Chapter 39

69.6K 2.5K 204
                                    

KRISTINA

"Tikman mo nga to Tintin!"

Tumigil ako sa pagvivideoke na agad na sinamantala ni Kuya para agawin sa akin ang mic.

"Punta ka na kay Mama tulungan mo yun sa paggawa ng salad tutal para naman sa syota mo yun eh!"

Pinandilatan ko si kuya. "A-Anong syota? Marinig ka diyan ni Papa."

"Aysus! Kunwari ka pa. Kung magdikit nga kayo ay talo niyo pa ang magsyota."

"Hindi ko pa sabi siya boyfriend," pabulong at gigil na saad ko.

"E di hindi! Pero ninety nine percent dun din yun babagsak. Sa hitsura niyong dalawa one percent na lang ang chance na mababasted siya. Nagpapahalik ka na nga."

Bigla akong nataranta. "Ano ba kuya! Marinig ka sabi. Hindi kaya ako nahalikan."

Ang kapatid kong ito ay lagi na lang pinamba-black mail sa akin yung muntik niya nang pagkakahuli sa amin ni labsey. Hindi niya naman masumbong-sumbong dahil tiyak na malilintikan din siya kapag nabukong kasabwat di siya.

"Tintin!" tawag ulit ni Mama.

"Yes Ma, papunta na po diyan!" sigaw ko. Tinuro ko ang songbook kay Kuya. "Uy marami pa akong nakapilang kanta diyan ha, huwag mong kakantahin akin yang mga yan!" bilin ko.

Lumapit ako kay Mama na enjoy na enjoy sa paggawa ng macaroni salad.

"Tikman mo na dali!" aniya.

Kumuha ako ng pinggan at pinuno ito ng salad.

"Ang sabi ko tikman mo lang, di ko sinabing magdessert ka na!" sita niya.

"Ganun na rin ho yun, para diretso na," sabay subo ko. "Ang sarap ah!" namimilog ang mga matang wika ko.

Sumaya agad ang mukha ni Mama. "Talaga? Kumusta yung tamis okay lang ba? Sa tingin mo magugustuhan yan ni Lance?"

"Hmmmm... di ko po masabi eh. Kasi kapag nakakasama ko siyang kumain sa restaurant kadalasang kinakain niyang salad ay yung mga dahon-dahon."

"Anong dahon-dahon? May salad bang ganun?"

"Yung mga vegetable salad, ceasar salad, yung puro gulay lang halos."

"Di siya mahilig sa matamis?"

"Well...kumakain naman siya ng cake." I still remember Hannah gave him one  when she visited the office "Tapos ice cream." Share pa nga kami sa isang cone yiee!

Nag-ring ang cellphone ni Mama. Dali-dali akong dumikit sa kanya upang silipin kung sino ang tumatawag. 

"Si Rose! Tamang tama sa kanya ko na lang itatanong, mas matagal na nitong kilala si Lance," sabik na wika niya. "Hello Rose! Kumusta napatawag ka!"

Nawala ang excitement ko nang malamang di ito si labsey. Inupakan ko na lamang ang salad habang nakikipag-usap si Mama. Kapag hindi siya nakatingin ay sumisimple ulit ako ng kuha sa bowl. Hinintay ko silang matapos mag-usap para ako naman ang makikipag-usap kay Tita Rose pero nagmadali si Mama sa pagpapaalam.

"T-Teka! Teka Ma! Pakausap kay Tita Rose! Tatanong ko lang kung kumusta si attorney sa opisina-"

"Wala na ibinaba na," sabay ngiti niya. "Hindi naman pala pihikan si Lance sa salad. Tamang-tama ito pagdating niya bukas." She put the salad in the refrigerator while humming.

"Mamaya mo na ipasok sa ref Ma," wika ko.

"Heh! Akala mo hindi ko nakita na kanina ka pa kuha ng kuha!"

She Loves Me MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon