mahinahong sagot ni Mama.
"Ano ho?! Ba't naman di niyo ako ginising?!" kumakamot sa ulo at nagpapadyak na reklamo ko.
"Eh di ka na pinagising eh."
Lumapit si Mama sa ref at kinuha ang isang nakatuping papel sa ibabaw nito. "Eto oh may iniwang note sayo," abot niya sa akin.
Sabik na binasa ko ito.
Sorry kung di na ako nakapagpaalam ng personal. Ayokong istorbohin ang mahimbing mong tulog. I need to leave for my early flight. I must say na nag-enjoy ako sa maiksing panahong pagbisita ko. You're blessed with a wonderful family. Can't wait to see you again this weekend. I'll surely miss you.
Labsey
Napakagat ako nang ubod-diin sa aking labi. Bakit kahit sa simpleng sulat na ito ay tila mangingisay na ako sa kilig?
"Ayiiieee!" impit na tili ko.
Napatingin sa akin si Mama nang may lumalaking butas ng mga ilong at nakataas na kilay. "Labsey... ano yan? Di pa nga kayo pero may tawagan na? Kristina magpakipot ka nga ng kaunti!"
"Uy Ma! Bawal yan ha. Bakit kayo nakikibasa ng hindi niyo sulat?" nguso ko sabay silid ng sulat sa aking bulsa.
Nakakapanghinayang. Akala ko pa naman ay magkaka-moment kami ni labsey kagabi. Plano kong hintayin lamang makatulog sina Mama't Papa para makapag-usap pa kami ng sarilinan. Kaso si Mama, aba'y sa kuwarto ko bigla natulog. Minsan di rin advantageous sa anak ang mother instinct eh!
"Ma, baka pwede namang bumili na ako ng bagong cellphone. Ang hirap naman nang ganito. Pag may message sa akin, isusulat pa. Ano to paurong ang panahon pagdating sa akin?" Reklamo ko habang nagtitimpla ng kape.
She shrugged. "Sa akin okay lang. Ang Papa mo ang tanungin mo, siya itong nagbilin na bawal magligawan sa telepono."
"Hindi lang naman sa pagliligawan magagamit ang telepono. Halimbawa kagaya ngayon siyempre gusto ko ring malaman kung nakauwi ba siya ng ligtas. Kung maayos ba ang naging biyahe niya. Paano papayapa ang kalooban ko kung wala akong maririnig na balita tungkol sa kanya."
Tumigil si Mama sa paghahalo sa niluluto at may liwanag ang mga matang lumingon sa akin. "Walang problema. Hiningi ni Lance ang number ko kaya sa akin siya magrirelay ng message."
Mabilis na gumuhit ang malaking ngiti sa aking mukha. "Talaga!"
Nilabas ni Mama ang cellphone mula sa bulsa ng suot na daster. "Eto nga oh nag-text na siya kani-kanina lang-"
"Anong pong sabi?! Patingin!" Akmang aagawin ko na ang cellphone pero agad itong nailayo ni Mama. "Oooops-ops! Ako na ang magbabasa..." naniningkit na inilapit niya sa mga mata ang telepono. "Tita, boarding na po ako. Salamat.... Ay para sa akin lang pala to Tita lang ang nakalagay eh!"
BINABASA MO ANG
She Loves Me More
Romance"Loving is not turning your woman into someone else because from the start you fall for who and what she really is." The story of Lance Oliver Perez new found love. A sequel to LOVE ME TOO.