Chapter 45

70.1K 2K 294
                                    

KRISTINA

Naiinis na ako. Alas tres na ng hapon ngunit wala pa ring paramdam si Labsey. Huwag niyang sabihing nakalimutan niya ang pinakahihintay kong monthsary namin? Alas dose pa lang ng hatinggabi binati ko na siya, pagkamulat ko ng mga mata yun ulit ang una kong ginawa pero ni isang 'hi' or 'k' ay wala man lang akong natatanggap na sagot.

Ang sabi-sabi dito sa opisina loaded daw masyado ang schedule niya ngayon. Puno mula umaga hanggang hapon kaya baka hindi na rin makadaan dito. Inusisa ko sina Tita Rose at Ms. Ferrer kung bakit hindi ako nainform sa mga schedules niya. Hindi ba dapat trabaho ko yun, ang mag-ayos ng schedule niya? Sabi niya sa akin nung isang linggo na hindi siya tatanggap ng anumang appointment para sa araw na ito. Pero ano to? Ni ang makagpakita dito sa firm ay di niya magawa sa dami ng meetings niya sa labas.

"Hindi na niya pinaalam sayo ang mga schedules niya ngayon. Basta sabi niya luwagan daw muna namin ang trabaho mo for today. Pinapa-try niya nga rin sanang ipacancel lahat ng appointments niya kaso halos lahat talaga hindi pwede at importante. Hanggang ala una lang naman talaga sana ang mga appointments niya kaso may dalawang korporasyon pa yata na humabol ng meeting tapos may isa pang bagong kliyenteng ibinato sa kanya si Attorney Calderon," sabi ni Tita Rose.

Sumama ang hulma ng aking mukha. Pinipigilan kong ipakita sa aking mga kausap ang nararamdaman kong disappointments kaso hindi ko talaga yata maitatago. Importante rin naman yung six monthsary namin di ba?

"Bakit? Ano ba kasing meron ngayong araw na ito?" tanong sa akin ni Ms. Ferrer. "Kanina ka pa parang balisang di mapalagay diyan sa mesa mo."

Napalunok ako. I couldn't tell them the truth. Baka masamain nila na dahil sa personal na rason ang pinag-aalboroto ko. Ngumiti ako nang di ko matantiya kung halata pa ring pilit. " Ah wala naman ho medyo curious lang po ako kasi di ko siya makontak."

"Akala ko pa naman ay importanteng araw to kasi bihis na bihis at ayos na ayos ka."

" Ah maganda lang ho ang gising ko. Nasa mood akong magpaganda nang maigi."

"Kung kelan naman magkalapit na lang kayong dalawa saka naman kayo di nag-uusap nang maayos. Mabuti pa nung nasa akin ka e kahahatid lang sayo, may follow-up agad na tawag," saad ni Tita Rose.

" Ngayon lang naman ho ito. Busy lang ho talaga siya siguro," katwiran ko.

Kunway normal na bumalik ako sa aking mesa subalit pagkaupo ko ay napabuntong-hininga agad ako nang malalim. Ilang oras na lang kaya ang matitira para makapagcelebrate kami? Hindi naman ako papayag na lilipas ang araw na ito na parang wala lang. Kahit anong oras pa siya matapos sa mga meetings niya hihintayin ko pa rin siya o kaya kahit ako na lang ang pumunta sa huling appointments niya para sunduin siya.

"Ms. Ferrer ano po ang huling appointment ni attorney ngayon at saan?" tanong ko.

" Hindi ko alam eh. Basta sabi niya last na imimeet yung kliyenteng nirefer ni Atty. Calderon. Wala siyang binanggit kung saan at anong oras."

Nangalumbaba ako. Binuksan ko ang drawer upang tingnan doon ang surpresa ko kay labsey. May regalo akong couple keychain kasama nito ang isang scrapbook. Nakalagay sa scrapbook lahat ng mga pruweba ng kabaliwan ko sa kanya noong mga panahong sa telebisyon, magazines, internet at panaginip ko pa lang siya nakikita. Idinikit ko dito ang mga pahinang pinunit ko sa aking journal na tanging ang mga nakasulat ay tungkol sa kanya. Mga litratong ilang taon kong sinave sa akong gallery, mga pictures na nakadikit sa kisame ng aking kuwarto at pati na mga ginupit kong mga pages ng interviews niya sa mga magazines. I'm ready to reveal how crazily inlove I am with him. Alam kong matatawa siya sa mga kagagahan ko pero at least napatawa ko siya sa espesyal na araw na ito. Halos isang linggo kong ginawa ang scrapbook kaya dapat mapasakamay niya ito hindi bukas, sa makalawa o sa ibang araw kundi ngayon!

She Loves Me MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon