Chapter 16

83.6K 2.5K 431
                                    

                           

                        ******

Nag-park si Lance sa tahimik na parte ng Marikina River Park. Nakatapat siya sa ilog habang hinihintay ang kasamang magising. Hindi niya pa ito magawang ihatid sa bahay dahil sa kalagayan nito. Baka mapagalitan ito ng tiyahin o kaya nama'y mabigyan ng ibang kulay ang pagkakalasing nito.

"Labsey..."

Napatingin siya sa nagsasalitang tulog. Hindi niya maintindihan ang salitang kanina pa nito paulit-ulit na binibigkas. Is it a thing? A person? A place?

She murmured again pero hindi niya ito maintindihan. He leaned closer to her upang mapakinggang mabuti ang sinasabi nito. Nang nakatutok na ang mukha niya'y unti-unti namang nagmulat ng mga mata ang dalaga.

Nakatanga lamang si Kristina habang titig na titig sa malapit na mukha ng abogado na noon ay nakatitig rin sa kanya't hindi kumikibo. Nanaginip ba siya? Bakit siya tinititigan ng amo nang malapitan? Napatingin siya sa nakaawang na mga labi nito. Nang may lumabas ditong boses ay saka lamang siya natauhan.

"Y-You were saying something..." bigkas nito sabay kurap at dali-daling lumayo.

Napakurap na rin si Kristina. She suddenly got confused on what's going on. Nanlaki ang mga mata niya nang biglang naalala ang mga huling pangyayari sa hotel. Natatarantang kinapa niya ang sarili at di magkadaugagang tumingin sa paligid.

"Nasaan po tayo?! Bakit magkasama tayo?! Bakit wala po kayo sa hotel?" sunud-sunod niyang tanong.

Bumuntong-hininga si Lance at napakibit-balikat na lamang sa natatarantang reaksiyon ng kasama. "The date was cancelled," diretso ngunit mahinahong pahayag niya.

"HO?!!!!" bilog na bilog ang mga matang bulalas ni Kristina.

"You made quite of a scene so I have no choice but to cancel my date."

"ANO HO?!!!" Napaangat sa upuan si Kristina at saka maluha-luhang nagpalinga-linga. "H-Hindi maari... yung dinner niyo... yung kuwarto...d-dugo't pawis ang ipinuhunan ko mapaganda lamang iyon....Y-Yung pustahan..." Tumingin siya sa amo sabay tingin sa relos. "Hindi pa tapos ang valentines... Attorney tawagan niyo si Ms. Hannah ituloy niyo yung date. Parang awa niyo na... sayang lahat ng pinagpaguran ko. Hindi pwedeng makansel ang date niyo!" nagmamakaawang pahayag niya.

"Kung ganun dapat hindi ka naglasing," he commented.

Napatikom ng bibig si Kristina. Saka lamang bumalik sa isipan niya ang mga huling pangyayari bago siya nakatulog. Nakaubos siya ng tatlong baso ng wine pagkatapos ay nakaramdam siya ng matinding init sa katawan. Naghubad siya ng coat hanggang makaramdam siya ng matinding antok. Nahiga siya sa gilid ng kama para umidlip ng saglit.

"Hindi ako nalasing!" depensa niya. "Nakatulog lang ako... Pero sana ginising niyo ako!!! Paano na yung pagod ko? Di pwedeng mauwi yun sa wala!" nagpapadyak na wika niya.

"Do you think I didn't try to wake you up? Pero sa lalim ng tulog mo hindi ka pa rin magising-gising unless na lang siguro kung buhusan ka ng malamig na tubig. Hindi mo ba naiisip kung anong hirap ko para magbitbit ng taong tulog dito sa sasakyan ko?" 

She Loves Me MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon