*****
KRISTINA
Dumating kami sa Theresa's Women Foundation at ako na ang excited! Akala mo naman ay marami akong maitutulong sa event pero care ko ba. This is another first time for me and another learning experience. I researched about the foundation. Kinukupkop nito ang mga babaeng nakaranas ng iba't ibang uri ng pang-aabuso. Sexually, physically and mentally. Gusto ko silang makasalamuha and I want to hear their minds. Isa sa mga dahilan kung bakit gusto kong maging public servant dahil pangarap kong iangat ang moral ng mga kababaihan lalong-lalo na iyong mga nakakaranas ng mga pang-aapi.
Excited din akong maka-meet ng mga taong involve sa politics lalong-lalo na ang tatay ni labsey or shall I say my future father-in-law. Isang hakbang na naman ito patungo sa aking pangarap.
"Huwag kang gagala. Stay only in places where I can see you," pauna agad ni labsey bago kami bumaba ng sasakyan. Tsk. Kelan kaya nito makakalimutang baunin ang pagka-killjoy?
"Yes attorney," napipilitang sagot ko sabay ingus ng palihim.
Pumasok kami sa isang gusaling may mataas na puting gate at pader. What inside is a big lawn with ten to fifteen canopy tents. May area para sa pinipilahan ng pagkain. May para sa health check-ups. May free legal consultations. May para sa mga relief goods. Pinagsama-sama na yata ang lahat ng klase ng misyon sa iisang event. After seeing the busy sorroundings, medyo nawala ang ipinag-aalala ko. Mukhang hindi naman ako tatanga dahil maraming pwedeng gawin.
Pero siyempre bago ang lahat, iginala ko muna nang maiigi ang aking mga paningin upang maghanap ng mga kilalang tao. Una kong nakita si Atty. Calderon at agad akong natuwa. Nasa tent siya ng legal consultation.
"Huh? Si Attorney Calderon o! Andito siya!" namimilog ang mga matang turo ko.
"She's a huge supporter of my father. She's busy kaya mamaya mo na siya i-approach," supladong tono na naman ng aking kausap.
"Huh? Si Congressman Perez oh! Yung tatay niyo!" turo ko ulit sa isang tent.
"Alam kong tatay ko siya," sarkastikong sagot na naman ng aking kasama.
This time I pursed my lips without hiding them.
"Itigil mo na yung kakaturo mo baka manuno ka," dagdag pa nito.
Tumahimik ako't sumunod na lamang sa kung saan siya pupunta. Naglakad kami patungo sa tent kung saan naroroon sina Congressman Perez. Bigla akong kinabahan at nawalan ng lakas ng loob. We're heading to a group of big time people kaya pakiramdam ko unti-unti akong nanliit. Walang bahid ng pag-aalinlangang pinigilan ko ang braso ng aking amo.
"A-Attorney.... pwede bang dito na lang ako o di kaya'y pumwesto ako sa ibang tent. Hindi mo n-naman siguro ako kailangan," pagdadalawang-isip ko.
"Why? You're my chaperone kaya dapat kung nasaan ako andun ka."
BINABASA MO ANG
She Loves Me More
Romance"Loving is not turning your woman into someone else because from the start you fall for who and what she really is." The story of Lance Oliver Perez new found love. A sequel to LOVE ME TOO.