LANCEAll charges against my father had been dismissed due to lack of evidences. Kung mag-isa lamang ako sa korte siguro'y napasigaw na ako sa tuwa. Sa wakas ay nawala na ang isang napakalaking kalbaryo sa aking mga balikat. Nagbunga rin lahat ng pag-aapela at sakripisyo ko. Now, our life will return to how it used to be. Nalinis nang muli ang pangalang napakatagal na inalagaan ng aking ama.
I couldn't wait to get out of the courtroom. Ang una kong gustong gawin ay yakapin si Tintin na naghihintay lamang sa akin sa labas. Di ako makapag-antay na i-share sa kanya ang sayang nararamdaman ko. I found her in the corridor. Malayo pa lamang ay tanaw ko na ang kanyang malalaking ngiti. Halatang alam niya na ang magandang balita. Nilakihan ko ang aking mga hakbang subalit sa kalagitnaan ng aking paglalakad ay biglang nagsilapitan ang mga reporters na hindi ko namalayan kung saan-saan nagmula. Natakpan ng mga ito si Tintin. Hinabaan ko ang aking leeg para manatili siya sa aking mga mata.
"Attorney Perez! Anong nararamdaman niyo ngayong nadismiss ang kaso ni Congressman Perez?" tanong ng isang reporter.
I'm very happy that I want to marry my girlfriend right now.
"Masaya dahil matutuldukan na rin ang mga maling akusasyon sa aking ama," simpleng sagot ko habang hinahanap pa rin ng mga mata si Tintin.
"Kumusta na si Congressman Perez? Sa palagay mo ba ay makakatulong ang desisyong ito sa pagpapalakas niya."
" Of course it will. But the most important factor for his recovery is the love and support of his family. This controversy is just a distraction but his conscience is clear so it doesn't really affect too much when comes to health."
Natigilan ako nang makitang natabig si Tintin ng isang reporter na nagmamadaling makalapit sa akin. Muntik na siyang matumba sa pagkakatulak sa kanya. I was displeased by what I saw. Walang paliwanag na umalis ako sa kumpol ng mga mamamahayag at mabilis na nilapitan ang nasaktan kong girlfriend. Nag-aalalang inalalayan ko siya sa braso.
" Are you okay? Nasaktan ka ba?"
" Okay lang ako."
Lumapit ulit sa akin ang mga reporters subalit tumanggi na akong sumagot sa mga katanungan nila. " I'm sorry, I have to leave now," wika ko.
Inakbayan ko si Tintin at nakahawak sa braso niya na naglakad patungo sa sasakyan. When we reached the car at wala na sa mga mata ng reporters, masayang pinulupot ni Tintin ang kanyang mga braso sa aking leeg at paulit-ulit akong hinalikan nang madiin sa pisngi.
"Mwah!Mwah!Mwah! Congratulations! Ang galing talaga ng labsey ko! I'm so proud of you!"
"Ang dami ko nang napapanalong kaso bakit parang ngayon lang ata ako nagkareward ng ganito sayo?" kunway may tampong wika ko.
" Siyempre iba to! Sa Daddy mo to eh! Kaya yung saya ko lagpas-lagpas langit talaga! Sayang nga dapat nagpainterview ka pa ng matagal dun sa mga reporters para naipamukha talaga natin sa mga sumisira kay Tito na walang nangyari sa mga efforts nila!"
"Uunahin ko pa bang pagsasagutin yung mga tanong nila eh nasaktan ka."
"Ikaw naman. Nasagi lang ako. Di naman sinasadya nung nakabangga."
"Eh alam mo namang ayokong nasasaktan kahit dulo ng kuko mo."
"Weeeh... inlove na nga ako sayo nagpapafall ka pa masyado. Tara na nga!"
"Saan? Your place or my place?" kindat ko.
"Of course my place! Ayaw mo?"
"Pag sinabi ko bang ayoko, lilipat tayo sa unit ko?"
BINABASA MO ANG
She Loves Me More
Romance"Loving is not turning your woman into someone else because from the start you fall for who and what she really is." The story of Lance Oliver Perez new found love. A sequel to LOVE ME TOO.