Chapter 46

71.1K 2.4K 426
                                    


LANCE

Mag-isa akong  napapangiti at naluluha sa loob ng aking kuwarto  habang isa-isang binubuklat ang bawat pahina ng scrapbook na natagpuan ko sa mga gamit ni Tintin. Pauli-ulit kong binababasa ang mga nakakatawang linya sa mga idinikit na journal pages. Kahit napakachildish, kakaiba pa rin ang hatid na haplos at kilig sa aking dibdib.

Such a cute kid! Natatawang wika ko sa isipan nang pagsawaan ang pagbabasa. Yes she's still a kid Lance so why did you have to rush everything?

Tumingin ako sa bintana. Pinahid ko ng kamay ang aking namumuong mga luha. Hindi ko alam kung para saan nga ba ang mga luhang iyun. Was it because of the scrapbook or the fact na alam kong kasalukuyang nahihirapan si Tintin nang dahil sa akin? My conscience was killing me.

From the start, batid kong napakalaki ng posibilidad na tanggihan niya ang proposal. Hinding-hindi pa siya handa. It was too early for a woman at her age and it was too raw for a relationship like us. Pero gusto ko na eh. I'm dying to start a family of my own. Get married to the woman I love. Have a loving wife who'll be waiting for me at home, taking care of me and our children. Lahat to nag-umpisa simula nang mahalin ko siya and I just couldn't contain this longing anymore. Kung hindi ako ngayon magpaplano ng pagpapamilya, kelan pa?

This time gusto ko namang pakinggan ang sarili ko. Sa buong buhay na nagmahal ako, for once, I wanted to be selfish! Handa kong isugal ang masayang yugto ng relasyon namin ni Tintin makuha ko lamang ang gusto ko. I risked not just the possibility of being hurt but the greater possibility of hurting her for a moment. Now we'll be facing a difficult stage in our relationship dahil sa naging desisyon ko pero wala akong magagawa kundi pagdaanan to sapagkat nagmahal ako ng bata. Ito lang ang paraang pwede kong gawin kung gusto kong pakasalan ang babaeng mahal ko. Be brave, be bold, be direct but still be patient. The proposal was just an introductory message, alam ko na marami pang kasunod na mga mangyayari. Pero kahit paulit-ulit man akong magpropose ay gagawin ko hanggang sa maiharap ko siya sa altar.

Nilingon ko ang bag na naiwan niya sa restaurant. Napangiti ako nang mapait. The picture of her running away suddenly flashed back in my head. Kinuha ko ang scrapbook at ibinalik ito sa bag. I knew its for me pero magiging akin lamang ito kung mismong si Tintin na ang nag-abot. Ang kinuha ko lamang ay ang key chain na alam ko ring para sa akin.

Ngingiti-ngiting ikinabit ko ito sa aking mga susi. "Thank you baby doll," sambit ko habang nakatitig sa kanyang regalo. Dinampot ko sa ibabaw ng mesa ang kahon ng singsing. Binuksan ito at pagkuway tinitigan ng ilang sandali. "Ang daya mo. Di mo sinuot ang regalo ko sayo."

I kept the ring inside the drawer of my bedside table. Kailangan ko itong pag-ingatan hangga't hindi ito nasusuot ng daliring nagmamay-ari nito. Tiningnan ko ulit ang kanyang handbag. I picked it up and went outside the house. All her important stuff was inside kaya kailangan ko itong maisauli agad sa kanya.

Bumaba ako sa kanyang unit at si Delilah ang nagbukas sa akin. Bigla nitong niliitan ang awang ng pinto pagkakita sa akin. I could hear the barking and commotion of Tweenie behind the door, aware that I was being around.

"Atorni wala po dito si Ati Tin." Di pa man ako nagtatanong.

"I'm not here to see her," matamlay kong sagot. "Pakibigay na lang nito sa kanya," abot ko sa bag.

She received the bag. Bumuntong hininga muna ako nang malalim before I made a step heading back to my place. Batid kong nasa loob lamang si Tintin. I wanted to ask a lot of questions but chose to seal my mouth. Pacifying myself and curiosity was the best thing I could do for the moment.

"Thank you Delilah," paalam ko.

"Atorni..." pabulong na tawag sa akin ng kasambahay. Napahinto ako.

She Loves Me MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon