Chapter 26

78.2K 2.4K 191
                                    

KRISTINA

Papaling-paling ako sa higaan. Sising-sisi at inis na inis sa aking sarili. Mariing diniinan ko ng unan ang aking mukha.

Hindi ka pinalaking ganito ng mga magulang mo Tintin!

Walang rules na nagsasabing bawal maging patay na patay sa isang lalaki. Pero ang magpahalik ka sa di mo naman karelasyon, dalawa lang yan. Isa kang malaking tanga o malandi!

Tanga ka ba Tintin? 

Nakakauno naman ako nung nag-aaral pa. Nerd at bookworm pa nga tingin sa akin ng mga kaklase ko.

Malandi ka ba Tintin? 

Ni hindi pa ako nagkakaboyfriend sa tanang buhay ko. Ngayon lang nahagip ni kupido ang puso ko, nagkataon lang na sobrang lalim yata ng pagkakabaon ng pana. Babaeng tuod pa nga ang kantiyaw sa akin dati ng mga kaibigan ko.

Kung ganun ba't ka pumapayag na basta-basta na lang hinahalikan ng taong hindi mo nga alam kung ano ba talaga ang totoong nararamdaman para sayo?!

Hindi ko rin alam! Mas lalong hindi ko maintindihan kung bakit ayaw gumana ng isip ko sa tuwing lumalapit siya sa akin. Laging ang sigaw ng dibdib ko ang nangingibabaw na para bang pag di ko pinagbigyan ay hindi ako makakahinga.

Hindi na tama ito! 

Kapag hindi ko tinigilan ang aking nararamdaman, tiyak na sa malaking basurahan ang aking bagsak. Durog, sugatan at nasasaktan.

He kissed me. And that was it... hinalikan niya lang ako! Ni wala siyang paliwanag na binigay kung bakit niya ginawa yun maliban sa mga salitang 'to soften a woman's heart'.

'Soften' pa rin! Eh tunaw na tunaw na nga ang puso ko sa kanya! Ang kailangan kong marinig ay kung ano ba talaga ang mga dahilan kung bakit niya ginagawa sa akin ang lahat ng ito. 

The flowers. The kiss. Hindi naman ako ganun kamanhid para di maintindihan ang posibleng ibig sabihin ng mga iyun. Pero hindi rin ako martir para umasa sa isang bagay na wala namang kumpletong kumpirmasyon. I want to hear it from his own mouth. He has to say those words for me to know where to stand.

What if I'm just a game to him? Isang bata lamang na pwedeng-pwedeng paglaruan ng isang ekspertong womanizer.

Napabalikwas ako ng bangon nang may mapagtanto ako.

The first time he kissed me. I think he heard everything I said on that night!  Nagkukunwari lamang siyang walang alam so he could play with me! Matapang siyang gawin sa akin ngayon ang mga bagay na ito  dahil alam niyang mahihirapan akong tumanggi. Hindi kaya mas lalo siyang nagpapakabait para lalo akong mahulog sa kanya? And at the end, he can get what he wants tapos iiwanan niya rin ako.

Muli akong nahiga. Napapailing at napapadyak.

I'm being paranoid right now. I'm thinking for the worsts kahit pa malaking bahagi ng kalooban ko ang nagdidiktang masamang lalaki si labsey. Pero anong magagawa ko kung eto lang ang paraan ko upang iiwas ang aking sarili na masaktan.

Simula ngayon kailangan ko nang tanggihan ang anumang kabaitan at kabutihang ipapakita niya. I need to be tough. Sasama at makikipag-usap lamang ako sa kanya kapag may kinalaman sa trabaho.

This has to be stopped not unless he tells me his true intentions.

        -----

LANCE

I am contemplating in front of the mirror as the vision of myself kissing Kristina keeps appearing  inside my head. My heart is restless ngunit mas higit akong binabagabag ng aking konsensiya.

She Loves Me MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon