KRISTINA
"Go Tweenie! Go! Makipag-unahan ka kay Daddy!"
Tuwang-tuwa ako habang pinapanood si labsey at Tweenie na naghahabulan. We're having our weekend morning jog in the park. Eto yung pinakapaboritong kong bonding moment namin ni Lance. Para sa akin eto rin yung pinakapersonal, simple ngunit masayang oras and mostly, a completely worry-free time na inilalaan niya sa akin. Malayo sa mga formal gatherings, sa mga bagong nakakasalamuhang taong maya't mayang ipinapakilala sa akin na hirap naman akong tandaan ang mga mukha't pangalan at higit sa lahat malaya sa mga matang madalas na kumikilatis at nanghuhusga sa isang ordinaryong babaeng nagmahal ng mayaman at sikat na lalaki. We can just be ourselves, enjoying light conversation while comfortably spending time with our cute dog.
Lance stopped running. He carried Tweenie in his right arm. Nakangiting lumapit siya sa pinagpapahingahan kong benchpark habang hinahaplos ng isang kamay ang manipis na katawan ng aso.
"This little thing is the fastest chihuahua I've ever seen," he commented with a wide grin.
"Ang cute niyo namang tingnan ni Tweenie," masayang bigkas ko nang maupos siya sa aking tabi. I opened a bottle of water and gave it to him.
"Mas cute tingnan kapag anak na natin ang karga-karga ko," he kidded before drinking the water.
Bigla kong naagaw sa kanya ang mineral water at sabay ubos sa laman nito. Pagkuway ngumiti lamang ako at kunway hindi gaanong narinig ang sinabi niya. When he starts talking stuff like that madalas akong magtengang kawali. Umiiwas muna akong pag-usapan ang mga bagay na matagal pang pwedeng mangyari.
"Hey baby have you heard about the good news?" masiglang wika niya habang pinapatong sa aking mga hita si Tweenie.
Simpleng 'baby' ang kinahantungan ng tawag niya sa akin. Naririnig ko na lamang ang 'baby doll' kapag sobrang naglalambing siya o may pinapakiusap na importanteng bagay.
Nag-isip muna ako kung meron maganda ba akong nasagap na magandang balita simula pagkagising. " Anong news?" tanong ko nang walang maisip.
"Clarisse gave birth to a healthy girl last night."
Namilog ang aking mga mata sabay ngiting malaki. "Really?!" bulalas ko.
"Yap. Let's visit the hospital tonight."
Umakbay siya sa akin. He leaned comfortably at the chair and crossed his legs. Maaliwalas ang mukhang pinagmasdan niya ang magagandang puno sa parke. I glimpsed at his face. His eyes were radiating serenity.
"I'm really happy for them," he uttered.
"Ako rin. Lumabas na rin ang pinakahihintay-hintay na kalaro ni Aidan," ngiti ko.
"'Glad that Clarisse's wish to have at least a girl and a boy had been granted," saad niya.
Sinulyapan ko ulit siya. I wanted to make sure if he was really talking from his heart. I couldn't completely believe yet that a person can totally view the happy life of the person you used to love deeply without an amount of bitterness and regret. Kapag kasi sa akin nangyari yun parang hindi ko kayang makitang may ibang ka-forever si labsey. Magbibigti ako! O kung hindi man baka magpa heart transplant na lang ako dahil yun lang ang solusyon para totoong maglaho ang nararamdaman ko sa kanya. He's mine today, tomorrow and for the rest of our lives. Selfish na kung selfish but who cares? Bakit naman kasi ako magmamahal ng sobra-sobra kung sa bandang dulo ay hahayaan ko lamang mapunta sa iba? For me, making a choice is still stronger than destiny.
"Oo nga. Mabuti na lang nagkaroon pa ng kapatid si Aidan. Sa edad kasi ni Atty. De Silva, minsan mahirap nang magbuntis ang isang babae," pahayag ko.
BINABASA MO ANG
She Loves Me More
Romance"Loving is not turning your woman into someone else because from the start you fall for who and what she really is." The story of Lance Oliver Perez new found love. A sequel to LOVE ME TOO.