KRISTINABakit ba masyadong totoo ang kasabihang pag nagmahal ka, masasaktan ka? Pwede bang minsan i-consider na lang itong isang malaking joke? Dahil yata sa gasgas na linyang yan kaya pati lovelife ko naisumpa!
Makatarungan ba naman yung agad-agaran ang sakit! Plano pa nga lang sumubok sa forever.... di pa nga nag-uumpisa ending agad. Kailangan nang magmove on. Ano to? Lokohan!
Di ko gets kung bakit ganito ang plot ng lovestory ko. Walang umpisa, walang gitna at parang wala ring ending. Yung parang ang bilis lang dumaan. At sa sobrang bilis di mo namalayang nakaalis na pala. Yung mapapatanong ka kung meron nga ba talaga? Gusto ko na yatang mag-ala Ella Enchanted at hanapin ang ninang kong engkantada na nagbigay sa akin ng masamang sumpa.
Partially sinisisi ko rin ang aking sarili. Nung mga panahong halos di na makayanan ng mga pisngi ko ang bigat ng eyebags ko dahil sa kadi-daydreaming kay labsey, paulit-ulit kong sinasabi sa aking sarili na mahalin niya lang ako ay gagawin ko ang lahat para sa kanya. Pero nung unti-unti na nga sanang nangyayari ay tinubuan naman ako ng pag-iinarte sa katawan! Sumabay pa sa pag-eksena si oversensitivity.
Tsk! Iba nga talaga ang reyalidad sa panaginip... Sa panaginip puro saya at kilig pero sa totoong buhay sa bawat saya may nakapackage na takot at sakit. Parang buy one take two.
Kagaya nang masabihan ka ng 'I like you! I'm crazily attracted to you!' mula sa taong ni minsan ay hindi mo inakalang mapapansin ka rin pala. Di ba para kang binuhusan ng sako-sakong kakiligan?
Akala ko nga natunaw na ako sa aking kinatatayuan. O kaya nadala na ako ng hangin at nagpalutang-lutang na lamang kasama ng mga paru-paro. Pero hindi ko pa nga nanamnam ng maiigi ang kakiligan ay binuhusan niya na agad ako ng isang toneladang panghuhusga at pang-iinsulto.
E di ouch!
Oo alam kong bitter siya sa nakaraan niya! At dapat ko siyang intindihin kung talagang mahal ko siya. Alam ko naman na hindi birong sakit ang napagdaanan niya... pero siya naman kasi! Ni hindi nga kayang sukatin ang loyalty ko sa kanya tapos pagbibintangan niya akong taksil! Sinong matutuwang ang kainosentehan mo ay makakaladkad nang dahil sa kakatihan ng ex niya.
Masakit din di ba? Mahal ko siya pero hindi ako manhid! Walang iron shield ang puso ko sa masasakit na mga salita. Tapos kapag ang mahal mo pa ang nagsabi, mas doble pa pala ang sakit.
Tumigil ako sa pagsusulat upang pahirin ng aking kamay ang pumapatak na namang luha sa aking pisngi. Putspang blog to pinaiyak na naman ako! Sulat ako ng sulat wala naman akong balak i-post.
Kanina pa ako parang timang dito sa kuwarto na naiiyak, napapangiti, nalulungkot at natatawa. Pag nagmahal ka pala ng totoo at nasaktan, talo mo pa ang nakadroga sa dami ng di maintindihang trip para lamang makalimutan ang sakit.
"Tintin!"
Mabilis kong tiniklop ang aking laptop sabay pahid sa aking mga mata nang marinig ang boses ni Tita Rose. Tumikhim ako. Nagmadali akong dumampot ng libro at mabilis na humiga sa aking kama. Hinati ko sa gitna ang libro at patay malisyang nagbasa.
"Tin-" I heard my door creaked.
"O Tita Rose, may ibibilin ho ba kayo?" Madalas na pumapasok lamang siya sa kuwarto ko kapag may importante siyang instructions sa trabaho. Kahit sa bahay ay sinasabi niya na agad ito bago pa man niya makalimutan. Katwiran niya'y kapag nanganak na daw ay nagiging makakalimutin na ang isang babae.
She sat on my bed and worriedly looked at me. "Wala naman gusto lang kitang kumustahin." Pinagmasdan niya ng ilang sandali ang aking mukha habang ako naman ay unti-unting naku-concious. She's acting weird. Nagkaka-postpartum ba ang tiyahin ko at parang sumasabay yata sa pagiging emotera mode ko?
BINABASA MO ANG
She Loves Me More
Romance"Loving is not turning your woman into someone else because from the start you fall for who and what she really is." The story of Lance Oliver Perez new found love. A sequel to LOVE ME TOO.